Eugene Domingo on Comedy Queen title: "Ai-Ai delas Alas is my queen! That's it!"

"Kung kailangan niya ako sa kahit na anong proyekto, at kahit na anong tulong na maibibigay ko, suporta, ibibigay ko sa isang napaka-professional at mapagbigay na artista katulad ni Ai-Ai delas Alas," says Eugene Domingo.


Kahit nakakapag-solo movie na siya at napatunayan na niya ang kanyang box-office appeal, walang kaso kay Eugene Domingo kung muli siyang sumuporta sa kanyang best friend na si Ai-Ai delas Alas sa third and last installment ng Ang Tanging Ina.

Kuwento nga ni Uge (palayaw ni Eugene) sa presscon ng Ang Tanging Ina Mo (Last Na 'To!) kahapon, December 2, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, "Noong nakita ko sa poster, nakita ko sa first poster niya, wala akong picture. Hindi ko pa deserve!

"Yung pangalawa, kita na ang mukha ko, hindi pa ang katawan.

"Yung pangatlo, buong-buo na ang katawan ko, tapos may bumubuhat pa sa akin na lalaki!" natatawang sabi niya

Dagdag pa ng comedienne, "Nakakatuwa rin na itong pangatlong pelikula, nakita natin ang pagtanda ng lahat. Ang lalaki na!

"Nakakatuwa naman na naitabi nila ang mga posters."

Entry sa 2010 Metro Manila Film Festival ang Ang Tanging Ina Mo (Last Na 'To!).

STILL AI-AI'S BEST FRIEND. Sa isyu naman na kesyo hindi na raw sana siya ang gaganap na best friend ni Ai-Ai sa movie kundi si Pokwang na, itinanggi ito ni Eugene.

"Naririnig ko nga 'yan," sabi niya.

"Tinanong ko si Direk Wenn [Deramas], 'Direk, kasama pa po ba ako sa Tanging Ina 3? Kasi, baka naman ako lang ang excited, hindi pala ako kasama.

"'Pakiklaro naman sa Star Cinema kung saan galing na hindi na ako kasali. Na parang ang kapalit yata si Pokwang.

"'So, paano yun? Gusto kong malaman.

"'Puwede bang malaman kung ako or sino, kasi gustung-gusto kong sumali, e.'

"Gusto kong masigurado dahil excited ako.

"Gusto kong makita lahat at naniniwala ako sa ganda ng pelikula ng Tanging Ina."

Dagdag ni Uge, "Kung hindi rin naman ako natuloy, tatanggapin ko naman.

"Pero pipilitin ko pa rin kahit cameo role lang, masabi lang.

"Pero, sinigurado naman ni Direk Wenn."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May linya rin si Uge sa isang eksena ng pelikula nasiya ang "best friend" sa Part 1, Part 2, at siya pa rin sa Part 3.

Sabi naman ni Direk Wenn, nakakatawa ang isyu dahil nang itanong niya sa Star Cinema kung papalitan nga ba si Uge, walang kaalam-alam ang management na may pagbabago sa script at sa casting.

LUCKY CHARM. Ano naman ang masasabi ni Uge na unti-unti na raw niyang naagaw ang trono ni Ai-Ai sa pagiging Comedy Queen?

"Ay, hindi, hinding-hindi!" bulalas niya.

"Ai-Ai delas Alas is my queen! That's it! Tapos na tapos na 'yan.

"Kung kailangan niya ako sa kahit na anong proyekto, at kahit na anong tulong na maibibigay ko, suporta, ibibigay ko sa isang napaka-professional at mapagbigay na artista katulad ni Ai-Ai delas Alas."

Naniniwala naman si Eugene na lucky charm talaga nila ni Ai-Ai ang isa't isa sa dami na rin ng matatagumpay na projects na pinagsamahan nila.

"It's a gift," sambit niya.

"It's a blessing at magic talaga dahil noong nag-dub kami, pareho kami ng reaction na, 'Grabe naman 'tong mga mukha natin, bagay talaga!'

"Kasi nga, uulitin ko, bilog yung sa akin, pahaba yung sa kanya! Ang ganda-ganda talagang tingnan.

"Tapos, hindi na kami kailangan pang pagpaliwanagan.

"Yung reaction namin, natural na lumalabas. Salamat naman at na-master na namin yun.

"Isa pang maganda na nangyari rito sa Tanging Ina 3, napag-usapan namin kung last na 'to, hindi kami papayag.

"Darating ang panahon na kapag nakapag-ipon na kami ng malaki, kami na siguro... Sana, kung maipahintulot, na kami na po ang mag-produce ng pelikula namin. Sana.

"So, sa palagay ko, sa aming dalawa, hindi pa ito ang last."

Sinegundahan naman ni Ai-Ai ang sinabi ni Uge. Ikinumpara rin niya ang kanilang mga sarili sa mag-best friend sa Hollywood na sina George Clooney at Brad Pitt na nagpo-produce din daw ng mga pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WALK OF FAME. Marami naman ang natawa kay Eugene nang tanungin siya ni German Moreno sa presscon kung masaya ba siya na dalawang major networks ang kanyang pinaglilingkuran.

Bagamat gumagawa ng pelikula si Eugene sa film arm ng ABS-CBN na Star Cinema, ang shows naman niya sa TV ay napapanood sa GMA-7.

"Totoo 'yan, Kuya Germs, tulad din siguro ng nararamdaman mo ngayon. Alam mo na, di ba?" natatawa nitong sagot na ikinatawa rin ng entertainment press.

Dugtong pa ni Uge, "Tayo naman, e, para sa lahat.

"Ang maganda riyan, lahat tayo nagkakatulungan, at walang tulugan, gano'n!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN