John Lloyd Cruz and Toni Gonzaga give credit to each other for the success of their movie

"He is a generous actor and brings out the best in his leading ladies," says Toni Gonzaga about John Lloyd Cruz, her co-star in the successful movie, My Amnesia Girl.


Nagharap sa isang interview ang magkapareha sa box-office hit movie na My Amnesia Girl—sina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga—sa The Buzz last Sunday, November 28. Bilang isa sa mga host ng programa, si Toni ang nagbato ng mga katanungan sa kanyang leading man.

Toni: "Kumusta ka?"

John Lloyd: "I'm okay. I'm very happy. I'm very happy for you, for our movie. For Direk Cathy (Molina-Garcia)."

Toni: "Walang-duda na ikaw ang undisputed Box-Office King. Kahit anong movie mo, kahit sinong leading lady, pinapanood."

John Lloyd: "Ay naku, ang lakas makatanda naman niyan!"

Nag-cue na si Toni na start na raw ng intrigahan for her segment, ang "T.G.I.S. Toni Gonzaga Intriga Segment." Kaya biro ni John Lloyd, ''A, intro lang ba yun?"

FIRST INTRIGA STATEMENT: "Toni at John Lloyd, hindi na kailangang ma-link para kumita ang pelikula."

John Lloyd: "O, maganda! Maganda. Ang gandang pakinggan. Ang sarap pakinggan!

"Para sa akin, music to my ears yung ganoon. Yung hindi mo kailangang mag-pretend. Lokohin pa ang mga tao at magmukha kayong nagliligawan, or merong namamagitan sa inyong dalawa para magbenta ng pelikula.

"Kung bibigyan mo ang audience mo ng kasinungalingan, baka ganoon din ang balik sa 'yo.

"Ikaw, meron kang sariling relasyon. Ganoon din ako. Hindi kailangan na..."

Toni: "Ibenta ang personal life natin kasi ang ibinebenta natin, trabaho natin. O, mabuhay ka do'n, ha!"

SECOND INTRIGA STATEMENT: "Parang hayok na hayok si John Lloyd sa mga halik ni Toni sa movie nila. Bakit kaya? Hmmm..."

Toni: "Parang baligtad? Siya ba o ako? Sa mga eksenang nagawa ko?"

John Lloyd: "E, hindi ko alam. Yun ang dating sa kanya, di ba? Kanya-kanya talagang impression 'yan."

Toni: "Ikaw ba, ninenerbiyos pa kapag gumagawa ka ng kissing scene?"

John Lloyd: "Hindi dun sa kissing scene... hindi dun sa idea ng kissing scene. Doon sa idea na kailangan mong alagaan ang leading lady mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi yun nga, yun ang pinaka-ayokong mangyari. Yung magkaroon ng impression ang isang babae sa akin na nag-take advantage ka."

Toni: "Huwag kang mag-alala, hindi ko naman naramdaman yun."

John Lloyd: "Ang galing ko talaga! (laughs)"

Toni: "At saka, one thing na maa-assure ko sa publiko, si John Lloyd Cruz po ay talagang napaka-gentleman at napaka-maalagang katrabaho sa pelikula. So, with that, maraming salamat."

THIRD INTRIGA STATEMENT: "Kailan kaya magpapa-sexy si John Lloyd? I want to see him do a cover shoot for a magazine."

John Lloyd: "Ayoko nang magsalita. Sabi nga ni Piolo Pascual, 'Naku, palagi mo naman sinasabi 'yan. Sa next movie mo, aayusin mo na yung...' E, ayoko nang magsalita. Basta!"

Toni: "Uy, 'eto ang masasabi ko, si John Lloyd, may angking kaseksihan talaga. Iba yung charm mo.

"Lalo na yung eksena rito sa pelikulang ito, I could say, iba talaga. Alam mo, matapos nating gawin ang eksenang yun, feeling ko, na-stroke ako, hindi ako maka-recover.

"Alam mo, nag-linger yun sa utak ko. Hanggang ngayon, hindi ako maka-recover."

John Lloyd: "Alam mo, seriously, siyempre, tayo naman, ang intention natin bilang artista, makapagbigay ng bago sa mga susunod nating gagawin. Hopefully, next time, next project."

FOURTH INTRIGA STATEMENT: "Does it always take a good leading lady to make John Lloyd's projects work?"

John Lloyd: "Yeah. Medyo hindi na pinag-iisipan yun."

Toni: "Actually, ninerbiyos ako... Bigla akong, 'Did I do good sa pelikulang ito?'"

John Lloyd: "I don't deserve this, ha. I don't deserve this Toni..."

Toni: Alam mo, palagi kong kinukuwestiyon 'yan: 'Do I deserve John Lloyd Cruz?'"

John Lloyd: Alam mo, Toni, more than for myself, I'm so proud of you in this movie. Sobra, sobra!"

Toni: "Kaya siguro may magic ang John Lloyd Cruz sa mga pelikula mo, kasi you're such a generous actor. You're a giver and ano, you bring out the best sa lahat ng mga leading ladies mo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN