Other Tween Hearts love teams now have their own fan clubs


(From left) Kristoffer Martin, Joyce Ching, Louise delos Reyes, and Derrick Monasterio.


Hindi mapasubaliang sikat na talaga ang tween stars ng GMA-7 dahil sa Sunday afternoon series nilang Reel Love Presents Tween Hearts. Extended ang show hanggang April 2011 dahil sa magandang performance nito sa ratings.

Kahit saan magpunta ang tween stars ay pinagkakaguluhan sila.

Kaya naman hindi lang ang mga nangungunang love teams na Josh-Bie nina Joshua Dionisio at Barbie Forteza at Ja-Bea nina Jake Vargas at Bea Binene ang inaabangan ng mga fans—kundi pati na rin ang mga bagong nabuong love teams nina Derrick Monasterio at Louise delos Reyes na kung tawagin ay Lou-Rick, at pati na rin kina Kristoffer Martin at Joyce Ching na Kris-Joy.

Nang bisitahin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang set ng Tween Hearts sa Casa Milan clubhouse sa Fairview, Quezon City, maraming fans ang nag-aabang sa kanilang idols.

Kumpleto ang Josh-Bie, Ja-Bea, Lou-Rick, at Kris-Joy fans club. Lagi raw silang pumupunta sa taping set ng kanilang mga iniidolong tween stars.


LOU-RICK. Dahil established na ang team-ups nina Joshua-Barbie at Jake-Bea, tinanong ng PEP sina Derrick-Louise at Kristoffer-Joyce: ano ang masasabi nila at meron na rin silang sariling fans na nakikipagsabayan sa Josh-Bie at Ja-Bea fans?

Sabi ni Derrick, "Nakakatuwa naman kasi hindi naman namin inaasahan na magkakaroon kami ng fans ni Louise.

"Nag-start nga kami sa Tween Hearts na magkaaway, pero na-develop na 'yon sa story kaya magkakaroon kami ng magandang understanding.

"Pero nandoon pa rin ang rivalry namin bilang students ng school."

Ayon naman kay Louise, hindi niya ini-expect na may mabubuong fans ang team-up nila ni Derrick. Nagulat na lang daw siya at may mga lumalapit sa kanila at may banners na silang dala na nakalagay ay "Lou-Rick."

Aniya, "Ang sarap palang malaman na may mga sumusuporta rin sa team-up namin ni Derrick.

"Akala ko kasi mape-pair ako sa iba, at siya rin sa iba, after ng mga eksena namin sa camp.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero itinuloy na nga dahil may mga request from the fans na maging permanent love team na kami.

"Okay lang kasi okey naman kami ni Derrick. Nagtutulungan kami sa mga eksena namin sa show."

Inamin naman ni Derrick na mas naa-attract na siya kay Louise ngayon.

Noong una kasi, akala niya ay suplada ito. Pero unti-unti na niyang nakikita ang bubbly personality nito.

"Masayahin pala siyang tao," sabi ni Derrick.

"Noong una ko kasi siyang makilala sa taping, hindi siya nakangiti, e. Akala ko tuloy suplada.

"Pero as we worked sa show, nagiging open kaming lahat. Nakikilala na namin ang isa't isa.

"Doon ko nga nakita na masyadong masaya pala itong si Louise. There's no boring time with her kasi marami siyang kuwento."

Ipinakilala na raw ni Derrick si Louise sa kanyang mother, ang former actress na si Tina Monasterio, nang minsang bumisita ito sa taping ng Tween Hearts.

"Natuwa naman si Mommy sa kanya at nagandahan," nakangiting sabi ni Derrick.

"Ngayon magkasundo na sila ni Mommy. Mas nagkakausap pa nga sila kesa sa akin."

Ang unang impression ni Louise kay Derrick ay mahiyain ito. Hindi raw kasi ito masyadong nakikipagkuwentuhan at tahimik lang.

Pero ngayon ay lumabas na raw ang pagiging makulit nito.

"Kung ano ang dinaldal ko, siya naman ang ikinatahimik ni Derrick," sabi ni Louise. "Pero unti-unti naman siyang nakasakay sa aming lahat.

"Ngayon, sobrang kulit na. Binibiro nga niya ako na nahawa raw siya sa pagiging matsika ko.

"Okey lang kasi mas maganda yung masaya ka, di ba?" ngiti pa ni Louise.

Kung nakilala na ni Louise ang mommy ni Derrick, gusto rin ng dalaga na ipakilala si Derrick sa family niya sa Cavite.

"Tinanong ko naman si Derrick kung gusto ba niyang makilala ang pamilya ko. Baka kasi matakot siya kasi pulis ang daddy ko at pati na mga kapatid kong lalake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okey lang daw at wala naman daw siyang dapat ikatakot. Good boy naman daw siya.

"He promised na sa Pasko ay dadalaw daw siya sa bahay amin sa Cavite. Tutuparin daw niya iyon."

KRIS-JOY. Ang tambalan naman nina Kristoffer at Joyce ay nabuo rin sa isang episode ng Dear Friend. Pero una silang nagkasama sa primetime series na Endless Love, kung saan gumanap silang magkapatid.

Una ay love triangle sila with Lexi Fernandez. Pero binigyan na ng sariling partner si Lexi sa baguhan na si John Marlowe Pamintuan kaya nagkaroon na ng solo love team sina Kristoffer at Joyce.

Ayon kay Joyce, magkasundo raw sila ni Kristoffer sa unang araw pa lang ng taping nila. Kaya hindi niya inaasahan na makakabuo sila ng team-up at ngayon ay may fans pa sila.

"Hindi naman kasi kami kasing-laki ng love team nila Joshua at Barbie, or ni Jake at Bea. Pero natuwa naman kami ni Kristoffer kasi may fans na kami na pumupunta sa set.

"Akala ko joke lang, pero totoo pala. Lumapit sa amin ang ilang fans at sinabi nila na pupunta sila sa mga mall shows namin at sa tapings namin. Susuporta daw sila sa team-up namin ni Kristoffer," ngiti ni Joyce.

Parati raw silang nag-uusap ni Kristoffer kapag wala silang eksena para mas makilala nila ang isa't isa.

"Kasi nga, magkakatrabaho kami ng matagal pa, kaya it's only proper na I know his personality," sabi ni Joyce.

"Right now, marami na akong alam tungkol sa kanya. Makakatulong kasi ang mga nalalaman mo sa partner mo sa ginagawa ninyong trabaho."

Para naman kay Kristoffer, magandang si Joyce daw ang itinambal sa kanya dahil nagku-contrast daw sila ng mga hilig. Maganda raw 'yong nagkakaroon sila ng magkakaibang paniniwala sa ilang bagay-bagay.

Aniya, "Sa looks na lang kasi namin ni Joyce, ibang-iba na kami. Si Joyce maputi, chinita at petite. Ako naman matangkad at moreno.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mahilig ako sa sports, hindi naman mahilig sa anong sports si Joyce. Pati sa mga pagkain, magkaiba kami.

"Parating may diskusyon sa amin na gustung-gusto ko. Pareho kaming may nadi-discover sa isa't isa."

Kung may pagkakataon nga raw ay gustong makilala ni Kristoffer ang family ni Joyce and vice-versa.

"Taga-Makati lang naman kasi sila Joyce kaya madaling puntahan sa Pasko. E, ang family ko nasa Olongapo City lahat. Kaya effort para kay Joyce.

"Siguro kapag dinalaw ako ng family ko dito sa Manila, mapapakilala ko sila sa ka-love team ko. Gusto rin nila si Joyce kasi may chemistry daw kami sa Tween Hearts."

At dahil mga menor de edad pa ang Lou-Rick at Kris-Joy love teams, wala pa raw sa kanilang mga isipan ang seryosong panliligaw.

Mas gusto nilang apat na pagbutihin ang kanilang mga trabaho, lalo na't pinagkakatiwalaan sila ng GMA-7 dahil sa success ng Reel Love Presents Tween Hearts.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN