Ejay Falcon feels lucky to star with Comedy King Dolphy in his first movie

"Si Tito Dolphy, hindi mo ma-expect na sa edad niyang ganyan, ganoon pa rin siyang mag-isip. Yung mga moves niya, mga Dolphy moves niya, hindi mo mae-expect na kaya niya pala yun sa edad niyang 'yan. Pero yun, mahina lang siguro ang katawan niya, pero ang utak niya po, sobra," says Ejay Falcon about Comedy King Dolphy.


First movie ng Pinoy Big Brother Teen Edition Season 2 winner na si Ejay Falcon ang comedy film na Father Jejemon, entry sa Metro Manila Film Festival this year.

Memorable kay Ejay ang kanyang first movie dahil never daw niyang in-expect na makakasama at makakatrabaho niya ang Comedy King na si Dolphy.

"Si Tito Dolphy, hindi mo ma-expect na sa edad niyang ganyan, ganoon pa rin siyang mag-isip.

"Yung mga moves niya, mga Dolphy moves niya, hindi mo mae-expect na kaya niya pala yun sa edad niyang 'yan.

"Pero yun, mahina lang siguro ang katawan niya, pero ang utak niya po, sobra!

"Ako na po ang magsasabi, napakagaling niya po, napakahusay niya pong talaga," sabi ng Star Magic talent tungkol sa 82-year-old Comedy King.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ejay sa presscon ng Father Jejemon sa Imperial Palace Suites kagabi, November 6.

Tinanong din ng si Ejay kung ano ang mga natutunan niya mula sa Hari ng Komedya.

"Yung i-explore mo lang. Huwag kang mahiya. Kahit pumangit ka.

"Kahit na anuman ang maging hitsura mo, huwag kang mahiya. Ipakita mo lang," sabi niya.


(CLICK HERE to visit PEP's microsite about the 36th Metro Manila Film Fest)

QUEENIE PADILLA. Patuloy namang nali-link si Ejay sa panganay na anak ni Robin Padilla na si Queenie. Pero itinanggi ng 20-year-old actor na more than friends na sila ng ka-love team.

"Magkaibigan po kami," sabi niya.

"Magkaibigan lang po. Wala pa pong ligawan.

"Sinasabi ko nga po, siguro hindi pa ito ang right time. Hindi pa ito.

"Kasi, di ba, ngayon pa lang siya nag-uumpisa sa career niya? At ako rin naman po, ang dami pa naming...

"Ang hirap din po kasi kapag magka-love team, tapos umabot sa ganyan, di ba?

"Nandiyan ang selosan, inggitan kapag na-partner ka sa iba.

"Basta wala pong ligawan. Nandito lang kami sa isa't isa bilang magkaibigan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi kaya natatakot lang siya dahil si Robin Padilla ang ama ni Queenie?

"Alam n'yo, sa totoo lang, si Robin, sobrang bait po niya sa akin," sabi ni Ejay.

"Tinutulungan pa nga po niya ako sa pagiging actor.

"Noong nagkasama kami sa India, tinutulungan niya pa ako.

"Hindi naman ako natatakot.

"Kasi kung ako, alam naman niyang wala naman akong gagawing masama sa anak niya kung manliligaw man ako.

"Yun nga lang po, sa sarili ko lang po talaga yun na huwag na munang manligaw."

May ginawang pelikula si Ejay sa India, kasama sina Robin, Queenie, at Mariel Rodriguez.

Pero dito sa Father Jejemon ay si Maja Salvador ang kapareha ni Ejay.

CHRISTMAS GIFTS. Ngayong Pasko, lahat daw ng malalapit kay Ejay ay pipilitin niyang mabigyan ng regalo.

"Lahat po, parents ko, mga kapatid ko, kaibigan namin na naiwan ko sa probinsiya!" sambit niya.

"At saka, kung anuman ang meron ako ngayon sa endorsements ko, binibigyan ko sila.

"Yun ang mga pasalubong ko sa kanila. Lahat sila meron."

Dumoble ba ang bilang ng mga inaanak niya nang maging artista na siya?

"Hindi nga po ako nakaka-attend ng binyag. Basta tine-text na lang ako, 'O, Ejay, ninong ka nito.'

"Kasi, hindi ako nakakapunta kasi, may trabaho po ako," sabi niya.

NUDE PHOTO. Tinanong din namin si Ejay tungkol sa lumabas na nude photo diumano niya na kumalat sa cell phones at Internet. Pero itinanggi niya na siya ang nasa larawan na 'yon. (CLICK HERE to read related story.)

"Ipinakita naman po sa The Buzz, yun na, maliwanag na yun.

"Paglabas ko ng PBB, lumabas yun.

"Parang ngayon lang ulit naulit dahil siguro may show ako. Basta bigla na lang lumabas ulit.

"Nasagot ko naman po sa The Buzz at na-explain naman po ng mga tao doon at mga tagasuri na hindi talaga ako," saad ng binata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naapektuhan ba siya sa isyung yun?

"Hindi po," sagot ni Ejay.

"Unang-una, hindi po ako yun.

"Yung boxer [brief], unang-una, hindi po sa akin yun, kasi wala akong ganoon.

"May tattoo po ang lalaki, e, ako, wala naman po akong tattoo."

Confident din daw si Ejay na walang nude photo niya na puwedeng mag-circulate.

"Wala po. Kasi, hinding-hindi ko po gagawin yun," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN