Jolina Magdangal relates how she almost lost her car

Multi-media star Jolina Magdangal almost became a victim of Bukas-Kotse Gang last December 1.


Muntik nang matangay ang Mercedes Benz-Sprinter ni Jolina Magdangal noong December 1 sa Timog, Quezon City.

Kuwento ni Jolina sa Showbiz Central kahapon, December 5, "Wednesday ng mga 1:30 to two o' clock ng hapon, bale ano, may Christmas party ang PPL para sa mga press ng gabi, dinner time."

Ang PPL ang management company ni Pery Lansigan na kinabibilangan ni Jolina. Ginanap ang Christmas party ng PPL para sa press sa Eivissa bar and restaurant sa may Timog.

Patuloy ng multi-media star, "So, yung mga gifts and yung iba pang mga kailangan dun sa party, tatlo kaming sasakyan dun na nag-deliver.

"Pero hindi ako kasama, ang 'andun lang ay driver and yung yaya ko.

"Ganito yung pagkakuwento nila sa akin...

"So, nag-park sila doon, alam na may ibababa lang, mag-a-unload lang sandali.

"So, yung yaya ko, nandun lang siya sa loob ng sasakyan, bukas yung sasakyan talaga

"Pero nandun lang siya kasi talagang tumulong lang yung driver para mag-unload, inakyat yung gamit.

"Tapos yun na, may lumapit na boy, pero nagpapa-park daw yun dun."

Nagkuwento rin ang yaya ni Jolina na si Tere Vilvas tungkol sa insidente.


Aniya, "Nandun po ako, nasa loob po ako, tapos may kumatok, na iuurong nga daw po yung sasakyan.

"Sabi ko, 'Kuya, mamaya na lang dahil wala pa yung driver, umakyat pa.'

"Nagulat na lang po ako, umikot pala, bumukas [ang pinto]. Pagtingin ko, akala ko yung driver namin, yun pala, siya!

"Inuurong na niya po, nagulat na lang ako, na 'Hoy, kuya, baka kung mapaano yung sasakyan!'

"Kasi ang tagal niyang iniikut-ikot yung kambiyo, kasi parang hindi niya makuha.

"Tapos nung gumalaw na, biglang nagpepreno siya.

"Natakot po ako nung umandar na, nung maiurong na niya ng konti. Tapos, palingun-lingon ako.

"Nung nakita ko na yung driver, sinigawan ko na yung driver. Sabi ko, 'Kuya, bumalik ka dahil inuurong yung sasakyan!'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil dito ay bumaba na raw agad at umalis ang hindi kilalang lalaki, na pinaghihinalaang miyembro ng Bukas-Kotse Gang.

Hindi raw agad nalaman ni Jolina na naganap ang nasabing insidente.

"Kagabi, after three days. Wednesday nangyari, Saturday ko pa ng gabi nalaman!

"At natatawa pa ako sa text na may balitang ganun. Sabi ko pa, 'Ha! Ha! Hindi totoo 'yan.'

"Tapos pag-uwi ko, tinanong ko muna [yung yaya], sabi ko, 'Tere, ha, may nagsulat, ganito-ganyan, kailan nangyari yun?'

"Akala pa nila, iba. Sabi pa nila, 'Oo nga, kailan nangyari yun? Kasi sa taping, hawak ko ang susi.'

"Tapos biglang sinabi niya, 'A, naalala ko na!' Sabi niyang ganun, 'Oo, nung Wednesday! Ganito-ganyan.'"

Ano ang natutunan ni Jolina sa insidenteng ito?

"In a way, parang naano ako ng konti, nabahala ako at sinabihan ko yung mga kasama ko.

"Kasi nangyari na, e. Dapat sinasabi sa akin.

"Next time nga daw, talagang i-lock or bunutin yung susi, patayin [ang makina], tapos maghintay sa labas.

"Na pag may lalapit, 'Sandali lang po, nasa itaas, nagde-deliver lang!' Ganun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN