Jake Cuenca apologizes for being "confrontational" towards Jason Abalos; finally admits real score with Melissa Ricks

"Kung meron man akong nagawang masama, I have to own up to my mistake and be responsible about it," says Jake Cuenca.


Napabalita noong isang linggo na muntik nang nagsuntukan ang Kapamilya actors na sina Jake Cuenca at Jason Abalos sa isang event ng ABS-CBN sa Davao.

Sangkot din sa insidenteng ito ang aktor na si Coco Martin.

Pero madali namang naayos ang gulo at sa pamamagitan ng text message na ipinadala ni Jake sa The Buzz last week ay humingi siya ng paumanhin kina Jason at Coco. (CLICK HERE to read related story.)

Kahapon, December 5, live na nag-guest si Jake sa "Straight From The Heart" segment ni Charlene Gonzalez sa The Buzz.

WHAT HAPPENED IN DAVAO? Hindi na nagpaligoy-ligoy si Charlene at diretsahan niyang tinanong si Jake tungkol sa natanggap nilang report na may insidenteng nangyari sa kanila ni Jason sa Davao.

"Ano kasi, you know this thing, yung hindi namin pinagkaunawaan ni Jason, matagal nang nasa isip ko yun," simula ni Jake.

"It's just the first time time I've seen him after the longest time. I got a bit emotional.

"But again, it was my fault because I was very confrontational, I was very emotional.

"Pero at the same time, okay rin, e, I've learned my lesson.

"At the same time, at least, kung anuman ang hindi namin napagkaunawaan, naayos namin noong gabi yun.

"But I wish, I could have been more mature about it.

"I wish I could have been more responsible about it.

"But then again," patuloy niya, "I apologize to Jason. I apologize to Coco most especially.

"Kasi, kung puwede lang sanang ibahin yun, naging masaya na lang sana kami.

"I could have done that."

USAPANG LALAKI. Tinanong ni Charlene si Jake kung ano ang naging dahilan kung bakit naging emotional siya nung time na yun.

Pero umiwas ang young actor.

Aniya, "Ms. Charlene, mawalang-galang na po. Usapang lalaki yun, at kung anuman ang napag-usapan namin, sa aming dalawa na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kanina, magkasama kami sa prod number sa ASAP, and okay naman. Naging maayos kami.

"So, for me, kung anuman yun, it was a misunderstanding, and it was something petty na puwede namang pag-usapan."

Sabi naman ni Charlene, hindi kasi malinaw sa lahat kung ano talaga ang naging ugat ng lahat, dahil ang pumapasok sa isipan ng mga tao ay may kinalaman ito kay Melissa Ricks.

"Yun na nga rin po ang sinasabi ko, maraming pangalang nadadamay.

"Tulad na nga lang po ni Coco, siya na nga lang po ang nag-ayos.

"Siguro, mabuti na hindi na rin mag-namedrop ng iba para hindi na rin lumaki ang isyu.

"At the same time, ayoko na rin mandamay ng iba.

"Ayoko na rin mandamay sa isang pagkakamaling nagawa ko, ayoko nang mandamay ng pangalan.

"So, ang sa akin lang, naayos naman na po namin yun, usapang lalaki lang. So, ayun," saad ni Jake.

MELISSA RICKS. Ayon kay Charlene, bagamat hindi magandang makipag-away, naa-appreciate daw ng tao that Jake took the responsibility and it showed his character and honesty.

Pero hirit ng misis ni Aga Muhlach, honesty rin daw ang kailangan niyang sagot for her next question: Ilang months na sila ni Melissa Ricks?

"Matagal na po kaming magkakilala. Pero siguro po, to be more blunt, to be more honest, this is the first time I'll gonna say it also—we've been dating for a year and nine months na," pag-amin ni Jake.

Hiningan ni Charlene ng mensahe si Jake for Melissa, na nadadamay nga sa isyu nina Jake at Jason.

"To me, Melissa is my inspirastion. And for me kasi, this has been a very challenging year for me because it's been a big challenge, juggling... I mean, ibalanse ang apat na roles nang sabay-sabay.

"So, para maikayod mo yun, kailangan mo ng matinding inspirasyon. At para sa akin, malaking inspirasyon sa akin si Melissa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Charlene, isang "new Jake" ang nakikita ng publiko ngayon.

"I'll be very honest, when I did my text, when I sent my text to The Buzz and I watched, it felt good.

"Kasi, parang ang gaganda ng sinabi n'yo. Ang gaganda ng sinabi ni Tito Boy [Abunda].

"Nakonsiyensiya ako lalo. Honestly, it was a big mistake, e.

"But again, I want to thank you so much.

"Kung meron man akong nagawang masama, I have to own up to my mistake and be responsible about it."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN