MMFF 2010 box-office race: Ai-Ai delas Alas will only concede to "kings" Vic Sotto and Bong Revilla Jr.

"Kapag hindi ito last, mawawala ang kredibilidad natin. Kaya dapat po, last na talaga ito. At saka, mas maganda po ang grand exit ng isang bagay na nasa itaas siya kesa yung walang-wala nang nanonood sa atin. So, na-decide po namin na habang mainit pa ang Tanging Ina, tapusin na," says Ai-Ai delas Alas about the last installment of Ang Tanging Ina.


Base sa title ng pelikula, huli na talagang sequel ng highly-successful movie franchise na Ang Tanging Ina ang 2010 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Ang Tanging Ina Mo (Last Na 'To!) mula sa Star Cinema.

Ang unang Ang Tanging Ina, na ipinalabas noong 2003, ang nagluklok sa bida nitong si Ai-Ai delas Alas bilang Box-Office Queen noong sumunod na taon.

Sa huling installment na ito ng Ang Tanging Ina, mas focused daw lalo sa pamilya ang kuwento nito.

Special din ito dahil magsisilbi itong reunion ng karamihan sa original cast na gumanap bilang mga anak ni Ai-Ai, lalo na yung mga wala sa sequel nitong Ang Tanging Ina N'yong Lahat (2008).

Ilan sa kanila ay sina Marvin Agustin, Nikki Valdez, Marc Acueza, at Yuki Kadooka.

HAPPY AND SAD. Hindi naman itinanggi ni Ai-Ai na medyo naging emotional siya pagkatapos mapanood ang trailer ng pelikula kahapon, December 2, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

"Masaya ako, pero kanina, parang nalungkot ako ng konti nang makita ko na, 'Ay, parang last na 'to.'

"Kasi, di ba, ganoon naman talaga yun? Sa bawat yugto ng buhay natin, may tuldok.

"So, pagkatapos ng tuldok, may comma ulit. So, may bago na namang mangyayari," paliwanag ng Comedy Concert Queen.

Sinabi rin ni Ai-Ai na totoong ni-require ng direktor ng pelikula na si Wenn Deramas na kumpleto ang mga anak niya bago nila gawin ang huling sequel nito.

Close to perfect na sana ang reunion ng lahat, maliban sa isa na hindi nakasama—si Heart Evangelista, na nasa bakuran na ng GMA-7.

Ani Ai-Ai, "Medyo nahirapan. Kasi yung iba po, nasa abroad na talaga sa totoong buhay. Kagaya ni Yuki Kadooka, nasa Japan.

"Tapos, yung iba, nasa kabilang channel na. Pero talagang super effort ang Star Cinema na mabuo kami.

"Fortunately naman, thank you naman kay God, nabuo kami... Minus Heart nga lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero hindi na ako sasagot tungkol sa question kay Heart and Edu Manzano, pero lahat naman po, nakasama," sabi ni Ai-Ai.

Pero ano ang honest feeling ni Ai-Ai na hindi nakasama si Heart at kulang ng isa ang mga "anak" niya?

"Nakakahinayang lang, pero ganoon talaga ang buhay," sabi niya.

"Merong mga bagay na hindi natin ma-explain, pero nangyayari. Kailangan nating mag-move on."

"LAST NA 'TO!" Dahil may Last Na 'To! sa title ng movie, mapapanindigan ba nilang last sequel na nga ito kahit pa maging box-office hit ulit ito?

"Una po, talaga yung title is last na," sabi ni Ai-Ai.

"Kasi sabi ko, kapag hindi ito last, mawawala ang kredibilidad natin. Kaya dapat po, last na talaga ito.

"At saka, mas maganda po ang grand exit ng isang bagay na nasa itaas siya kesa yung walang-wala nang nanonood sa atin.

"So, na-decide po namin na habang mainit pa ang Tanging Ina, tapusin na."

DO YOU FEEL ANY PRESSURE RIGHT NOW? Magaganda ang entries sa MMFF this year. Mas may pressure bang nararamdaman si Ai-Ai sa magiging labanan ng mga pelikula sa takilya?

"Basta ang sa akin, sabi nga ni Direk [Wenn], basta nagawa namin ang best namin at nagawa namin lahat yun, at sa tingin namin matutuwa ang buong publiko, okay na yun. Hindi na ako napi-pressure.

"At saka, unang-una, idol ko si Bossing. At yung dalawang yun, hari ng pelikula. So, kung second man kami, okay lang. Sila naman."

Ang tinutukoy ni Ai-Ai ay sina Vic Sotto at Senator Bong Revilla, na nagsanib-puwersa sa pelikulang Si Agimat at Si Enteng Kabisote.

Dagdag ng comedienne, "Hindi ako papayag kung hindi hari, pero sila yun. So, bonggang-bongga na yun. Okay lang.

"Hindi na ako mapi-pressure kasi, sabi ko, yung Tanging Ina 1, doon ko natutunan yung trust God with all your heart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung Tanging Ina 1 na launching ko, nasabi ko kay God, 'God, sana po huwag umulan. Sana po, marami ang manood ng Tanging Ina, matagal ko po itong hinintay.'

"Kinabukasan, signal No. 3! Pero, topgrosser ang Tanging Ina.

"So, hanggang ngayon, nandoon pa rin sa puso ko, trust God. Kung ano ang gusto Niya, wala tayong magagawa."

EUGENE DOMINGO. Bago gawin ang Ang Tanging Ina Mo (Last Na 'To!) ay may lumabas na report na hindi na raw si Eugene Domingo ang gaganap na best friend dito ni Ai-Ai kundi si Pokwang na raw.

Itinanggi naman ni Ai-Ai na may ganoong pangyayari.

"Ako sasagot, wala talaga akong alam tungkol doon," sabi niya.

"At tingin ko, siya [Uge] rin, noong nabalitaan niya yun, sabi niya, 'Best friend, wala talaga akong alam...ano ba yun?'"

Best friends din in real life sina Ai-Ai at Eugene, pero sila na ang pinagtatapat ngayon lalo na't naging successful din ang launching movie ni Uge na Kimmy Dora, na sinundan pa ng ibang hit movies. Meron pa ngang intriga na kesyo naungusan na raw ni Uge si Ai-Ai.

If ever, willing ba siyang ipasa kay Uge ang trono bilang Comedy Queen?

"Wala namang umaayaw ng trono. And I'm sure, si BF, meron siyang sariling trono na gusto niya," sagot ni Ai-Ai.

WALK OF FAME. Isa sa mga dumalo sa presscon ng Ang Tanging Ina Mo (Last Na 'To!) ang Kapuso host na si German Moreno. Sinabi nito na sigurado raw next year ay kasama na si Ai-Ai sa bibigyan ng star sa Walk of Fame sa may Eastwood.

Napasigaw at na-excite si Ai-Ai nang marinig niya ito.

Pero dugtong niya, "Alam mo, nagtatampo nga ako sa 'yo diyan, e.

"Sabi ko, 'Bakit naman hindi ako sinasali rito ni Kuya Germs? Sikat naman ako, dapat nandito ako sa Walk of Fame.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tanong naman ni Kuya Germs sa kanya kung darating siya sa December 1, 2011?

"December 1, next year? Pupunta na ako, ngayon na! Mauuna na ako!

"Hindi na ako makakatulog. Hihintayin kita ro'n!

"Pero thank you talaga, Kuya Germs," sambit ni Ai-Ai.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN