Richard Gutierrez and Solenn Heussaff: "We're just friends."


"She's fun and 'yon nga, she's willing to try out new things and I think it would be great working with her," actor Richard Gutierrez said about future leading lady and Survivor Philippines Celebrity Showdown castaway, Solenn Heussaff.


Magkasamang dumating sina Richard Gutierrez at Solenn Heussaff sa grand launching ng Caffe Ti-amo sa Greenbelt 5, Makati City, last Wednesday, December 1.

Parehong napapanood ang dalawa sa GMA-7 reality series na Survivor Philippines Celebrity Showdown, na kung saan si Richard and main host samantalang si Solenn naman ay isa sa mga castaway contestants.

Kasalukuyang nali-link ang dalawa mainly because may mga proyekto silang pagsasamahan sa telebisyon at pelikula pagpasok ng 2011.

Nangunguna sa listahan ang Valentine romantic-comedy movie na magkasamang popondohan ng Regal Films at GMA Films. Nabanggit ni Richard na kabilang din sa pelikula sina Jillian Ward, Rhian Ramos, at Lovi Poe.

Inamin din ni Solenn that she's being considered as one of Richard's potential leading ladies sa pagbabalik ng popular Pinoy superhero na si Captain Barbell sa telebisyon.

"Considered lang," nahihiyang ngiti ni Solenn nang makausap ito ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment reporters.

Dagdag pa ng dalaga, "It's a great opportunity and I'm sure a lot of ladies are dying to be in my position."

JUST FRIENDS. Expected naman na ni Richard na mali-link silang dalawa ni Solenn from now on dahil nga madalas na sila siyempreng makikitang magkasama in public.

But more than just being paired together in front of the camera ay magkaibigan naman daw talaga sila in real life kaya hindi na rin problema kung chemistry lang din ang pag-uusapan.

"I won't be surprised if that happens," sabi ni Richard, na ang tinutukoy ay ang mga magsusulputang balita patungkol sa kanilang closeness.

"Lagi naman kaming magkasama ni Solenn... Pero 'yon nga, kami ni Solenn, we're gonna be working a lot soon.

"We'll be doing a movie and Captain Barbell and we'll obviously have fun while doing it and enjoy the experience, 'yon muna."

Sinabi ng dalawa na magkaibigan lang talaga sila at pareho silang excited na magkaroon ng pagkakataon na maging magkatrabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Between the two ay mas kinakabahan si Solenn dahil first time niyang aarte sa harap ng camera.

Medyo nagugulat din daw siya sa bilis ng mga pangyayari sa kanyang young career simula ng mapabilang sa Philippine edition ng Survivor franchise.

That same day, kasabay ng launching ng café ay pumirma na din si Solenn ng kontrata sa Regal Films at MCA Universal. (CLICK HERE to read related article.)

"I never acted before and I don't want to disappoint everyone, especially all the people I'll be working with," pahayag ni Solenn.

Paano naman ba ilalarawan ni Richard ang mga katangian ni Solenn?

"Well, Nakita naman kasi natin si Solenn sa Survivor, di ba? Nakita natin 'yong personality ni Solenn, so I don't need to elaborate really kung anong klaseng tao si Solenn.

"Nakita naman natin that she's down to earth, she's game for anything, and she's fun.

"So, kilala na siya ng tao ngayon and I think the people like what they saw in Survivor."

Solenn also had nothing but good words para sa kanyang future leading man: "He's a gentleman, he's successful, and he's really nice—great to hang out with."

And speaking of Survivor, sinabi ni Solenn na malaki ang pasasalamat niya sa programa dahil nabigyan siya ng pagkakataon na maipakita at maituwid ang kung anumang maling pagtingin sa kanya ng publiko dati.

"Everyone had pre-judgments about me—that I'm a socialite, I'm a model.

"So, at least they got to see that I'm just like everyone else," nakangiting pahayag ni Solenn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN