Robin Padilla reacts to issues involving Mariel Rodriguez

"Ang masasabi ko lang, ginagawa niya ang lahat para masasabing asawa siya. Alam ko, spoiled ang batang 'yan. Pero, pinipilit niyang bumangon nang maaga. Gawan ako ng kape, gumawa ng almusal. At saka, gusto niya, sinusubuan pa. Sabi ko, 'Teka, OA na 'yan!' Gusto niya, pinaliliguan... Oo, napaka-ano niya, sweet," says Robin Padilla about Mariel Rodriguez.


Bumalik na ng Pilipinas sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez noong November 22. Galing ng India ang dalawa kunsaan nag-shooting sila ng kanilang pelikula.

Noong Linggo, November 28, ay nagkuwento si Robin sa The Buzz tungkol sa unang pelikula ni Mariel.

Nilinaw ng action star na hindi action movie ang ginawa nila ni Mariel.

"Love story po talaga 'to," sabi niya. "Yung action, maliit na percent lang.

"Ang target namin, sa January ang showing. Pero malabo pong mangyari sa dami ng materyales, hindi siya matatapos lahat."

"OA NA 'YAN." Bukod sa pagiging artista, naging malaki rin daw ang participation ni Mariel sa production habang ginagawa nila ang pelikula.

Kuwento ni Robin, "Minsan makikita mo siya, may dalang reflector. Minsan, may dalang tripod.

"Sabi ko, 'Medyo OA na 'yan, OA na 'yan. Hayaan mo na lang sa mga boys 'yan.'"

Mula rin daw nang naging "mag-asawa" sila ni Mariel, doon daw nakita ni Robin ang mas pag-aasikaso nito sa kanya.

"Ang masasabi ko lang, ginagawa niya ang lahat para masasabing asawa siya.

"Alam ko, spoiled ang batang 'yan. Pero, pinipilit niyang bumangon nang maaga. Gawan ako ng kape, gumawa ng almusal. At saka, gusto niya, sinusubuan pa.

"Sabi ko, 'Teka, OA na 'yan!' Gusto niya, pinaliliguan... Oo, napaka-ano niya, sweet," sabi ng aktor.

Ayon kina Robin at Mariel, ikinasal sila sa India noong August 19. (CLICK HERE to read related story.)

HONEYMOON. Sa palagay ni Binoe, ngayong darating na Pasko na siguro sila makakapag-honeymoon ni Mariel.

"O, itong darating na Pasko. Palagay ko, makakapagbakasyon na kami.

"Ang plano namin, bumalik sa Macau. Nagustuhan namin ang Venetian [Macao Resort Hotel]."

Biro naman sa kanya, baka yun ang chance na makagawa na sila ng baby?

"Hindi pa, sayang naman ang kaseksihan ng asawa ko. Pagsasamantalahan ko muna siya!" natatawang sagot ni Robin.

FACING THE ISSUES. Bago sila lumipad papuntang India, marami ang lumabas at nasulat na isyu hinggil kay Mariel. Nagawa naman itong sagutin ni Robin sa panayam sa kanya ng The Buzz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Una na ang tampuhan ni Mariel at ng kanyang kaibigan na si Toni Gonzaga.

"Ang alam ko, talagang tunay na magkaibigan, 'yang dalawang 'yan," umpisa ni Robin.

"Katunayan, sa pagsasama namin ni Mariel, doon ko napatunayan na higit pa pala sa magkaibigan ang dalawang 'yan. Para silang magkapatid.

"Ang dasal ko, magkaayos sila at makagawa sila ng pelikula. Pangarap pala nilang tatlo 'yan—Mariel, Toni, at Bianca [Gonzales]."

Halatang nagulat naman si Robin na may isyu rin pala sa pagitan nina Mariel at Luis Manzano. Na nagtampo si Luis kay Mariel dahil sa diumano'y "panlalaglag" nito sa kanya at dahilan para sugurin ni Robin si Luis.

"Alam na ba niya 'yan? 'Yang isyung ganyan?" nagtatakang tanong ng action star.

"Hindi niya nabanggit sa akin na may isyung ganyan.

"Kasi, mabait na bata si Luis. Hindi ko man lang akalain na magkakaroon sila ng problema.

"Napakaimposible no'n. Kasi, noong [Pilipinas] Win Na Win! nandoon pa si Luis. So, paano nagkaroon ng kumprontasyon?"

Sabi pa ni Robin, labis daw ang respeto niya sa ina ni Luis na si Governor Vilma Santos, kaya paano raw niya magagawa yun.

"Kung magkakaproblema kami ni Luis, ang una kong pupuntahan, e, ang nanay niya at hindi siya.

"Dahil ang tingin ko kay Luis, e, anak ko rin. Hindi ko gagawin yun. Ang labo nun!

"Tayo ang humihingi ng dispensa muna kay Governor Vilma Santos... Idol, wala pong katotohanan," sabi niya.

MARIEL'S RETURN. Sa kabila ng mga isyung kinasasangkutan ni Mariel, marami pa rin ang nag-aabang sa muling pagbabalik nito sa telebisyon. Ano ang masasabi ni Robin dito?

"Tanong natin kay Tito Boy!" natatawa niyang sabi, na ang titnutukoy ay ang manager ni Mariel na si Boy Abunda.

"Kasi ako, gusto ko kay Mariel, kalimutan niya ang salitang nag-give up siya. Umiinit ang ulo ko ro'n. Kapag sinasabi niyang nag-give up siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No way, magaling na host si Mariel.

"Sayang ang kagandahan niya kung itatago niya lang sa bahay.

"Yung katawan niya, sa akin na lang. Yung kagandahan niya, puwedeng i-share yun!" tawa niya ulit ni Robin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN