Angelica Panganiban reunites with her real father; relates how she discovered that she is adopted

During her live guesting on The Buzz yesterday, December 5, Angelica Panganiban talked about meeting her real father for the first time and how she found out about her real identity.


Ang Pasko ngayong taon ang isa raw sa pinakapaboritong Pasko ni Angelica Panganiban. Ito ay dahil nagkita sila ng kanyang American father sa Los Angeles.

Sa panayam ni Boy Abunda kay Angelica sa The Buzz kahapon, December 5, ay ikinuwento ng young actress ang pagkikita nila ng kanyang long-lost father.

"After kong kausapin ang mama ko, hindi siya sure kung ano talaga ang name ng daddy ko," simula niya.

"So, noong binigay niya sa akin, walang first name, last name lang.

"So, una kong pinuntahan yung website ng U.S. Navy.

"And then, nakita ko ro'n yung pangalan niya. Pero walang phone number, walang kahit na ano.

"And noong mga panahon po na yun, wala akong planong tawagan siya, makausap siya.

"Gusto ko lang makita yung picture niya. Para lang mabuo yung imagination ko.

"Siguro mga two weeks din, then nahanap ko yung isang fan page ng ship na sinakyan nila.

"Then, may isang tao do'n na nag-post na never daw niyang makakalimutan ang experience niya noong Martial Law sa Philippines, noong 1984 to 1986.

"E, ipinanganak po ako ng 1986.

"So, nagbakasali ako na baka kilala nga niya yung Mr. Charlson na yun.

"So, nagpadala ako ng message sa kanya. Tinanong ko kung may kilala siyang Mr. Charlson.

"Tapos, sumagot naman siya ng 'Yes, why?'

"Noong nabasa ko pa lang ang yes niya, para akong nabunutan ng tinik.

"Hanggang sa, I think, after two weeks, nagkausap kami ng dad ko."

ANGELICA'S REAL DAD. Ang tunay na pangalan ng biological father ni Angelica ay Mark Charlson.

Kuwento pa ng young actress, nagtsa-chat sila ng kanyang ama noong una silang magkaroon ng communication.

"Noong nagtsa-chat pa lang kami, nanginginig na ako," sabi ni Angelica.

"Para siyang ano, lulubog-lilitaw. Noong March ang una.

"Hindi ko maintindihan ang reason niya kung bakit ngayon nakikipag-usap. Noon, para akong pinagtataguan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Then, dumating na po ako sa point na nagpadala ako ng message sa kanya na wala naman akong gusto. Hindi ko kailangan ng financial support."

Sinabi ba niya sa kanyang ama na isa siyang "big star" sa Pilipinas?

"Noong nagkatanungan po kami ng trabaho, sinabi ko nga na artista ako," banggit ni Angelica.

"Then, sabi niya, i-Google raw niya ako. So, nag-try naman akong i-Google ang sarili ko.

"Nakita ko, puro naka-two-piece ako! So, sabi ko, 'No, don't do that!'" natatawang kuwento niya.

Patuloy niya, "Hindi naman na siya nag-comment pa do'n, pero nitong nagkakausap na kami, doon siya parang nagulat.

"Noong hinanap na niya ako. Nag-research siya, na parang yung term niya, gusto niyang maging proud ako sa kanya.

"Pero parang sa mga nangyayari sa kanya ngayon, sa mga pinagdaraanan niya, hindi niya kayang humarap sa akin dahil pakiramdam niya, mas mataas ako sa kanya.

"So, ang tagal, Tito Boy, simula March, travel ako nang travel. Tanggap ako nang tanggap ng shows lalo na sa States.

"Minsan, sasabihin niya, yes, puwede siyang magpunta halimbawa ng New Jersey or San Francisco.

"Then, kapag malapit na yun, hindi na siya sasagot.

"So, hanggang sa napagod na ako.

"Sabi ko, 'Kung ayaw mo, di huwag. At least, nakita ko na ang picture mo.'

"Yun lang naman ang gusto ko noong una, e."

THE FIRST MEETING. Paano sila nagkita ng kanyang ama?

"Noong birthday ko po, yung mama ko, nagpunta sa bahay.

"Then, may gift siya sa akin na isang CD. Tapos, yun nga, pini-play nga namin.

"Bigla na lang lumabas siya [her father], binabati niya ako—'Hi Angel, happy birthday! Surprise! This is your dad.'

"Hindi ko ma-explain yung pakiramdam, kasi nanggaling pa sa pamilya ko yung ganoong klase ng regalo."

Sa puntong ito ay naging emosyunal na si Angelica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Hindi ko po masabi sa kanila, baka sumama ang loob nila.

"Baka iniisip nila, hindi ako naging masaya sa kanila kaya hinahanap ko ang tatay ko.

"Kaya ang laking bagay po sa akin na pinuntahan pa ng tita ko sa Iowa [ang dad ko] para lang makuhanan ng birthday greeting para sa akin.

"And then, noong araw ng birthday ko, tinawagan niya ako. Yun ang first time na nag-usap kami."

How was it?

"Narinig ko pa lang ang boses niya, iyak na ako nang iyak," sabi ni Angelica.

"Then, alam niyang may cruise dapat ako papuntang Mexico. Sabi niya, makakakuha raw siya ng leave ng November 29.

"So, sabi ko, 'Sige, kung puwede kong ma-extend ang vacation ko, magpapaalam ako para makita kita kahit one day lang.'

"And then, nagkataon naman po, yung cruise na-cancel.

"So, napaaga yung flight niya. So, five days kaming nagsama."

The first meeting, how was it?

"Ang sarap!" sambit ni Angelica, na patuloy pa rin sa pag-iyak.

"Para pong magic. Parang hindi ako makapaniwala hanggang ngayon."

The first word na sinabi nila sa isa't isa?

"Sabi niya, 'It's okay...' Gumano'n lang siya, kasi iyak ako nang iyak.

"Tinanong ko siya, 'Do you know how to speak in Tagalog?'

"Sabi niya, hindi. Sabi ko, 'A little?'

"'Oo,' gumano'n naman siya."

BIG STAR. Tinanong muli ni Boy si Angelica kung nalaman ba ng daddy niya na malaking artista siya sa Pilipinas?

Natawa si Angelica sabay sabing, "Tinanong po niya ano ang mga projects ko.

"And pagdating ko naman po, nagbigay ako sa kanya ng mga DVD, ng mga nagawa ko na. Para mapanood niya ako, makilala niya ako."

Sabay raw nilang pinanood ang I Love You Goodbye, ang pelikula ni Angelica kasama ang boyfriend niyang si Derek Ramsay at sina Kim Chiu at Gabby Concepcion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, medyo naparami po ang bed scene ko do'n! So, medyo kinakabahan po ako.

"So, tuwing may bed scene, tumatalikod ako, aakyat ako ng bahay!" tawa ni Angelica.

"Ganoon po pala ang pakiramdam kapag may tatay ka na. Para kang nahihiya na hindi mo maipakita yung ginagawa kong kalokohan."

Pero alam naman daw ni Angelica na proud ang father niya sa kanya.

"Hindi siya nakatulog. Pinagtiyagaan niya talaga ang subtitle."

May kuwento rin si Angelica tungkol sa Best Comedy Actress trophy na napanalunan niya sa Star Awards for TV last month.

"Noong manalo po ako sa Star Awards, dinala ko yung trophy.

"Sabi ko, 'That's for you.' Sabi niya, 'Huh?'

"'The trophy. That's for you.'

"Siyempre, gulat na gulat na siya.

"Pero siyempre, gusto kong ibigay sa kanya.

"Kasi siyempre, yun ang pinakaunang Best Actress award ko.

"At bilang siya yung tatay ko, gusto ko nasa kanya yun dahil sa kanya ako galing.

"Sa kanya galing ang lahat ng ito."

SAYING GOODBYE. Kung naging emosyunal ang una nilang pagkikita, kumusta naman ang pagpapaalamanan nila?

"Mas mahirap po," sagot ni Angelica.

"Noong nandoon pa lang kami sa bahay, siguro mga 30 minutes bago kami umalis, nagkakapaalamanan na.

"Mami-miss nga raw namin ang isa't isa.

"Tapos, yun, nagkaiyakan kami. Nagyakapan kami.

"Then, naalala ko, inupo niya ako.

"Kung naaalala ko raw ba na, parang two days ago, pagod na pagod daw ako, nakatulog ako sa shoulder niya.

"Then, nagising daw siya at nakita niyang natutulog ako sa shoulder niya.

"And ginawa raw niya lahat para hindi siya gumalaw at para hindi ako magising.

"Sinasabi raw niya na firstborn child niya, nakatulog sa shoulder niya."

Ayon pa kay Angelica, maikli ang five days na pagkikita nila ng kanyang ama.

"Kulang na kulang, pero yun ang pinakamasayang five days ng buhay ko!" sambit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE TRUTH. Muling ibinalik ni Boy ang tanong kung kailan naramdaman ni Angelica na kailangan na niyang hanapin ang tunay niyang ama?

Ayon kay Angel, "Nalaman ko ang lahat noong January lang. To be exact, January 5, 2010.

"Nalaman ko sa cousin ko. Right after taping ng Banana Split, nagkukuwentuhan kami.

"Para ko kasing best friend yun. So, nagtanong ako sa kanya.

"Matagal na matagal ko nang gustong itanong sa kanya. Kasi feeling ko, may alam siya sa tunay na nangyayari sa aming buong pamilya.

"So, sabi ko, 'Alam mo, feeling ko, ampon ako.' Gumano'n ako sa kanya.

"And then, hindi siya nagsalita. Umiyak lang siya.

"Naaano na ako, feeling ko, 'A, 'eto na yun.'

"Wala akong reaction. Pumasok lang ako ng CR. Hindi ko alam kung bakit.

"Tiningnan ko lang ang sarili ko. Parang blangko.

"So, lumabas ako at sinabi ko sa kanya, 'So, ibig sabihin, hindi kita kamag-anak?'

"Humindi siya, tapos umiyak lang siya.

"Umupo ako, tapos sabi ko, 'So, wala akong pamilya?'

"'Hindi, hindi, pamilya tayo,' sabi niya.

"So, yun lang ang pumasok sa isip ko.

"Gusto ko lang sabihin na wala akong naramdamang galit.

"Ang una kong naramdaman, nainggit ako.

"Kasi, hindi pala talaga ako part ng family na kinalakihan ko.

"Na parang sa akin, ang perfect ng lahat.

"So, hindi ko maharap ang pamilya ko.

"Hindi ako makauwi sa amin kasi nahihiya ako.

"Na baka nasasaktan ko pala sila. Baka may nasasabi akong hindi maganda."

Pero ang na-discover daw na ito ni Angelica ay hindi na rin itinanggi ng kanyang nakagisnang ina.

Kuwento ng young actress, "Umuwi ako ng bahay. Sinabi ko na alam ko nang lahat.

"Nakakagulat, kasi meron siyang pictures. Mga pangalan.

"Lahat ng kailangan kong gawin para makita ko sila.

"Wala naman silang planong itago sa akin ng ganoon katagal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro po, nag-iba rin ang buhay namin noong naging artista ako.

"Kasi, baka kapag nalaman ng mga tao, pagtawanan ako, or maging iba ang tingin sa akin. Maraming taong makisawsaw.

"So, hinintay niya po siguro ang pagkakataon na kaya ko nang ipaglaban ang sarili ko.

"Sobra akong grateful, sobra akong blessed.

"Sabi ko nga sa kanila, 'Kung ako ang pamimiliin, kung kaya ko nang magsalita noon, kayo at kayo ang pipiliin ko.'"

ANGELICA'S REAL MOTHER. Pagkatapos malaman ni Angelica ang katotohanan, hindi raw niya agad hinanap ang kanyang mga tunay na magulang.

"May nagtanong sa akin. Tinanong ako ni Ketchup Eusebio, tinanong niya ako kung gusto kong makita ang mga magulang ko.

"Sabi ko, 'Hindi, bakit pa? May pamilya ako at masaya ako.'

"After Valentine's day, nadulas na lang din ang isa kong kaibigan na nakakaalam din ng totoo.

"Na wala na rin daw pala ang tunay kong nanay. Namatay siya two years ago sa Singapore.

"So, doon ako nagkaroon ng pakiramdam na kailangan ko siyang bisitahin. Magbigay-respeto and magpasalamat.

"Kasi, naisip pa rin niyang buhayin ako. Bigyan ng pagkakataon ang ibang pamilya na sumaya.

"Hindi niya ako naisip na ipalaglag or kung anuman."

Paano ginawa ni Angelica, ang pagpapasalamat at pagbibigay-respeto sa kanyang tunay na ina?

"Pinuntahan ko ang puntod niya, noong Holy Week.

"Sinabi ko na hindi ko siya kilala, pero mahal ko siya," sabi ni Angelica.

Noong time na kinausap ni Angelica ang pinsan niya at tinanong kung ampon ba siya, what brought her to that question?

"Noong high school pa lang po ako, may nagsasabi na sa akin na, 'Uy, kilala ko ang tunay mong nanay.'

"And then, isa sa mga best friend ko, sinabi niya na kilala nga raw nung brother niya sa Olongapo na kine-claim ang tunay kong pagkatao."

Hindi raw nagtanong si Angelica, pero nagsimula na rin daw siyang mag-doubt dahil sa mga lumalabas na kuwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nahihiya po kasi ako baka mali ako. Never naman nilang ipinaramdam sa akin na iba ko," sabi niya.

Bakit daw siya pinaampon ng kanyang biological mother?

"Ang pagkakaalam ko po, hindi talaga ako kayang i-provide ng nanay ko.

"So, mas minabuti po niyang ibigay ako sa pamilyang mas may kaya noong mga panahon na yun. "

Naiintindihan naman daw ni Angelica ang nangyari.

"Sinasabi nga ni Mama, 'Alam mo 'nak, yung nanay mo, kahit napapanood ka niya sa TV, kahit nakikita niyang kumikita ka, never siyang tumawag dito or nanghingi ng kahit na ano. Wala siyang ginawa para i-blackmail kami or guluhin kami. Siguro masaya lang talaga siya para sa 'yo."

Bukod sa pagpapaampon sa kanya ng tunay na ina, nalaman din ni Angelica ang dahilan kung bakit matagal silang nagkahiwalay ng kanyang tunay na ama.

"Ang alam niya, namatay na kami.

"May nagpadala sa kanya ng telegram na namatay kaming mag-ina sa car accident, two months before akong ipanganak daw.

"Kasi alam daw niyang November ako ipapanganak, so around September, nakatanggap siya ng sulat na wala na nga raw kami.

"Then, hindi siya makauwi kasi nakadestino siya, sa Arizona yata," banggit ni Angelica.

"Hindi ko nga po alam kung ano ang nagawa kong maganda kung bakit nangyayari sa akin 'to. Para akong tanga!" umiiyak na sabi niya.

ANGELICA'S PRAYER. If she is to pray now, ano kaya ang magiging laman ng panalangin niya?

"Sawa na po siguro Siya sa kakapasalamat ko.

"Sobra, hindi ko ine-expect na mangyayari ito sa buhay ko.

"Pinagpi-pray ko lang na, alam ko na hindi lang sa akin 'to nangyayari, may iba ring bata na gustong makita ang nanay at tatay nila, or mga kapatid nila.

"Gusto ko pong maging inspirasyon sa kanila," saad niya.

Sa pamilya niya, ano ang nasa puso niya ngayon?

"Mahal na mahal ko po sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At kahit po pagbali-baligtarin natin ang sitwasyon, sila po ang pamilya ko, sila lang," sabi ni Angelica.

Ayon kay Boy, kung nasaan man daw ngayon ang ina ni Angelica ay siguradong nakangiti ito ngayon.

Sabi naman ni Angelica, "Noong araw po ng patay, noong November 2, nag-light ako ng candle para sa kanya.

"Then, sabi ko, 'Malapit ka na naman diyan, baka puwede mo namang kalabitin si Papa Jesus, na baka puwedeng someday, magkita kami ng daddy ko.'

"November 2 yun. Tapos, November 4 ang birthday greeting ng daddy ko."

Ano naman ang mensahe niya sa kanyang ama?

"Alam naman po niya na mahal na mahal ko siya.

"May mga tao nga pong nagtatanong, 'Bakit mahal mo na agad? Kakakita mo pa lang?'

"Sabi ko, 'Hindi ko kayang i-explain kapag nandoon na.'"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN