Christian Bautista says being single doesn't mean having a blue Christmas; upholds family love this season

"Parang masyadong selfish sabihin na malamig ang Pasko ko dahil wala akong partner, e, mahal na mahal ako ng pamilya ko at mahal na mahal ko sila," says Christian Bautista.


Matagal nang break sina Christian Bautista at Rachelle Ann Go, pero hanggang ngayon ay hindi pa nagkaka-girlfriend ulit si Christian.

Samantalang si Rachelle naman ay nagka-boyfriend at nakipag-break na kay Gab Valenciano, at ngayon naman ay nakikipag-date kay John Prats.

Kaya naman sa interview ni KC Concepcion kay Christian sa The Buzz last Sudnay, December 5, ay muling tinanong ang singer-actor kung bakit single pa rin siya hanggang ngayon.

"Ano lang kasi, busy," maikling sagot ni Christian.

Hindi kaya choosy lang siya?

"Hindi naman sa ganoon," ngiti niya.

"Mahirap lang. kasi sometimes dito ka nagtatrabaho, and then two months sa Jakarta.

"Mahirap din, e."

Every week, nasa iba't ibang bansa siya?

"Hindi naman every week, pero because some of the other countries, e, kumukuha rin ng raket.

"So, mahirap din," ulit niya.

Hanggang ngayon ay inili-link pa rin si Christian kay Rachelle, bukod kina Cristine Reyes at Carmen Soo. Alin sa mga ito ang totoo?

"Ano naman kasi, every time na may makakasama akong screen partner, I do my best to get to know that person," sagot ni Christian.

Ayon kay KC, yung term ni Christian na "screen partner" ay parang trabaho lang ang lahat sa kanya.

"Kasi, gusto mong makilala sila and somehow, you wanna learn from them," paliwanag niya.

Ano ba ang hinahanap ng isang Christian Bautista sa isang babae?

"Hindi mo naman masasabi yun. You try to know them."

Ano naman ang ayaw niya?

"Hindi naman sa ayaw... Yung babae kasi, whether may ayaw ka sa kanya or gusto mo, kung mahal mo, mamahalin mo yun kahit ayaw mo.

"So, whether may ayaw ka or hindi, kung talagang kayo ang para sa isa't isa, magmamahalan kayo."

Nali-link na sa ibang guys ang mga babaeng na-link sa kanya noon. Hindi ba siya naiinggit dito?

"Oo nga, e, para ngang good luck! Minsan tatamaan ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero siguro, meron pang ibang plano sa 'yo ang Diyos. Siguro.

"So, ngayon, okay naman kahit malapit na ang Pasko."

Magiging malamig ba ang Pasko ni Christian?

"Yun ang gusto kong ibahin natin ang isipan natin," sabi ng singer.

"Palagi kasing sinasabi na kapag single ka, malamig ang Pasko mo.

"Para saan at nandiyan ang iyong mga pamilyang nagmamahal? Ang iyong mga kaibigan, mga kapatid?

"Parang masyadong selfish sabihin na malamig ang Pasko ko dahil wala akong partner, e, mahal na mahal ako ng pamilya ko at mahal na mahal ko sila."

Kailan naman kaya niya plano mag-settle down? Naiisip na ba niya ang tungkol dito?

"Yung pag-ibig na 'yan, hindi mo naman mako-control yun, e.

"Parang gasolina. Kapag lumiyab na 'yan, dire-diretso na 'yan.

"Sa 'yo ko yata nakuha yun. So, yun!" nakangiting sabi nito kay KC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN