Polo Ravales happy to have a non-showbiz girlfriend

"Ngayon, mas mature ka na. Mas alam mo na dapat yung mga kailangan mong gawin," says Polo Ravales about his outlook in life.


Mixed emotions ang nararamdaman ni Polo tungkol sa medyo pahinga siya with projects ngayong darating na holidays.

Hindi siya kasama sa kahit anong film entry na kasali sa 2010 Metro Manila Film Festival. Pero nandiyan naman ang guest role niya sa GMA-7 fantasy series na Grazilda.

"Relax lang ngayon, pero siyempre nami-miss ko rin. Parang nasanay ka na rin na may work.

"Ngayon, I'm making the most out of it. Kasama ko yung family ko at may time ako para sa kanila," sabi ni Polo sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

RUNNING WITH HIS BROTHERS. Isa sa mga activity ni Polo ngayon habang hindi siya masyadong abala ay ang pagtakbo, kasama ng mga kapatid niya.

"Nae-enjoy ko ngayon na kasama ko ang brothers ko. Not like before na when I workout sa gym, ako lang mag-isa.

"Ngayon, na-enjoy ko talaga. Kapag tumatakbo ako, kasama ko sila," sabi ni Polo, who's the eldest in a brood of five boys.

Madalas daw sila sa Ultra sa Pasig tumatakbo.

Dapat din sana ay sasali siya sa mga races na ginagawa halos every weekend ngunit nagkaroon siya ng injury.

"Nag-pulled hamstring ako. Kasi kasama din sa training yung pylometrics," panghihinayang ni Polo.

INVESTMENT FOR LIFE. Pero isa sa mga magandang balita ni Polo nitong darating na Kapaskuhan ay ang bagong bahay na binili niya sa Quezon City.

"First house na binili ko. Kasama ko yung family ko doon. Sa tinagal-tagal ko sa showbiz, ngayon lang ako nakabili ng bahay," proud na sabi ni Polo.

Dati raw kasi, either kotse or damit ang binibili niya mula sa kinikita niya.

"Siyempre, kapag bata ka, hindi mo naman naiisip na bumili ng house.

"When you earn, hindi mo kaagad na maiisip yun na mag-invest.

"So, ngayon, medyo mature na, alam mo na dapat ang gawin mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun yung isa sa mga goals ko talaga, yung makabili ng bahay," sabi niya.

Matagal daw na nagre-rent lang ng bahay or apartment si Polo.

"Sabi ko sa sarili ko, 'I think it's time na para bumili ng bahay. Yung ibinabayad ko dati para sa rent, ngayon dito na mapupunta," excited na sabi ni Polo.

Lilipatan pa lang ng pamilya nila ang bahay this month just in time for Christmas. Marami pa din daw improvements na kailangan gawin for it.

"It's a humble home. It's not that big. Bagong gawa siya. Warm home siya para sa akin," sabi ng aktor.

ZERO INTRIGA. Isa rin sa ini-enjoy ni Polo ay wala ngayong intriga tungkol sa kanyang love life dahil non-showbiz ang kanyang girlfriend ngayon.

"Tahimik siya [love life] ngayon. Siguro napagod na din ako sa time na grabe ang balita tungkol sa akin about my love life," pag-amin niya.

Dati kasi ay laman palagi ng mga balita ang relasyon niya. Ang mga naging girlfriend ni Polo mula sa showbiz ay sina Sunshine Dizon, Alessandra de Rossi, Jean Garcia, at Krista Kleiner.

And for Polo, life gets better with maturity.

"Siyempre, sa bawat tsismis at intriga na nangyayari sa iyo, at sa nangyayari sa lahat ng buhay mo, kapag napagdaanan mo 'yon, lesson learned yun.

"Dumarating sa point talaga na magma-mature ka. At alam mo na yung pagkukulang at pagkakamali ko dati," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN