Radio broadcaster Neil Ocampo has no resentment against Noli de Castro, who took over his previous timeslot on dzMM

Ayon kay Neil Ocampo, may offer din sa kanya ang dzBB na hindi niya tinanggap.

"May offer din sa dzBB, kay boss Mike Enriquez. Ginagalang ko 'yon kaya lang hindi ko tinanggap. Tanghali kasi, saka isang oras lang. Umaga talaga [ang gusto ko], para yung buga ng sigaw ni Mang Tonio at yung mga kasama ko, manggigising, matutuwa," says the veteran radio broadcaster.


Noong isang buwan ay ipinakilala ng TV5 ang kanilang bagong radio station, ang 92.3 NEWS FM, na matatagpuan sa FM band.

Marami sa radio broadcasters sa 92.3 NEWS FM ay nanggaling sa iba't ibang radio stations, tulad ng dzMM ng ABS-CBN at dzBB ng GMA-7.

Sila ay pinangungunahan ng beteranong broadcaster na si Neil Ocampo, na dating host ng isang long-running radio program sa dzMM. Ito ay ang Todo Balita, na umeere noon mula 5 a.m. hanggang 7 a.m.

Kilala si Neil dahil sa kanyang kakaibang istilo ng pagho-host.

Ginagamit niya ang kanyang talento upang gumawa ng iba't ibang karakter. Ilan sa mga ito ay si Mang Tonyo, isang alkalde na nakulong dahil sa kasong rape; si Kiskis Flavor, na dati raw na Department of Health Secretary; at si Tongressman Manhik-Manaog, na kaboses ni Leo Martinez.

Noong simula ng taong ito ay binitawan ni Neil ang kanyang programa para paghandaan ang pagtakbo niya bilang alkalde sa Bulacan. Pagkatapos matalo sa eleksyon, balik-broadcasting na si Neil.

Pero hindi na babalikan ni Neil ang Todo Balita.

Sa pocket interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Neil noong Nobyembre 25, sinabi niya na kinuha na kasi ni dating vice president Noli de Castro ang kanyang timeslot sa dzMM.

Inamin din ng broadcaster na umalis siya sa dzMM dahil hindi na siya "masaya."

Paliwanag pa niya, "E, pinababalik ako sa MM, hindi masaya yung oras. Si Noli kasi dumating.

"Nung dumating na si Noli, yung dating programa na nung umalis siya ay hinandle ko, na 5-7 [a.m.]."

Hindi niya raw nagustuhan na ang binigay sa kanyang schedule ay mula 3 a.m. hanggang 5 a.m.

"Sinong makikinig sa akin nun? Tulog pa yung mga suki ko, mga avid listeners.

"Saka yung mga nakikinig dun, e, mga naglalamay, saka yung mga pulis na may mga sina-salvage na kawawa, mga panadero na habang nagmamasa ng arina ng pandesal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, kako, sayang. So, hindi na lang ako babalik.

"Kaya ako'y, sabi nga, looking for greener pastures. Mas maganda, mas masaya," saad ni Neil.

Pero nilinaw niya na wala siyang sama ng loob kay Noli de Castro.

"Kay Kabayan, wala akong sama ng loob. Healthy competition ito, at saka wala namang kinalaman si Kabayan.

"Yung ilang bossing lamang doon ang nagdesisyon na ilagay ako sa ganung oras, na hindi naman masaya para sa akin," sabi niya.

TODO BALITA. Wala raw pinagsisisihan si Neil sa paglipat niya sa 92.3 NEWS FM dahil marami na raw siyang napatunayan sa dzMM

Dagdag pa niya, maitutuloy niya pa rin naman ang programa niyang ilang taon daw na No. 1 sa radyo.

Todo Balita pa rin kasi ang pangalan ng kanyang programa sa 92.3 NEWS FM, at ieere ito mula 6 a.m. hanggang 8 a.m., Lunes hanggang Biyernes.

May bago itong mga segment at mga karakter.

"Ngayon, sina Mang Tonio, Jejemang Tonio na. Si Manhik-Manaog, Party-List Representative nang si Abnoy. Marami pang iba," sabi ni Neil.

Ang ilan sa mga bagong segment dito ay ang "CNN: Commentary ni Neil," "HBO: Hambalos Banat On-the-Spot," at "Chika ni Lady Go-ga."

Maski may mga bago siyang maibibigay, hindi kaya maakusahan pa rin si Neil ng dzMM na ginaya niya lamang ang dati niyang programa?

"Lahat ng konsepto ng programa, ako lang ang nag-iisip. Ako ang direktor, ako ang writer, ako ang artist, ako ang janitor, ako ang lahat," sagot niya.

Dagdag pa ni Neil, wala pa raw sa kalahati ang gagawin niya sa 92.3 News FM kaysa sa dzMM.

"Mas masaya, mas kumpleto. Mas maraming venue para higit na makapaglingkod sa ating mga kababayan.

"Higit na pagandahin ang approach sa programa, sa serbisyo, sa pag-aksyon ng mga programa, sa pagtulong sa administrasyon sa landasing matuwid, tungo sa pagbabago, hindi sa panggagago," saad ni Neil.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN