Gerald Santos on sharing "Prince of Ballad" title with Ronnie Liang: "Let the people judge na lang po."

"Kung napapanood n'yo po ako sa mga concerts, talagang patutunayan ko ang titulong 'yan... Actually, dati na po 'yan na ginagamit sa akin pag nagso-show at nagko-concert. Hindi lang na-play up masyado," says Gerald Santos about his "Prince of Ballad" title.


Noong nasa bakuran pa siya ng GMA-7, very vocal noon ang singer na si Gerald Santos na ang "ultimate crush" niya ay ang Kapuso actress na si Rhian Ramos.

Pero sa recent guesting ni Gerald sa Jojo All The Way ng TV5 ay iba na ang sinabi niyang crush niya nang tanungin ito sa kanya—ang Kapamilya stars na sina Cristine Reyes at Kim Chiu.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Gerald ay tinanong namin siya kung nawala na ba ang paghanga niya kay Rhian, na inalayan at sinulatan pa niya ng kanta—ang "Kailan Masasabi?."

"Hindi naman po, crush ko pa rin siya, kaso 'give two' ang sabi. Kung three siguro, siya yung pangatlo," mabilis niyang paliwanag.

Pero di ba't si Rhian ang "ultimate crush" niya.

"Before talaga, siya yung one, lalo na nung palagi ko siyang nakikita sa GMA. Kumbaga, nakakasama mo pa," pag-amin ng young singer, na ngayon ay mainstay na ng P.O.5 ng TV5.

Habang tumatagal, nawawala?

"Parang ganun. Pero crush ko pa rin siya," diin ni Gerald.

Hindi kaya dahil nali-link na si Rhian kay DJ Mo, na isa ring talent ng TV5?

"Sila na ba?" natatawa niyang sagot.

MALE SARAH GERONIMO? May ilang nagsasabi na si Gerald daw ang male version ni Sarah Geronimo. Parehong talented, maganda ang boses, produkto ng singing contest, at makulay ang buhay.

Si Sarah ay produkto ng Star For A Night ng IBC-13/Viva Films, samantalang si Gerald naman ay grand winner ng second season ng Pinoy Pop Superstar ng GMA-7. Incidentally, parehong si Regine Velasquez ang host ng dalawang singing search na ito.

Ano ang reaksiyon ni Gerald tungkol dito?

"Wow! Thank you sa compliment," sambit niya.

"Ano yun, sobrang laking compliment yun para sa akin na sana ay magkatotoo. Hindi yung puro yung potensiyal lang na male version ni Sarah."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dream din daw ni Gerald na makasama sa isang proyekto ang Pop Princess, lalo't freelancer siya ngayon. Puwede siyang magtrabaho sa anumang network.

PRINCE OF BALLAD. May namumuo namang kumpetisyon ngayon sa pagitan ni Gerald at ng kapwa niya balladeer na si Ronnie Liang. Pinag-aagawan kasi ng dalawa ang titulong "Prince of Ballad."

Sa isang interview, sinabi ni Ronnie na okey lang daw gamitin ni Gerald ang "Prince of Ballad." Kung dun daw masaya si Gerald ay okay lang kay Ronnie, na produkto rin ng isang talent show (Pinoy Dream Academy).

Ano ang masasabi ni Gerald dito?

Natawa muna ang young singer bago sumagot.

Aniya, "Maganda po yun. Kumbaga, meron tayong sari-sariling opinion at kagustuhan.

"Kung sino ang gustong mag-claim ng ganitong pangalan o title, ganun na lang po. Let the people judge na lang po."

Hindi ba siya naaasiwa dahil may kahati siya sa title?

"Hindi naman po," sagot ni Gerald.

"Kumbaga, kung napapanood n'yo po ako sa mga concerts, talagang patutunayan ko ang titulong 'yan.

"Lalo na po ngayon na may mga mall shows tayo, active po ako ngayon sa music scene. So, makikita po nila yung bagong Gerald ngayon.

Dagdag niya, "Actually, dati na po 'yan na ginagamit sa akin pag nagso-show at nagko-concert. Hindi lang na-play up masyado."

Incidentally, unang nagtagpo ang landas nina Gerald at Ronnie sa second season ng Pinoy Pop Superstar. Dapat sana ay makakalaban ni Gerald si Ronnie sa grand finals, pero na-disqualify ang huli nang malaman ng production team na meron na siyang manager noon (si George Roca).

CONCERT PRINCE? Bukod sa Prince of Ballad, meron ding tumatawag kay Gerald bilang "Concert Prince" dahil kayang-kaya nitong kumanta ng 16 songs sa isang concert.

"Seventeen years old pa lang ako, ginagawa ko na po 'yan," sabi ni Gerald.

"Before, si Kuya Rommel [Ramilo, his manager] ang nagpo-produce ng concert ko, e. So, before pa, ginagawa ko na po 'yan at na-improve pa lalo ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang sikreto lang siguro ay i-maintain yung voice. Huwag magbisyo, 'wag uminom, 'wag manigarilyo, alagaan yung boses, at palaging mag-practice."

May photographic memory din si Gerald dahil ang daming lyrics ng kanta na mabilis niyang masaulo. Kahit wala siyang teleprompter ay kaya niyang mag-concert.

Abala ngayon si Gerald sa paggawa ng kanyang MTV para sa carrier single niyang "Ang 'Yong Pagmamahal" na mula sa album niyang Gerald Santos: Pinakahihintay The Repackaged Edition under Prinstar Music Phil at distributed ng Polyeast Records.

Kuwento ni Gerald, "Medyo nahirapan ako magsalita dahil two days kaming nag-shoot.

"Medyo acting piece ang MTV na ito. Pinaarte nila ako dito para makita rin nila yung future ko sa acting. May breakdown scene kasi dun na umiiyak ako at sumisigaw.

"Paulit-ulit para siyempre reserba rin sa material kaya medyo nauubos yung boses. Tapos, umuulan pa. Init-lamig kaya heto ang resulta."

Paano niya pinaghandaan ang acting niya sa MTV?

"Hindi naman po bago sa akin ang acting dahil before sa GMA, nakapag-acting na rin ako sa I Luv NY at Magpakailanman na heavy drama."

Sino ang ka-partner niya sa MTV?

"Okey po yung leading lady ko, isa siyang commercial model. Maganda po siya at maputi," ani Gerald.

HOMECOMING CONCERT. Samantala, may homecoming concert si Gerald sa Tangos National High School sa Navotas City. Gaganapin ito sa December 3, Friday, at 7 p.m.

Ayon kay Gerald, gusto niyang balikan ang teachers niya at yung school mismo. Matagal na raw kasi siyang nire-request na mag-concert doon, pero ngayon lang niya napagbigyan.

Ito rin ang hudyat ng pagsisimula ng kanyang campus tour para sa kanyang Pinakahihintay album.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN