Barbie Forteza and Joshua Dionisio celebrate Christmas in different ways

"Mahirap po para sa akin ang mag-isip ng ireregalo sa babae. Parang hindi ko alam ang bibilhin ko kaya kay Mommy ko na lang sinabi. Kilala naman po niya si Barbie kaya more or less, alam niya ang gusto nito. Kasi kapag ako pa ang bumili, baka sumakit lang ang ulo ko!" says Joshua Dionisio about his gift for Barbie Forteza.


Mas magiging masaya at bongga ang Christmas this year ng sikat na tween stars na sina Barbie Forteza at Joshua Dionisio.

Mas blessed daw kasi sila sa taong ito dahil sa patuloy na mataas na ratings ng kanilang Sunday afternoon show sa GMA-7, ang Reel Love Presents Tween Hearts.

Last year nailunsad ang team-up nina Barbie at Joshua via the locally-adapted Koreanovela Stairway to Heaven, kung saan gumanap sila bilang mga batang Cholo (Dingdong Dantes) at Jodi (Rhian Ramos).

Nasundan ito ng month-long Christmas episode sa Dear Friend. Pagkatapos nito ay inilunsad sila sa early primetime series na First Time at nasundan ng primetime series na Pilyang Kerubin.

Ngayon at extended hanggang April 2011 ang Tween Hearts, sobra ang pasasalamat nina Barbie at Joshua sa kanilang fans na patuloy na sumusuporta sa kanila.

Kaya nga raw mas masaya ang Pasko nila dahil na rin sa "Josh-Bie" fans na hindi nagsasawa sa kanilang tambalan.


SIMPLE CHRISTMAS. Kuwento ni Barbie, simple lang ang Pasko nila sa Biñan, Laguna kunsaan siya lumaki.

Tuwing Christmas ay magkakasama silang buong pamilya na magsisimba at sabay-sabay nagno-Noche Buena.

"Kung ano po ang nakahanda sa lamesa namin sa Noche Buena, pinapasalamatan po namin lahat iyon," pag-alala pa ni Barbie sa panayam sa kanila ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

"'Tsaka, simple nga lang po ang Pasko namin talaga. Kami-kami lang sa bahay.

"Tapos kinabukasan, dadalaw po kami sa ibang relatives or may mga darating na mga pinsan ko sa bahay namin.

"Tapos, mamamasyal na lang kami sa mall. As in bibiyahe pa po kami minsan sa malls sa Manila."

FIRST CHRISTMAS IN HER CONDO. Nakabili na ng kanyang sariling condo unit si Barbie sa Greenhills, San Juan, at nakalipat na siya roon, kasama ang mga magulang niya. Doon sa condo niya sila magpa-Pasko.

"First Christmas po namin 'yon sa condo kaya excited kami," nakangiting sabi ni Barbie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nag-decorate kami noong isang araw at Paskung-Pasko na sa condo namin.

"Sa Noche Buena, nandoon din po ang sister ko na naka-stay sa old house namin sa Biñan. Gusto namin kasi kumpleto kami sa Pasko."


GIFT FOR JOSHUA. Marami na rin daw reregaluhan si Barbie this Christmas, kabilang na ang ka-love team niyang si Joshua.

"Bukod sa family ko, may mga reregaluhan ako. Humaba na ang Christmas list ko!" tawa niya.

"Sabi naman po nina Mommy at Daddy, mag-share daw ako ng blessings ko this Christmas. Tama naman 'yon.

"'Tsaka hindi lang dapat tuwing Pasko. All-year round dapat ang pagse-share mo, di ba?

"Kay Joshua naman, may alam na akong ireregalo sa kanya. Isasabay ko na rin sa birthday niya!" sabay tawa ni Barbie.

Sa December 14 ay magse-celebrate si Joshua ng kanyang 16th birthday.

Dagdag pa ng dalagita, "Gusto niya hiwalay na regalo sa birthday at Pasko, e, gusto ko isa na lang para tipid!

"Sa tagal ng pagkakakilala namin, alam ko na ang mga gusto niya.

"Siyempre, ireregalo ko po yung magagamit niya nang matagal. Na kapag ginamit niya, ako ang maaalala niya," ngiti ni Barbie.


CHINOY CHRISTMAS. Si Joshua naman ay sa Manila na lumaki. Typical Chinese family sila, pero dahil nakagisnan na nila ang Pinoy Christmas, dalawang klase ng Pasko ang nararanasan parati ni Joshua.

Kuwento niya, "Gano'n po kami kasi every year ever since bata ako. Nag-o-observe kami ng two Christmases—isang Pinoy at isang Chinese.

"Kaya kapag napunta po kayo sa bahay namin, iba-iba ang decorations. May pang-Chinese at may pang-Pinoy.

"Tapos. may oras pa po 'yan, e. May ganitong oras para sa isang klaseng Pasko. Pati sa pagkain, may certain na food sa ganitong Pasko.

"Nasanay na ako sa gano'n kasi nga bata pa lang ako, yun na ang alam ko.

"Pero just the same, sama-sama po kami for Christmas. Maraming tao parati sa bahay namin tuwing Pasko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Masaya naman kasi lahat ng relatives ng daddy at mommy ko, dumarating."

Ngayong sikat na siya, may maiiba ba sa nakagisnan niyang Pasko?

"Gano'n pa rin naman po. Wala namang dapat magbago, e," sagot ni Joshua.

"Siguro ang mababago, mas marami na akong reregaluhan ngayon. Alam na kasi nilang may kinikita ako!" tawa niya.

"Okey lang 'yon kasi gusto ko na masaya ang mga mahal ko sa buhay tuwing Pasko. Sabi nga nila, dapat lang mag-share ng blessings.

"Tama 'yon kasi sobra ang biyaya na natanggap ko this year. Gusto ko rin po na mai-share 'yon sa ibang tao."

GIFT FOR BARBIE. May nabili na ba siyang Christmas gift for Barbie?

"Niloloko ko nga siya. Sabi ko, gusto ko hiwalay ang birthday gift sa Christmas gift.

"December 14 kasi ang birthday ko. Yung iba kasi pinagsasabay na sa isang gift.

"Ang daya, di ba?" natatawang sabi ni Joshua.

"Kaya sabi ko kay Barbie na kung pag-iisahin niya, wala siyang Christmas gift sa akin.

"Pero siyempre, joke lang 'yon. Baka kasi umiyak na naman, e!"

Hindi raw mahilig mag-shopping si Joshua kaya pinaubaya na niya sa mommy niya ang pagpili ng regalo para kay Barbie. Mas alam daw kasi ng mommy niya ang magugustuhan ni Barbie dahil pareho silang babae.

"Mahirap po para sa akin ang mag-isip ng ireregalo sa babae. Parang hindi ko alam ang bibilhin ko kaya kay Mommy ko na lang sinabi.

"Kilala naman po niya si Barbie kaya more or less, alam niya ang gusto nito. Kasi kapag ako pa ang bumili, baka sumakit lang ang ulo ko!" tawa niya ulit.

MMFF MOVIE. Sa December 24 ay magkakasama sina Barbie at Joshua dahil kasama silang sasakay sa float ng Metro Manila Film Festival entry na Si Agimat at si Enteng Kabisoteng GMA Films, Imus Productions, APT Entertainment, M-Zet TV Productions at OctoArts Films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May special guest roles sila sa pelikulang unang pinagsamahan nina Vic Sotto at Bong Revilla, na magbubukas on Christmas Day, December 25.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN