Camille Prats plans to have another baby soon; likes Rachelle Ann Go for her brother John Prats

Actress Camille Prats is happy with the current state of her brother John Prats, who is "dating" singer Rachelle Ann Go.

"I really hope that it would all go well for the both of them," Camille tells PEP (Philippine Entertainment Portal) in a recent interview.


Malaking challenge para kay Camille Prats ang gumanap bilang isang kontrabida sa GMA-7 series na Bantatay.

"It's the first time na gumawa ako ng role na kontrabida, so it's also experimental on my part. But then, it's a kontrabida comedy kasi we're dealing with kids.

"So, hindi naman kailangang kontrabidang masama talaga. So, medyo kinu-comedy namin, which I really enjoyed," masayang kuwento ni Camille nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last December 1 sa grand launching ng Caffe Ti-amo sa Greenbelt 5, Makati City.

Bagamat almost three months nang napapanood sa ere ang Bantatay, nag-a-adjust pa rin daw si Camille sa kanyang papel bilang Daisy.

Natural kasi ang pagiging maamo ng facial features ni Camille kaya kailangan niya itong baguhin every time na haharap siya sa kamera.

"Ang hirap! Every second, every scene, kailangan kong um-effort sa hitsura.

"Kasi, hindi ako puwedeng mag-relax, otherwise, I will look mabait.

"So I have to exert an effort na i-tense 'yong muscles ko sa mukha so that I would look bad," paliwanag ng dating child star.

Worth it naman lahat ng pagod at effort dahil so far ay mataas ang nakukuhang rating ng kanilang programa sa early primetime slot nito.

Sa latest data ng AGB Nielsen Philippines noong November 30 ay nagtala ng 11.3 percent ang Bantatay para masungkit ang ikalimang puwesto sa overall ranking ng mga programa sa loob ng primetime bracket. (CLICK HERE to read related article.)

May palagay naman si Camille kung bakit pumatok ang programa sa mga manunood.

"Kasi, very experimental 'yong show, di ba? It's about Bantay [the dog character], na 'yong soul nung daddy nila, pumunta sa kanya.

"So, it was very experimental. But at the same time, makatotohanan.

"Siguro 'yon yung isang dahilan kung bakit mataas ang ratings namin, marami kasi sa atin ang dog lovers and sometimes we just can't resist dogs, lalo na 'pag sobrang cute nila, especially sa case ni Bantay kasi tinutulungan niya talaga 'yong mga anak niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STAYING HOME FOR CHRISTMAS. Turning three years old na sa January 5 ang anak ni Camille na si Nathan. Fan daw si Nathan ng Bantatay at balak ng aktres na isama ito one of these days sa taping basta't konti lang ang eksena niya para naman hindi rin mapuyat ang bata.

"Family life is great and we're starting to enjoy him [Nathan] now that he's bigger kasi nakakaintindi na.

"But I really plan to have another baby soon. Siguro kung hindi next year, maybe 2012," sabi ni Camille.

Wala raw planong magbakasyon outside the country si Camille at ang businessman husband nito na si Anthony Linsangan sa darating na Pasko.

Mas gusto daw talaga nilang salubungin ang Christmas at New Year sa loob ng kanilang tahanan katulad ng nakaugalian.

"'Yon kasi 'yong sinasabi ng Mommy ko, na it's always nice to spend your Christmas at the house para 'yong house mo, hindi nagiging malungkot," ngiti ni Camille.

Isang beses lang daw naranasan ni Camille ang mag-Pasko sa ibang bansa at ito ay noong 2007. Lumipad siya patungong Amerika noon matapos ipaalam sa publiko ang kanyang pagbubuntis.

"The only time we were out of the country was when I was about to give birth, 'yon lang," ngiti ni Camille.

HAPPY FOR JOHN. Tinanong namin si Camille kung kumusta na ang kanyang kapatid na si John Prats at ang kasalukuyang dine-date nito, si Rachelle Ann Go.

Last Monday, November 29, ay sabay na nanood sina John at Rachelle Ann ng concert nila Kyla at Jay-R na ginanap sa Music Museum sa San Juan.

Boto raw si Camille kay Rachelle Ann para kay John dahil nakikita niya na masaya ang kanyang kapatid at nagkakasundo naman ang dalawa sa kanilang respective personalities.

"Si Shin [palayaw ni Rachelle Ann], she's a very nice girl, very down to earth, very humble, 'tsaka wala siyang artista factor, which I really like about her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, sana kung ano man 'yong meron sila, I really hope that it lasts.

"Maganda kasi 'yong balance nila, e. Si John kasi very makulit but very mabait. Kasi si Shin naman, ganun din, napakabait na tahimik

"So, ang ganda-ganda lang nung chemistry nilang dalawa. I really hope that it would all go well for the both of them."

Naipakilala na ni John si Rachelle Ann sa kanilang mga magulang at maganda naman ang naging impression ng mga ito sa singer at Party Pilipinas regular.

"The family loves her coz she's really nice at saka she loves to eat, that's one good thing that my mom loves. Because my mom loves to cook and she enjoys 'yong cooking ng mommy ko.

"So, siyempre, sa mommy ko, that's really a big deal," masayang kuwento ni Camille.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN