Alessandra de Rossi bonds with Kris Aquino on set of new horror movie

Alessandra de Rossi is happy to be working with Kris Aquino on Dalaw, Star Cinema's entry to the MMFF.

"Masaya, masaya siyang katrabaho. Makulit. Tanong nang tanong, sagot naman ako nang sagot," Alex says. "Usually mga tanong naman niya, saan ka kahapon? Ano ginawa mo? From there, maganda na ang conversation niyo. I guess, nakapag-bonding naman kahit apat na araw pa lang ako nakakapag-shoot."


First time lang daw na makasama ni Alessandra de Rossi ang Horror Queen na si Kris Aquino pagdating sa pag-arte.

Si Alex kasi ang gumaganap na pinsan ni Kris sa pang-MMFF entry ng Star Cinema na Dalaw. Palagi raw siyang naka-kontra sa character ni Kris but—in a good way —kaya hindi puwedeng sabihing kontrabida siya sa movie.

Happy si Alessandra na naka-trabaho niya si Kris sa movie nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong launching ng 36th MMFF.

Ayon nga kay Alex, "Masaya, masaya siyang katrabaho. Makulit. Tanong nang tanong, sagot naman ako nang sagot.

"Usually mga tanong naman niya, saan ka kahapon? Ano ginawa mo? From there, maganda na ang conversation niyo. I guess, nakapag-bonding naman kahit apat na araw pa lang ako nakakapag-shoot."

Suki na rin naman si Alex ng filmfest. Pero itong taong ito, baka hindi daw siya makasama sa parade dahil may iba siyang plano this Christmas.

"Ngayon ko lang naman gagawin 'to and I guess, ibibigay naman nila sa akin 'to. Magkakaroon ako ng out-of-town na, personal lang talaga. Ang kasama ko, friends. Friends lang talaga," natatawa pa niyang sabi.

So, ano ang nakikita niya sa Christmas niya, masaya, mainit or malamig?

"I guess, masaya siya. Kasi, first time ako na 'yung gagastos para sa isang bakasyon. At hindi ito family. 'Yung talagang pupunta ka lang doon na kasama ang mga kaibigan mo."

LOVE LIFE. Ang tagal nang walang napapabalitang boyfriend si Alex. Bakit parang sobra ang pananahimik niya sa aspetong ito?

"Nananahimik talaga!" natatawang sabi niya.

By choice ba talaga?

"Nagkataon lang. Dati kasi ang dali lang humanap. Hindi naman humanap, pero, makatagpo. Bukas ang mundo ko, e. Taping lang ako ng taping.

"Ngayon kasi, kung walang taping, bahay lang. So, kung hindi ka mai-in-love sa taping, saan ka mai-in-love sa bahay? Sa driver? Chos!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero may mga nanliligaw naman?

"May mga nagpaparamdam minsan. Pero sadyang wala lang dumating na type ko."

Sadyang choosy na siya ngayon?

"Hindi naman choosy. Sadyang wala lang talagang type ko."

Dugtong pa niya, "Ever since naman, gusto ko na kapag nagka-relasyon ako, yun na. Kaya lang, hindi siya nangyayari. Siguro, bata pa ako or hindi lang yun talaga. At saka, siguro si God na rin, sabi, huwag ka ng mag-try, 'di ba, puwede?"

Malungkot ba siya na wala siyang love life for four years?

"Ay hindi! Minsan nga dumarating ako sa point na magkaka-boyfriend na ba ako this year? Biglang, ay God, hindi pala ako ready.

"Parang huwag na lang pala. Parang ang saya ko lang. Parang hindi ko na kaya. Masyado lang ako na baka hindi ko na kaya. Siyempre, practice makes perfect. I have no practice."

Sa four years, wala. Kahit fling or ka-M.U?

"Na-in-love naman ako!"aniya. "Pero sadyang... na-in-love lang ako sa kanya. Pero hindi nagligawan. Talagang gusto ko lang siyang maging dyowa pero we're not meant to be. Parang, ay sayang, bagay tayo... alam mo 'yun?"

Hindi na-feel ng guy na na-in-love siya?

"Alam niya, pero, cannot be lang talaga."

Ayon kay Alex, hindi raw artista ang tinutukoy niya.

NEW TV SHOW. Sa telebisyon, busy raw siya ngayon sa pagte-taping ng Green Rose na intended for February next year ang airing at makakasama nga niya sina Anne Curtis, Jericho Rosales at Jake Cuenca.

Aniya, "Maganda ang role ko ro'n at kaabang-abang naman. Hindi naman kontrabida. May konting kasamaan siya.

"Ako ang girlfriend-girlfriendnan ni Jake. Mahal na mahal ko siya, pero, hindi niya ako mahal. The usual role. This time, with a twist. Maganda talaga."

Noong lumipat siya from GMA-7 to ABS-CBN, ang alam ng karamihan, isa sa naging pangako sa kanya ay ang pagkakaroon ng isang soap. Pero itinanggi ito ni Alex na may ganoong promise sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, "Wala... walang ganoong nai-promise sa akin. Ang promise sa akin, hindi ako mawawalan ng show. Okey naman, okey naman siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN