Vic Sotto on rumored breakup with Pia Guanio: "We've agreed not to talk about it and it's something personal."

"Wala kaming billing issue. Wala kaming sino ang mauna, sino ang mas malaki ang picture, sino ang nakataas. Wala sa amin 'yan. Ang importante sa amin, kung ano ang magiging produkto ng pelikula, e," says Vic Sotto about the billing on his movie with Senator Bong Revilla.


As early as now, marami na ang humuhula na mangunguna sa takilya among this year's Metro Manila Film Festival (MMFF) entries ang Si Agimat at Si Enteng Kabisote. Ito ang pelikulang unang pinagsamahan ng dalawa sa pinakamalaking male stars sa bansa—sina Vic Sotto at Bong Revilla Jr.

In the past years, madalas na magkatapat sa MMFF ang mga pelikula nina Vic at Senator Bong—na parehong subok na ang lakas sa takilya. Pero ngayong taon ay nagdesisyon silang magsanib-puwersa para maghatid ng saya sa mga manonood.

Sa presscon ng Si Agimat at Si Enteng Kabisote kahapon, December 1, sa Annabel's restaurant, sinabi ni Vic na napakaraming dapat abangan sa pelikula nila ni Senator Bong.

"Dapat nilang abangan kung papaano nagkasama sina Enteng Kabisote at Agimat at kung paano sila nag-krus ang landas dahil yun ang magandang panoorin," sabi ni Bossing (popular na tawag sa comedian-TV host).

NO BILLING ISSUE. Hindi rin daw naging isyu sa kanila ni Bong ang billing.

Ani Vic, "Wala, wala kaming naging problema sa billing. Nakita ko ang layout, gano'n na.

"Wala namang problema kay Senator Bong. Wala rin namang problema sa akin.

"Wala kaming billing issue. Wala kaming sino ang mauna, sino ang mas malaki ang picture, sino ang nakataas.

"Wala sa amin 'yan. Ang importante sa amin, kung ano ang magiging produkto ng pelikula, e."

Ang Si Agimat at si Enteng Kabisote ay produced ng limang film companies: GMA Films, Imus Production, OctoArts Films, APT Entertainment, at M-Zet Films.

Ayon pa kay Vic, hindi totoong mas malaki ang share niya sa movie or talent fee.

Dahil sa nagsanib-puwersa sila ni Senator Bong sa isang pelikula, confident ba si Vic na magna-number one sa takilya ang Si Agimat at Si Enteng Kabisote?

"Confident na magiging matagumpay," sagot ng Eat Bulaga! host.

"We're not conscious. Hindi namin iniisip na magiging number one or top grosser.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, ang gusto namin ni Senator Bong, maging record-breaker ang festival na ito.

"Magaganda lahat ang mga entries, e. Malalaki lahat.

"So, there's a big possibility na this will be the biggest-grossing Metro Manila Film Festival.

"At makasama kami ni Senator Bong do'n, e, ayos na."

RUMORED BREAKUP WITH PIA. Bagamat matipid pa rin si Vic sa pagbibigay ng anumang pahayag tungkol sa matagal nang pinag-uusapang breakup diumano nila ni Pia Guanio, nagsalita naman ang comedian nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol dito.

"Walang problema. There's nothing to talk about," sabi niya.

Ibig bang sabihin nito ay walang katotohanan ang balitang break na sila?

"I'm not aware kung anuman yung naglalabasan, but we're good.

"We've agreed not to talk about it and it's something personal. And that's outside of Si Agimat at si Enteng Kabisote," saad ni Vic.

OYO-KRISTINE WEDDING. Napag-usapan din ang nalalapit na pagpapakasal ng anak ni Vic na si Oyo sa aktres na si Kristine Hermosa next year. Ayon kay Vic, masaya raw siya para kay Oyo.

"Aba'y masaya ako para sa aking anak!" bulalas niya.

"They will settle down. Nagmamahalan naman sila, nakikita ko.

"And si Tintin naman has always been a part of our family. She's a very nice young woman.

"Nakita ko naman na mahal na mahal niya si Oyo at ganoon din ang aking anak. So, I wish them all the best.

"Ako naman, kung saan masaya ang anak ko, doon ako."

Namanhikan na ba sila sa pamilya ni Kristine?

"Yeah... Kasi ang pamilya ni Kristine, nasa Canada, e.

"So, nagpunta sila, hindi lang ako nakasama because I was busy."

Kinumpirma rin ni Vic na hindi sa Canada ikakasal sina Oyo at Kristine kundi dito sa Pilipinas.

May balitang sa January 11, 2011 magaganap ang kasal, pero hindi ito kinumpirma ni Vic.

Pero tiniyak nito na "the wedding will be private and intimate."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "Mas simple, mas mabuti.

"I don't know... I think we should just respect kung ano ang gusto nila."

WALK OF FAME. Kahapon din ay iginawad ni German "Kuya Germs" Moreno sa triumvirate na Tito, Vic & Joey at iba pang mga artista ang stars nila sa Walk of Fame, na matatagpuan sa Eastwood Mall.

Bagamat hindi nakarating ang tatlo, ni-represent naman sila ng kani-kanilang mga anak: si Oyo para kay Vic, si Gian para kay Tito, at si Jocas para kay Joey.

Pinaabot naman ni Vic ang kanyang pasasalamat kay Kuya Germs sa karangalang ibinigay sa kanila.

"In behalf of Tito and Joey...kaming tatlo yun, e, TVJ.

"Unfortunately, I couldn't be there. Pasalamat kay Pareng German.

"Finally, famous na kami!" biro niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN