Energetic Jillian Ward enjoys being a star

Child sensation Jillian Ward plays a doll in the Christmaserye Jillian: Namamasko Po!. She stars with Claudine Barretto, Michael V, and Wendell Ramos.


Nagmukha talagang manika ang child star na si Jillian Ward sa kanyang costume sa Christmaserye ng GMA-7 na Jillian: Namamasko Po!, na nagsimula nang ipalabas noong Lunes, November 29.

Kuwento ng mga kasama niya sa show, "super hyper" daw si Jillian sa set at daig pa niya ang mas matatanda niyang co-stars na madaling mawalan ng energy.

Kahit sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press kay Jillian, 5, dapat full of energy rin ang kausap ng bagets dahil sa kabibuhan at kalikutan niya.

Ano ang mas gusto niya, ang role niya noon sa Trudis Liit o si Jillian dito sa Namamasko Po!?

"Gusto ko po magiging manika!"

Kumusta naman sina Tita Claudine Barretto at Tito Wendell Ramos na mga katrabaho niya sa Christmaserye?

"Okay naman po sila! Masaya po!"

Kung sakaling puwede siyang humingi ng Christmas gift kay President Noynoy, at kina Claudine at Wendell, ano ang hihingin niya?

"Kahit ano."

Saan ba nabibili ang "kahit ano"?

"Kahit saan-saan po, kahit sa SM!"

Kung manika siya, magkano kaya siya?

"Okay lang po kahit P59, o kaya P50, or puwedeng P2."

Kung isa siyang manika, ano ang kaya niyang gawin?

"Umiiyak po at saka naglalakad!"

Hindi ba siya napapagod na nagtatrabaho?

"Ay, hindi po! Masayang-masaya po ako. Hindi ako napapagod. Marami akong energy."

Hindi siya inaantok?

"Opo! Totoo yun!"

Ano na ang mga nabili niya sa mga kinita niya?

"Wala po... nasa bangko po. Yung sasakyan, binili po namin."

Sikat na raw siya?

"Hindi naman po masyado!"

Kapag nagmo-mall siya, pinagkakaguluhan na ba siya?

"Pinagkakaguluhan po!"

Masaya ba siya kapag pinagkakaguluhan?

"Opo naman, masaya po."

Hindi ba siya nakukurot?

"Kapag nagmu-mall show, may kumukurot po! E, di nag-aano ako ng jacket na malaki, hindi nila ako nakukurot. Pero sa paa nila ako nakukurot."

Hindi ba siya nagagalit?

"Ay, hindi naman po. Wala po, wala akong sinasabi sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anong plano niya this Christmas?

"Mamimigay po ako ng regalo this Christmas!"

May crush na ba siya?

"Wala po. Kasi bata pa po ako!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN