Dingdong Dantes on his Asian Television Awards nomination: "Manalo-matalo, proud ako sa nagawa ko."

"Win or lose, may respeto ako at nire-recognize ko yung nominasyon na ginawa nila sa akin. And it's also a privilege na maimbitahan sa mga rare occasion like that. Parang I want to take pride in this opportunity dahil minsan ko lang din i-represent ang ating bansa," says Dingdong Dantes about attending the 15th Asian Television Awards.


Bukas, December 9, gaganapin ang awards night ng 15th Asian Television Awards (ATA) sa Pan Pacific Hotel sa Singapore.

Dadalo rito si Dingdong Dantes, na isa sa mga nominado sa kategoryang Best Drama Actor para sa kanyang pagganap sa GMA-7 primetime series na Stairway to Heaven.

Ang isa pang Pinoy na nominado ay si Michael V, bilang Best Comedy Actor para sa Pepito Manaloto ng GMA-7. Samantala, apat pang programa ng Kapuso network ang nominado sa iba't ibang kategorya.

Kung walang magiging aberya, bukas ng umaga ang lipad ni Dingdong at ng kanyang manager na si Perry Lansigan papuntang Singapore.

Ayon kay Dingdong, ang kanyang pagdalo sa awards night ng ATA ay bilang respeto sa pagkilalang ginawa sa kanya.

"Win or lose, may respeto ako at nire-recognize ko yung nominasyon na ginawa nila sa akin. And it's also a privilege na maimbitahan sa mga rare occasion like that.

"Parang I want to take pride in this opportunity dahil minsan ko lang din i-represent ang ating bansa.

"Manalo-matalo, proud ako sa nagawa ko. Mas malaking bonus lang talaga na manalo," saad niya nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Christmas party ng PPL Entertainment para sa press last week.

VALIDATION AS AN ACTOR. Ito ang ikalawang pagkilala na natanggap ni Dingdong para sa pagganap niya sa Stairway to Heaven. Last month ay itinanghal din siyang Best Drama Actor sa Star Awards for TV.

"At least, parang papaano, na-validate yung hard work," sabi ni Dingdong.

"Na-validate din yung recognition dito sa bansa. Umabot siya ro'n sa Asia.

"Mas nakaka-inspire siya dahil siyempre, may opportunity na tayo na patunayan ang galing ng Filipino, lalo na sa larangan ng arts."

Noon, ang madalas na ipinipintas kay Dingdong ay kesyo wala pa siyang napapatunayan pagdating sa pag-arte dahil wala pa siyang acting award.

Ngayong nakatanggap na siya ng award at kinikilala na rin ang husay niya sa Asya, masasabi ba ng aktor na kumpleto na siya at ito na ang sagot sa mga batikos sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi, hindi...walang ibig sabihin yun," sabi niya.

"Nagkataon na para siguro sa akin yun, at talagang pinagtrabahuhan ko naman nang mabuti ang show na yun.

"So, okay lang, okay lang."

WITHOUT HIS LUCKY CHARM. Hindi makakasama ni Dingdong sa Singapore ang kasintahan niyang si Marian Rivera—na itinuturing pa naman niyang "lucky charm"—dahil sa conflict of schedules.

Ayon sa award-winning actor, "Ako kasi, naniniwala ako na kanya-kanya kami. Lucky charm namin ang isa't isa.

"So, siya naman, may ginagawa siyang promo ng Super Inday.

"Pero ang pagkakaalam ko, e, hindi siya available ng mga araw na yun dahil may prior commitment siya.

"At saka siyempre, kung sakali man, gusto ko rin naman na ma-attend-an niya yung pag-promote ng Super Inday.

"It is equally important, 'etong nomination na ito at yun para sa kanya."

Masasabing blessed si Dingdong sa halos lahat na yata ng aspeto ng buhay niya—mapa-personal o mapa-professional. Pero ano sa palagay niya ang dahilan kung bakit tuluy-tuloy ang pagdating ng blessings sa kanya?

"Hindi lang siya panata, pero siguro, more than that is appreciating the relationship.

"And siyempre, habang tumatanda naman tayo, mas dumarami nang dumarami ang kaibigan natin.

"Ibig sabihin, we're doing something right.

"Nararapat lang talaga na kapag lumalaki ang grupo, mas dumarami ang kaibigan.

"Siyempre, what a perfect way to celebrate it but through a party, di ba? It's Christmas time.

"So, ang sarap ng pakiramdam na malaman mo na itong mga kaibigan mo ay nandiyan. At malaman din nila na ako, bilang kaibigan nila ay nandito sa kanila."

Ang tinutukoy ni Dingdong ay ang idinaos na Christmas party ng PPL para sa entertainment press.

FAITHFUL. Kahit ilang beses nang ipinahayag nina Dingdong at Marian ang pagmamahal nila para sa isa't isa, patuloy pa ring binabato ng intriga ang relasyon nila.

Isa na nga rito ang sabi-sabi na kesyo may iba raw girlfriend si Dingdong—may mestiza at may businesswoman daw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang masasabi niya rito?

Natawa muna si Dingdong bago sumagot.

Aniya, "Alam n'yo, maaaring may iba-iba pa sigurong mag-arise na description.

"Pero, isa lang ang masasabi ko: isa lang talaga ang para sa akin at si Marian yun."

Faithful ba talaga siya?

"Ako naman, ever since, ganoon ako," sagot ng Kapuso actor.

"Wala akong itinatago. Transparent ako sa kanya."

Ang nagiging reaction ni Marian kapag nali-link siya sa iba't ibang babae?

"Well, siyempre, kahit ako nagtataka kung paano nangyayari yun.

"Siya, tinatanong din siya and, I know, medyo uneasy rin sa kanya ang feeling dahil siyempre naman, tatanungin ka about something na hindi naman maganda, di ba?

"So, medyo hinahabaan din niya ang pasensiya niya.

"Pero siyempre, ang maganda riyan, matibay ang tiwala namin sa isa't isa. So, sa akin pa rin siya naniniwala."

THE DATE. Natawa naman si Dingdong nang biglaan namin siyang tinanong kung officially ay two years na sila ni Marian?

"'Yan ang isang hindi ko sasagutin. Consistent ako diyan!" sabi niya.

"Alam n'yo ba na kahit nanay ko, hindi alam 'yan? Walang nakakaalam ng petsa na yun."

Pero siguro naman sila ni Marian ay alam kung kailan naging sila?

"Yes, kaming dalawa lang."

Nagsi-celebrate sila yearly?

"Monthly siyempre," nakangiting sabi ni Dingdong.

Ngayong Pasko, may balitang may planong bumiyahe sina Dingdong at Marian, at kinumpirma naman ito ng aktor bagamat wala pa silang eksaktong plano.

"Well, wala pa. Last year, we were in Boracay.

"This year, hindi pa sigurado. But definitely, we wanna go somewhere far."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN