Aubrey Miles graciously accepts defeat on Survivor Philippines Celebrity Showdown

"Wala, wala akong pagsisisihan sa mga ginawa ko. Dahil sa sarili ko, alam ko wala akong ginawang masama, wala akong ginawang ilegal," says Aubrey Miles.


Marami ang bumatikos kay Aubrey Miles dahil sa paraan niya ng paglalaro sa katatapos lang na Survivor Philippine Celebrity Showdown.

Binansagan siyang "Pasimuno" dahil siya ang lumalabas na nagdedesisyon kung sino ang mga iboboto para mapatalsik sa isla.

Pero sa huli ay hindi pa rin siya pinalad manalo nang siya ang iboto ng Jury na maging ika-pitong miyembro nila.

Kahapon, December 5, ay live na nag-guest si Aubrey sa Showbiz Central para sagutin ang mga isyung kinasasangkutan niya bilang castaway ng Survivor Philippines Celebrity Showdown.

WALKOUT ISSUE. Una na rito ang pagmamadali raw niyang umalis pagkatapos na pagkatapos ng live finale noong Biyernes, December 3, kung saan si Akihiro Sato ang itinanghal na Celebrity Sole Survivor. (CLICK HERE to read related story.)

Tinanong ng host na si John "Sweet" Lapus si Aubrey kung totoo bang nag-walk out siya after the finale?

"A, hindi naman," tanggi niya.

"Kasi yung anak ko, di ba, umiyak? Tapos, mga walong oras na sila dun nanonood.

"So, medyo alam mo naman ang mga bata, nagwawala na, so hinatid ko muna.

"Plano ko talaga bumalik, e. Dumiretso na ako, nag-after party na, gumimik na kami."

Hindi sinabi ni Aubrey kung sinong anak ang tinutukoy niya—kung ang panganay niya o ang anak nila ng partner niyang si Troy Montero. Parehong nasa loob ng studio ang dalawang anak ni Aubrey, pati na si Troy.

Sumunod siya sa after-party ng Survivor?

"Oo! Sumunod naman ako," sagot ng dating sexy actress.

Ang balita kasi ay nag-walk out siya at nagmamadaling umuwi.

"Hindi naman, hindi naman.

"Alam siguro ng mga nanay 'yan, dyusko!

"Nagwawala ang mga anak natin pag mga walong oras, ang tagal-tagal na naghintay," paliwanag niya.

ALMOST THERE. Sa unang botohan para sa ika-pitong miyembro ng jury ay nag-tie sina Aubrey at Akihiro with three votes each. Dahil dito, kinailangang bumoto uli para ma-break ang tie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At ang resulta ay si Aubrey ang napatalsik at naging 7th jury member.

Ano ang pakiramdam niya nung mga oras na yun?

"Siyempre, hindi ko naman sasabihing masayang-masaya ako, 'no!" natatawang sabi ni Aubrey.

"Siyempre sad ako na 'yon na yung chance ko, tapos hindi pa ako nanalo.

"And alam ko sa sarili ko... Kaya wala akong bitterness, kasi alam ko sa sarili ko na panalo ako.

"Pero sa ibang tao, siyempre hindi ko naman mauutusan sila kung anuman ang nasa isip nila.

"Pero sa akin, tanggap ko na."

Alam na rin daw ni Aubrey na si Akihiro ang mananalo noong natanggal siya.

"Nung natanggal ako as a jury, alam ko na, na si Aki ang mananalo. Kasi hindi mo naman...

"Hindi mo ako tatanggalin, iyong ipapasok mo, hindi mo naman ipapatalo yun.

"So, in a way, alam ko agad na pag-alis ko, 'A, si Aki na agad ang winner!'" saad niya.

AKIHIRO'S VICTORY. Tinanong ni Sweet si Aubrey, sino para sa kanya ang dapat natanggal noong finale?

"Ang hirap ng tanong mo!" sabi niya.

"Siyempre, parang lahat naman kami deserving talaga. Pero siyempre, ang pinaka-deserving, gusto ko, sarili ko, di ba?

"Pero kung may tatanggalin, siguro... ang hirap na...siyempre hindi ko masagot."

Pero sa huli, natawang sinabi ni Aubrey na, "O sige, si Aki na lang!"

Paliwanag niya, "Kasi kung titingnan mo, sa aming dalawa, sino ang paglalabanan?

"Siyempre, siya ang gusto kong matanggal. Ako, gusto ko panalo ako.

"Pero it's not meant kasi."

Dahil direct competitor niya si Akihiro?

"Oo, pero ganun lang talaga. Pero hindi naman ako galit," paglilinaw ni Aubrey.

Dahil siya ang natanggal, nakaapekto ba iyon sa ibinoto niya sa finals?

"Puwede," sagot niya.

"At least, nagkaroon ng dalawa-dalawa nung ibinoto ko si Ervic [Vijandre] to be the Sole Survivor, and then nag-dalawa si Solenn [Heussaff].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think naging fair naman yung mga jury."

Ano ang pakiramdam ni Aubrey na si Aki ang nanalo?

"Deserving naman si Aki, wala naman akong sinasabi na hindi siya deserving.

"Na para sa akin, yung apat na 'yon [Final 4], deserving talaga kung sino man na manalo sa amin.

"Pero siyempre, may bet din ako kung ako yung natanggal.

"So, mahirap iutos sa akin na gusto mo talaga, ayaw mo si Aki, hindi ganun.

"Meron akong sariling bet, like yung other people may sariling bet," paliwanag niya.

EVERYONE IS GUILTY. Marami ang nagsasabi na extreme talaga ang paraan ng paglalaro nina Aubrey at Akihiro sa Survivor.

Kung si Aubrey ay talagang nilaro ang game sa pamamagitan ng strategy, si Akihiro naman daw ay malinis ang paglalaro at ginalingan lang niya.

Ngayong natalo siya, pinagsisisihan ba ni Aubrey ang naging strategy niya?

"Hindi naman," sagot niya.

"'Tsaka talagang sasabihin ko, dito sa game na ito, nobody will go out clean, everyone will go out guilty."

Na may ginawa ring kalokohan ang iba?

"Oo!" mabilis na sagot ni Aubrey.

"Hindi lang siguro... ayaw lang siguro... Yung ibang tao kasi, sarado na yung isip nila na, 'Hindi, hindi ganun.'

"Pero wala akong sinasabing masama ang ugali ni Aki," diin niya.

May alam ba siyang ginawa si Akihiro na medyo masama o naughty noong nasa isla sila?

"Wala namang... Sa totong buhay, wala naman siyang ginawa.

"Pero yung mga issue-issue na bribe na 'yan, naku, hmmm..." bitin na sabi ni Aubrey.

Totoo ba ito?

"Hindi, ayoko nang magsalita ng hindi maganda.

"Para sa akin, hindi ko strategy 'yon. I'm just telling the truth!" sabi niya.

Matatandaang sa huling Tribal Council ng Survivor Philippines Celebrity Showdown ay sinabi nina Aubrey at Ervic na habang walang kamera ay nag-bribe daw si Akihiro sa kanila na hahatian niya ang mga ito kung siya ang mananalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero mariin naman itong itinanggi ng Celebrity Sole Survivor.

DEATH THREATS. Nakakatanggap na nga ba siya ng death threats dahil sa pagiging strategist niya at pasimuno sa isla?

"Oo! Mga messages sa Facebook," pagkumpirma ni Aubrey.

"Oo, yung mga nagalit sa akin, na sasaksakin daw nila ako, bubuhusan daw nila ako ng asido...

"May humabol pa sa akin sa mall, kasama ko yung anak ko, may humabol!

"Iyon na nga, ang sama daw ng ugali ko sa Survivor, ganyan.

"Na sabi ko, 'Naku po, hindi n'yo po ako kilala!'" kuwento ni Aubrey.

Pero ano masasabi sa mga taong ang tingin sa kanya ay masama ang kanyang ugali?

"Para sa akin kasi, dyina-judge nila yung artista, nakikita nila sa totoong...

"Hindi ko alam kung sinasabi nila na kilala nila, na hindi ako totoong tao, yung isang castaway totoong tao.

"Wala naman talagang nakakaalam kung ano talaga yung totoong pagkatao namin dahil lang sa show, idya-judge kami.

"Para sa akin, makikita mo siguro half of me sa show and half of my puwedeng portrayal kung ano ang gusto ko sa show na ito, di ba?

"Hindi talaga buong pagkatao namin nakikita mo sa show."

DRAMA QUEEN? Sa huling Tribal Council, nang bigyan ng chance ang Final 4 na sabihin ang rason kung bakit sa palagay nila ay sila ang dapat manalo, naging maramdamin si Aubrey sa pagsasabi na para sa kanyang panganay na anak kaya niya gustong manalo.

Every two weeks lang daw kasing nasa kanya ang anak dahil hindi pa niya ma-provide nang husto ang mga nararapat to have a full custody.

Pero ayon naman sa iba, "drama qeen" lang si Aubrey.

Ano ang masasabi niya rito?

"Hindi po ako drama queen, talagang madrama lang ang buhay ko.

"Hindi ako nagsisinungaling, totoo lang po yung sinasabi ko.

"Hindi ko gagamitin ang anak ko dahil sa totoo lang, before, naitago ko nga yung anak ko, and hindi ko gagamitin ang anak ko dahil lang sa show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero 'yon talaga, in-explain ko nga sa kanila na dalawa ang reason ko kung bakit, why I deserve to win and why I need to win.

"Deserve ko because I played the game. And yung why I need, because for my kid.

"Actually, sinasabi ko nga lahat ng needs ko, wants ko, I have it na.

"If ever kunwari nanalo ako, it's actually for my kid, for my kids."

Pero bilang fourth placer ay may maiuuwi rin naman si Aubrey na premyo.

May plano na ba siyang gawin para sa kanyanganak?

Babawi ba siya this time, or yung every two weeks na pagsasama nila ba ay naging once a week na?

"Unfortunately, ganun pa rin," sabi ni Aubrey.

"Ganun talaga and pag may legal matter na ganun, talagang kailangang sundin.

"And siguro, sa ngayon, ang naging advantage lang na nangyari is nakakuha ako ng bagong endorsement na nakatulong kahit papaano. Yung mga ganun."

Ang panganay ni Aubrey ay anak niya sa kanyang ex-boyfriend na si JP Obligacion.

NO REGRETS. Sa lahat ng mga nangyari sa Survivor, may pinagsisisihan ba si Aubrey? Meron ba siyang ginawa na sana'y hindi niya ginawa habang nasa isla siya?

"Wala, wala akong pagsisisihan sa mga ginawa ko," sagot niya.

"Dahil sa sarili ko, alam ko wala akong ginawang masama, wala akong ginawang ilegal.

"At sa sarili ko, panalo talaga ako. Kaya alam kong wala akong bitterness.

"'Tsaka kino-congratulate ko rin si Aki kasi talagang deserved naman din niya dahil kung meron talaga siyang pinanindigan, na talaga namang deserving siyang manalo as Sole Survivor.

"And yung jury, kung 'yon talaga ang nakita, then congratulations!"

Ano naman ang mensahe niya kina Solenn at Ervic, na parehong siya ang bet na manalo.

"Guys, okay lang 'yan, gigimik tayo and congratulations din dahil malayo na ang narating natin sa Survivor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And huwag na tayong sad kasi suwerte na rin kami dahil sa 18 castaways, e, nakita mo naman tumagal talaga kami and naging close pa kami."

May mensahe rin ba siya kay Akihiro? Hihingi ba siya dito ng balato?

"Sige, iPad naman!" tawa niya.

"Kasi usapan namin, kung sinuman ang manalo, may iPhone or may iPad. Let's see kung matupad.

"Mabait naman actually si Aki, wala namang isyu sa pagkatao namin sa ano.

"Actually, before pa, kilala ko na si Aki, so we know each other."

SHOWBIZ CAREER. Ano na ngayon ang plano niya sa kanyang showbiz career?

"Hindi ko pa alam," sabi niya.

"Kasi pumasok talaga ako ng Survivor, ang goal ko lang talaga is manalo at maglaro ng game. Wala akong plano sa exposure o sa career ko.

"Hindi ko alam, let's see kung ano mga offers. At kung meron man, siguro tatanggapin ko yung alam kong worth sa time ko na mahiwalay sa anak ko, and then tatanggapin ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN