John Lloyd Cruz: "Puwede na akong mag-asawa, pero ayoko pa."

"Ayoko muna because ang dami ko pang puwedeng ibigay.

"Yung potential ko bilang isang tao. Bilang miyembro ng industriyang ito. Gusto ko pang i-maximize. Gusto ko pang isagad. So, yun muna, ipon muna tayo. Siguraduhin mo ang mga investments mo, tama," says John Lloyd Cruz when asked why he does not want to settle down yet.


Isang one-on-one interview ang isinagawa ni Boy Abunda sa isa mga top leading men ng ABS-CBN na si John Lloyd Cruz sa The Buzz noong Linggo, December 5.

Ang interview ay may kinalaman sa box-office success ng latest film ni John Lloyd sa Star Cinema, My Amnesia Girl, kung saan kapareha niya si Toni Gonzaga.

Narito ang panayam ni Boy kay John Lloyd:

Marami ang nagsasabi that you're one of the brilliant actors of your generation. Your reaction?

"Marami pa akong dapat matutunan.

"Maaaring opinion yun ng mga ibang tao, pero parang mahirap. Mahirap i-feel.

"Hindi ako mako-convince, Kuya Boy.

"Marami riyan. Maaaring hindi pa lang nabibigyan ng pagkakataon, or hindi pa lang nakikita.

"Pero salamat po, salamat."

I-list mo nga in terms of kaguwapuhan: John Lloyd Cruz, Luis Manzano, Vhong Navarro, at Coco Martin? Sino ang pinakaguwapo?

"Bale ano 'yan, e, John Lloyd. Tapos, yung No. 2, John Lloyd pa rin yun.

"Pero ako, ang talagang pinaka-guwapo, Vhong Navarro.

"Kung alam n'yo lang, iba ang Vhong Navarro!" natatawang sabi ng aktor.

At any point in your life, ikaw ba ay nakatanggap na ng indecent proposal?

"Wala pa, wala pa, Kuya Boy.

"Pero open naman po ako. Parang nag-e-expect lang ako!

"Wala pa po, pero puwedeng pag-usapan!" tawa niyang muli.

JOHN LLOYD-SARAH MOVIE. Sa recent interview with Sarah Geronimo, parang lumambot daw ang stand nito na, yes, there's a possibility of doing a movie with him (John Lloyd) again in the future.

Kung ikaw ang tatanungin, are you willing to do a film with Sarah?

"Wala naman akong nakikitang imposible," sagot ni John Lloyd.

"Wala naman akong nakikitang bakit hindi puwede.

"Noon nga, parang, bakit may nagsasara ng pintuan sa posibilidad na magkaroon ng pelikula kami?

"Hanggang sa, yun nga, nag-express siya na parang ayaw na muna niyang gumawa. Ni-respect naman natin yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon nga, kung magkakaroon ng posibilidad, sa akin, hindi naman nawala yun, e.

"I mean, kapag sinabi ng Star Cinema at na-convince ako sa material na ibinibigay nila, walang problema."

Nandiyan ang Diyos, kung sabihin niya, 'John Lloyd, one wish will come true.' Ano yun?

"Naisip ko, gusto ko lang... Well, inikot ko ang buong mundo. Pero para sa isang tao, gusto kong talikuran ang buong mundo, at gusto ko lang ibigay yun sa nanay ko.

"Kung anuman yung hinahangad at gusto ng puso ng nanay ko, yun na lang ang tuparin," saad niya.

Pag-ibig o karera?

"Ngayon kasi, I'm 27. I'm supposed to be doing what I'm doing now.

"Ito yung tamang panahon, tamang taon para mag-ipon, mag-invest, magtrabaho para sa future, ready ka.

"So, in other words, trabaho muna."

You're 27, are you ready to get married?

"Puwede na akong mag-asawa, pero ayoko pa," sagot ni John Lloyd.

Ipaliwanag mo...

"Ayoko muna because ang dami ko pang puwedeng ibigay.

"Yung potential ko bilang isang tao. Bilang miyembro ng industriyang ito.

"Gusto ko pang i-maximize. Gusto ko pang isagad.

"So, yun muna, ipon muna tayo. Siguraduhin mo ang mga investments mo, tama.

"Ideally, Tito Boy, between 33 to 35," banggit ni John Lloyd sa edad kung kailan siya magpapakasal.

Ang girlfriend ngayon ni John Lloyd ay ang young actress na si Shaina Magdayao.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN