Casting coup: ABS-CBN stars Piolo Pascual and KC Concepcion join forces with GMA-7's Dingdong Dantes and Marian Rivera for an endorsement deal

GMA-7 stars Dingdong Dantes and Marian Rivera and ABS-CBN stars Piolo Pascual and KC Concepcion were launched yesterday, December 7, as the newest endorsers of a beverage product.


Nagsama-sama sa isang pambihirang pagkakataon ang dalawa sa pinakapatok na tambalan sa bansa—sina Piolo Pascual at KC Concepcion ng ABS-CBN at sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ng GMA-7.

Ito ay naganap kahapon, December 7, sa White Space, Makati City, kung saan ipinakilala ang apat bilang ambassadors ng bottled iced tea brand na Real Leaf.

Bukod sa mga naimbitahang mga miyembro ng media, mismong ang apat na celebrities ay natutuwa sa pagsasama-sama nila sa isang proyekto.

Ayon kay Dingdong, "Sobrang masaya and excited, kasi I'm lined up with the country's most talented, well-loved artists."

Si Marian naman ay natuwa dahil sa unang pagkakataon ay nakilala niya nang personal si KC.

"Ang saya at sobrang excited kami na for the first time, pinagsama kami nina KC at Piolo. Parang ang saya lang na nagsama-sama kami," nakangiting sabi ng Kapuso star.

Dagdag pa ni Marian, "Si Piolo, nakatrabaho ko na before. Pero si KC, kanina lang kami nagtsitsikahan. Ang kikay niya, ang sarap niyang kausap."

Ang tinutukoy ni Marian ay ang pagsasama nila ni Piolo bilang endorsers ng isang spa.

Sina Piolo at Dingdong naman ay nagkasama na rin sa isang promo para sa isang beauty product.

Para naman kay KC, bago para sa kanya ang latest endorsement niyang ito.

Paliwanag niya, "Ito ang kauna-unahang... Una, in-endorse ko na may kasamang iba in the last 10 years of my being an endorser.

"Number two, unang-unang beses ko rin na mag-endorse ng beverage kasi palaging beauty products.

"So, it's like really a fresh start for me."

Si Piolo naman ay natutuwa dahil isang pagkakataon ito na muling makatrabaho ang dating leading lady niya sa Lovers in Paris na si KC.

"We're both excited," sambit ng matinee idol. "We always wait for something to work together. So, when it came, we're happy."

Nabanggit din ni Dingdong na mainam ang mga proyektong tulad nito dahil nagkakasama-sama ang mga artista ng magkaibang TV networks.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa niya, "Masaya 'yong may nangyaring bagay na ganito, na nagkakaroon ng unity."

PIOLO AND KC, WHAT'S THE REAL SCORE? Bukod sa kanilang pagsasama bilang endorser, natanong din ang apat na artista tungkol sa ilang isyu.

Unang nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sina Piolo at KC, na laging laman ng mga balita tungkol sa umano'y relasyon nila.

Kaya naman ito agad ang tinanong ng entertainment press sa kanila: "What's the real score?"

"We keep it real," sagot ni KC sabay tingin sa tarpaulin ng ini-endorse nilang produkto.

"That's right!" pagsang-ayon naman ni Piolo.

Nang tanungin kung gaano ka-"real" ang tinutukoy nila, pabirong sumagot si KC ng: "Like Real Leaf Green Tea."

Palihis naman itong sinagot ni Piolo.

Tulad ng mga nakaraang interbyu sa kanya, tila gustong panatilihin ng singer-actor na pribado ang isyung ito.

Aniya, "I guess we're just happy that... Of course, the things that we had to do together in showbiz, which was Lovers...

"But more than anything, we chose to preserve and protect the relationship more than anything because showbiz is so public.

"Actually, it was a mutual effort that we both decided to just, you know... Because it's more important more than anything else, the relationship that we have."

Aminado ang dalawa na itinuturing nilang blessing para sa kanila ang isa't isa.

Ayon kay Piolo, "It's a blessing. It's a blessing more than suwerte. It's a blessing to me.

"I guess, napaka-natural na hindi mo hihingin. It's nice to be with somebody na just flows, I guess."

Halos ganito rin ang nasabi ni KC.

"Work is really, really important to us so, it's a blessing that we work together, that we were able to meet through ABS-CBN, and really see each other minsan sa studio," aniya.

Halos mag-iisang taon na rin magmula nang huli silang nagkasama sa Pinoy adaptation ng Koreanovela na Lovers in Paris. Hindi na ba masusundan ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Depende sa kanya 'yon," tugon ni Piolo habang nakatingin kay KC.

"But Kristina, she loves to do a lot of things.

"She's a host and she works hard and she's naturally gifted when it comes to dealing with kids. She's very personable, e.

"And 'yong acting naman sa kanya is very natural din.

"I guess, proper scheduling lang and time management.

"Of course, I'm really happy to get to do a project together."

Para naman kay KC, "Siguro time will tell na rin.

"Pero let's be happy with this blessing na rin.

"Siyempre, you know, it's not every day na nakakakuha kayo ng commercial na magkasama."

Habang wala pang tiyak na plano para sa susunod na proyekto nilang dalawa, matutuloy naman kaya ang napabalitang pelikula na gagawin ni Piolo kasama si Marian?

"There's nothing official about that yet," sagot ni Piolo. "Wala pa kaming confirmation.

"I guess it's not happening soon because Marian is busy with her soaps and films.

"Same with mine, I'm doing a soap and a movie. So, wala pa kasiguraduhan sa pangyayari."

DINGDONG OKAYS POSSIBLE MARIAN-PIOLO TEAM-UP. Kung si Dingdong naman ang tatanungin, papayag siya sa posibleng pagtatambal nina Marian at Piolo.

Sa hiwalay na panayam kina Dingdong at Marian, sinabi ng aktor na, "Wala naman akong nakikitang problema doon."

Dagdag pa niya, "Feeling ko nga nangyari na dito. Tapos ngayon, may dagdag pang dalawa.

"Well, alam ko ang possibility ng mga gano'ng mga bagay.

"Siyempre, nasa kanila na 'yon and I don't see any problem with that."

Subalit tulad ng pahayag ni Piolo, wala pa raw itong kasiguraduhan.

Sabi pa ni Marian, "Ang una kasi na gagawin ko after ng Super Inday, e, Temptation Island. Parang ang hirap yata pagsabayin.

"Tapos, mayroon pa akong soap na Amaya. Dahil sobrang hirap din niya, so doon muna ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gayunpaman, sabi ni Marian, hindi niya tatanggihan kung sakaling matuloy ang pelikula ni Piolo dahil "nag-work na rin naman kami before."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN