Aljur Abrenica gives life anew to Machete

"Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para mapanagutan ang pagiging...ang mabigyan ng chance na ganito, na maging si Machete," says Aljur Abrenica.


Si Aljur Abrenica ang napili ng GMA-7 na maging bida sa TV remake ng Machete.

Matagal na ring usap-usapang si Aljur ang gaganap sa papel na Machete, na tungkol sa isang matipunong lalaking inukit sa kahoy na nabubuhay tuwing gabi.

Taong 1990 nang una itong isinapelikula ng Seiko Films, at si Cesar Montano ang gumanap na Machete.

Muli itong isinapelikula noong 1994. Si Gardo Versoza naman ang gumanap na bida.

Sa susunod na taon, 2011, ay muling bubuhayin ng Kapuso network si Machete sa katauhan ng Kapuso hunk na si Aljur.

"Sana ako na talaga, sana ako na talaga!" sambit ni Aljur sa taped interview sa kanya ng Showbiz Central kahapon, December 5.

"Last year, akala ko gagawin ko na, ganito-ganyan.

"Kasi kung may audition talaga, kung may audition, mag-a-audition talaga ako.

"Pero hindi na kinailangan, parang... Ewan ko, ha, sa akin na raw ibinigay."

CESAR'S APPROVAL. Incidentally, nakatrabahona ni Aljur ang original Machete na si Cesar Montano sa katatapos lang na GMA-7 fantaserye na Ilumina.

Ayon kay Aljur, "Siya ang pinakaunang Machete talaga sa atin.

"Kumbaga, nagawa na niya, marami siyang tips and advices sa paggawa ng Machete."

Nakapanayam din ng Showbiz Central si Cesar at nagbigay siya ng pahayag tungkol sa pagkakapili kay Aljur upang gumanap bilang bagong Machete.

"I'm pretty sure Aljur can do that better than I did. Oo," sabi ng aktor.

"Nagpapalaki na siya ng katawan, aayusin na lang 'yan."

May mensahe rin si Cesar para kay Aljur.

"Kayang-kaya mo 'yan, Aljur, and I'm very, very confident na kayang-kaya mo 'yan.

"Magagawa mo nang mas maganda 'yan."

READY TO BARE. Handa naman daw si Aljur sa pagpapakita ng katawan at maging sa love scenes na maaaring bahagi ng proyektong ito.

Karamihan kasi ng mga eksena noon nina Cesar at Gardo sa pelikula ay naka-bahag lang sila. Marami rin silang love scenes with their leading ladies.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, hindi maiiwasan na may love scenes diyan na gagawin ko, handa naman ako, handa naman ako.

"Dahil siguro, kaya ko na, hindi na ako teenager ngayon, e. Twenty years old na ako!" natatawang sabi niya.

"I think mature na ako para... I'm mature enough para gawin na yung mga bagay na yun.

"Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para mapanagutan ang pagiging...ang mabigyan ng chance na ganito, na maging si Machete."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN