Star Factor's Top Four name their favorite talent-search celebrities

IMAGE 0

The Star Factor Final 4: (from left) Eula Caballero, Morissette Amon, Christian Samson, and Ritz Alzul. The winner will be announced on December 5.


Nagkaroon ng pagkakataon ang media at press na makilala ang Top Four ng Star Factor, ang artista search ng TV5 na si Ruffa Gutierrez ang host, sa Studio B ng TV5 Complex sa Novaliches.

Unang talent search show ito ng TV5 kaya ang ginawang basehan ng writer na ito ay ang Starstruck (GMA-7) at Pinoy Big Brother (ABS-CBN). Sino ba sa mga naging produkto ng dalawang shows ang gusto nilang sundan ang yapak?

Ang unang sumagot ay ang nag-iisang lalaki sa apat na finalists, si Christian Samson na tubong Bulacan.

Aniya, "StarStruck... hindi po ako masyadong nanonood pero ang kilala ko si Mark Herras. Gusto ko pong gayahin siya kasi parehas kaming magaling sumayaw.

"Sa PBB, gusto kong gayahin si Gerald [Anderson] kasi malayo na ang nararating niya. Sana... gusto ko since ako lang ang lalaki, ganun din, malayo din ang marating ko.

Ang kapareha naman ni Gerald ang gustong gayahin ni Morissette Amon ng Cebu.

Pahayag niya, "Ako naman po, sa PBB po, gusto ko pong gayahin si ate Kim Chiu po na fellow kababayan ko. Kasi magaling po siyang umarte and marami na po siyang natutunan since then.

"Sa StarStruck? Hindi po ako masyadong nanonood."

Si Eula Caballero, na isa ring Cebuana, ay gustong matulad kay Diva Montelaba, na First Princess ng StarStruck Batch 5.

Sabi niya, "Cebuana rin siya and I know her quite certainly na mabait siya talaga, na she's working hard for her family, I know that. And super hard-working and patient talaga siyang tao."

Dagdag pa ni Eula, although hindi pa sila talaga nagkakakilala ni Diva, parang kilala na rin niya ito dahil "my cousins and Diva, they study in one school."

Sa PBB naman, pinili ni Eula si Fretzi Bercede, na taga-Cebu rin.

"Yung schools namin is magkalapit lang sa Cebu and may naririnig ako sa mga friends ko na naging schoolmate niya before na mabait siya, mahinhin, ganun, and palaban daw. Pero she still keeps her feet on the ground.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang PampangueƱa na si Ritz Alzul ay humahanga kay Sheena Halili "kasi very wholesome po siya."

Tulad ng StarStruck Batch 1 alumna, nais rin daw niyang malinya sa comedy, and given the chance, pati sa drama.

Sa pagpapatuloy niya, "Yung mga shows po niya sa TV, gusto ko, at gusto ko po yung ugali niya.

Sa tanong naman namin kay Ritz kung sino sa mga produkto ng PBB ang gusto niyang tularan, ang sagot niya ay, "Sa PBB? Sorry, hindi po ako nanonood ng PBB."

Malalaman na sa Linggo, December 5, Linggo, kung sino ang tatanghaling winner ng Star Factor, sa Ynares Sports Arena sa Antipolo, Rizal.

Ang mga judges or "Starmakers" ay ang stage veteran na si Audie Gemora, multi-awarded director na si Joey Reyes, famous celebrity photographer Raymund Isaac, legendary music icon Maestro Ryan Cayabyab, at ang controversial talent manager na si Annabelle Rama.


ABOUT THE AUTHOR


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN