Ogie Alcasid treats altar date with Regine Velasquez as a "boxing match...as far as the wedding preparation is concerned"

"Actually, kung kami po ay papalarin at bibiyaan ng Panginoon ng anak na lalaki, pangatlong Herminio [tunay na pangalan ni Ogie] sana... Maganda sana yun dahil wala pa akong anak na lalaki. At parang gusto naman ni Regine ng anak na lalaki. Ganunpaman, whatever the Lord grants, of course, we will accept and be very thankful for that," says Ogie Alcasid.


Marami ang nag-react sa pahayag ni Regine Velasquez sa isang panayam sa kanya ni Jessica Soho, na nagli-live in na sila ni Ogie Alcasid gayong ikakasal pa lang sila sa December 22. (CLICK HERE to read related story.)

Kaya naman sa phone-patch interview ni Ricky Lo kay Ogie sa Startalk kahapon, December 4, ay tinanong ng columnist-TV host ang singer-songwriter kung may nais siyang linawin sa naging pahayag ni Regine.

"Wala naman. Kung anuman ang sinabi ng aking pinakamamahal, e, yun na yun," sagot ni Ogie.

Biro ni Ricky, si Regine ba ang "speaker of the house" sa kanilang dalawa?

"Oo, e, ako ay listener lang!" natatawang sabi naman ni Ogie.

LITTLE HERMINIO. Sa nalalapit na pagpapakasal nina Ogie at Regine, ang kasunod na ina-anticipate ng lahat ay ang pagkakaroon nila ng sariling anak. Kung si Regine ang masusunod, ang gusto raw nito ay baby boy ang maging anak nila.

Ang tanong: Okay rin ba kay Ogie ang gusto ni Regine?

"Actually, kung kami po ay papalarin at bibiyaan ng Panginoon ng anak na lalaki, pangatlong Herminio [tunay na pangalan ni Ogie] sana...

"Maganda sana yun dahil wala pa akong anak na lalaki. At parang gusto naman ni Regine ng anak na lalaki.

"Ganunpaman, whatever the Lord grants, of course, we will accept and be very thankful for that," saad ni Ogie.

May dalawang anak na babae si Ogie sa dati niyang asawa na si Michelle Van Eimeren—sina Leila at Sarah.

Basta healthy?

"Of course, healthy," sambit ni Ogie.

"And siyempre si Regine, hindi na rin naman ganoon kadaling magkaroon ng baby.

"If we will granted by God with a child, we'll be very, very grateful and thankful."

MICHELLE'S PARTICIPATION. Nilinaw naman ni Ogie kung ano ang magiging participation ng kanyang ex-wife na si Michelle sa kasal nila ni Regine.

"Actually, si Michelle ang gagawa noong flowers ng entourage at ng pinaka-bouquet ni Regine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"As far as the whole floral arrangement sa reception, ang gagawa po niyan ay si Batang Rueda at sa ceremony ay si Eddie Manuel. "So, Michelle is assigned to the entourage and bouquet of Regine," sabi niya.

What about sina Leila and Sarah, ano naman ang magiging partisipasyon nila sa wedding nila ni Regine?

"Leila will be the bridesmaid, and then, Sarah, if we are granted sa Christian wedding, she will be the Bible bearer," sabi ni Ogie.

FAMILY OUTING. After the wedding, sinabi ni Ogie na pupunta sila sa Bohol. Hindi para sa honeymoon nila ni Regine, kundi outing kasama ang kanilang buong pamilya.

"Parang Christmas outing lang namin," sabi niya.

So, next year pa ang honeymoon nila?

"Yes, mag-iipon muna. Marami nang gastos!" natawa niyang sabi.

Dagdag ni Ogie, "Not only that, she also has to finish taping with Dingdong [Dantes]."

Ang tinutukoy ni Ogie ay ang upcoming primetime series nina Regine at Dingdong sa GMA-7, ang I Heart You Pare.

"Ako naman, may taping pa kami ni Angelina Jolie. So, kailangan ko rin tapusin yun," biro ni Ogie.

WEDDING OF THE YEAR. Kung tagurian ay "wedding of the year" daw ang magaganap na kasalan nina Ogie at Regine.

Nakahanda na ba talaga sila in all aspects?

"Alam mo, ang tingin ko riyan, isang matinding boxing match," sagot ni Ogie.

"As far as the wedding preparation is concerned, we're doing that in every detail. Regine and I are preparing ourselves spiritually with some people.

"And at the same time, siyempre, medyo nagpapayat ako ng konti para naman sa wedding day ko, hindi ako ganoon ka-chubby!

"Ang ganda ng asawa ko, kaya dapat i-match ko rin ang sarili ko sa kagandahan niya!" tawa niya.

Hindi pa raw nakikita ni Ogie ang red wedding gown ni Regine. Makikita pa lang daw niya ito sa actual wedding day.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I have no idea what it looks like. Surprise na lang yun for me."

Tinanong din kay Ogie kung darating ba si President Noynoy Aquino sa kasal nila ni Regine.

Ayon kay Ogie, PNoy is one of the groomsmen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN