Denise Laurel is not pregnant, says her manager

"'Yong pregnancy rumor kay Denise, as of last week [when] we were together, I didn't see any changes sa katawan niya. I asked her about it, sabi niya sa akin, 'No. Look at me, I'm still sexy," says talent manager Arnold Vegafria about his ward Denise Laurel.


Nakarating sa PEP (Philippine Entertainment Portal) noong nakaraang linggo ang bali-balitang buntis raw ang Kristine actress na si Denise Laurel. Ang sinasabing ama ng diumano'y dinadalang bata ng Kapamilya actress ay isang player ng Philippine Basketball Association (PBA).

Nitong nakaraang weekend, naging laman na rin ito ng ilang tabloid columns, pati na ng mga online journals at blogs. Gayunman, wala pa ring kumpirmasyong nanggagaling mula sa kampo ni Denise.

Kaya naman kaninang tanghali, November 30, sinubukan ng managing editor ng PEP na si Karen Pagsolingan na linawin ang isyu sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa talent manager ni Denise na si Arnold Vegafria.

Hindi makumpirma o mapabulaanan ni Arnold ang bali-balita at ang tanging nasabi niya sa talepono, na nauna nang nailathala sa PEP Alerts: "I have yet to talk to her and her family."

"I DIDN'T SEE ANY CHANGES." Samantala, kaninang hapon, sa "Press Day" na ginanap sa Johnny Rockets, Tomas Morato, Quezon City, nagkaroon naman ng pagkakataon ang PEP at iba pang media na makausap ang talent manager tungkol kay Denise.

Ayon kay Arnold, "'Yong pregnancy rumor about kay Denise, as of last week when we were together, I didn't see any changes sa katawan niya.

"Then, I asked her about it, sabi niya sa akin, 'No. Look at me, I'm still sexy. I know na may lumalabas na mga rumors that I'm pregnant.'

"Then, I asked her family. The family naman never said anything, kasi we were together sa family function nila. So, wala naman akong nakitang anything, and I asked them, wala."

TEMPORARILY OUT OF KRISTINE. Walang ideya si Arnold kung saan nanggaling ang aniya'y "maling balita" tungkol kay Denise. Gayunman, isang posibleng pinagmulan nito ay ang biglaang pagkawala ni Denise sa primetime teleserye ng ABS-CBN na Kristine.

Pero agad naman itong nilinaw ni Arnold. Aniya, "[Denise] is out of Kristine because it's part of the story of the teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But I don't know kung kailan ang balik niya. May balik 'yan, e, hindi ko lang alam kung ano ang plano sa Kristine.

"But on Thursday or tonight, I'll try to get in touch with Lauren Dyogi kung ano ang plano nila sa show.

"One of my artists din kasi papasok sa Kristine."

Sa kabilang banda, tinanong naman ng ABS-CBN reporter na si Marie Lozano kung totoo ang mga lumabas na balitang nagiging "diva" na sa set ang dalagang aktres.

Natawa naman si Arnold at sinabing hindi ito totoo. Pagkatapos ay ipinaliwanag niya na may ilan lamang silang mga hiling sa staff ng Kristine.

"[We have] some complaints. Actually, it's not a complaint, it's just a little ano lang, sa role niya, because nagiging daring na daring yata ang role niya.

"Some of their themes, hindi niya magawa. May questions lang, hindi naman siya nagpapaka-diva sa set.

"Siguro, some of the themes, hindi niya pa kayang magawa, uncomfortable pa siya."

Sa ngayon, makikipag-usap pa raw si Arnold sa pamunuan ng nasabing teleserye tungkol dito, gayundin sa pansamantalang pagkawala ni Denise sa programa.

"Wala pang chance to meet with the management of Kristine. So, baka this week," sabi ni Arnold.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN