Rachelle Ann Go admits dating John Prats for two months now

"We are getting to know each other more. Ngayon, mas marami na akong alam sa kanya. And he knows me na rin somehow," says Rachelle Ann Go about John Prats.


Nakiagaw ng eksena sa ginanap na album launch ni Mark Bautista sa Teatrino Greenhills last Monday, December 6, ang nababalitang magkarelasyon na sina Rachelle Ann Go at John Prats.

Sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal), kinumpirma ni Rachelle na "exclusively dating" sila ni John.

Natatawa lang siya dahil tuwing may bago siyang dine-date ay nagiging big deal ito sa media.

Para kay Rachelle, normal lang sa kahit sino ang makipag-date, lalo na kung pareho namang single and available ang dalawang tao.

"Nakakagulat lang kasi na every time I'm going out with somebody, nagiging news siya," sabi ng Party Pilipinas mainstay.

"It's not like I want people to follow who I've been dating, di ba?

"Pero nakakatuwa naman, kasi feeling ko, interested sila kung sino ang bago.

"Gusto nila na updated sila sa kung sino ang nakikipag-date sa akin."

THE BOYS. Dati nang na-link si Rachelle kina Mark Bautista, Erik Santos, Jed Madela, at sa ex-boyfriend niyang Christian Bautista.

Tatlong beses nang naging heartbroken si Rachelle. Una, kay Christian noong 2007, kay Gab Valenciano noong 2009, at kay Kean Cipriano this year.

Si John naman ay na-link na kina Heart Evangelista at Maja Salvador. Nitong taon naman ay nag-break sila ni Shaina Magdayao.

Pero marami ang nakakapansin na tuwing Pasko ay may bagong nali-link kay Rachelle. Ano ang masasabi ng singer dito?

"Pakiramdam ko tuloy, na every Christmas, nagpapalit ako ng partner! In fairness, napapansin ko rin 'yon!" tawa niya.

"Nagkakataon lang siguro na tuwing sasapit ang 'ber' months ay may dumarating na bagong tao sa buhay natin.

"Pinagpapasalamat ko kay Lord 'yon kasi nagkakaroon ako ng inspiration."

Inamin ni Rachelle na two months na silang nagde-date ni John. Pero bago naman daw dumating si John sa buhay niya ay matagal din siyang hindi nakipag-date after Gab at Kean.

"Kilala n'yo naman ako, hindi ako basta yung makikipag-date, di ba?" sabi ni Rachelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I give myself space muna from dating at trabaho ang nagiging focus ko.

"Like noong mag-break kami ni Christian, it took me a year bago ko nakilala si Gab.

"May tamang panahon to move on, di ba? If you feel na it's time to date again, then gawin mo.

"Pagkatapos naman ng mga nangyari, it makes you a stronger person.

"Mabait si Lord sa akin at nabibigyan niya ako ng strength. My life goes on parati."

FINDING JOHN. Ayon kay Rachelle, limang taon na niyang kakilala si John dahil nagkakasama sila noon sa ASAP ng ABS-CBN.

Ngayon at kahit nasa Party Pilipinas siya, sinusundo siya ni John sa labas ng studio ng GMA-7 kapag lalabas sila.

"Kami naman ni John, we have common friends noon pa," sabi ni Rachelle.

"We are getting to know each other more. Ngayon, mas marami na akong alam sa kanya. And he knows me na rin somehow.

"I've always known him na mabait and laging naka-smile.

"Every time na magkikita kami niyan noon, very sweet na siya.

"Nakilala na niya ang family ko and I've met his family din. Kaya masaya ang lahat ngayong Christmas," ngiti niya.

TOGETHER THIS CHRISTMAS. Ngayong Pasko ay baka magkasama ang mga pamilya nila Rachelle at John. Magkakalapit lang kasi ang mga tirahan nila.

Si John ay taga-Cainta at si Rachelle ay taga-Pasig. Pag-uusapan nga raw nila kung ano ang magiging schedule nila sa Christmas.

Ayon kay Rachelle, "Depende 'yon sa schedules namin ni John.

"Kung may pagkakataon na mag-meet up kami with our families on Christmas, then it will be okay.

"Ang importante ay happy ang family namin ngayong Pasko."

Dahil kilala na niya si John, alam na niya ang puwedeng iregalo dito sa Pasko.

"May alam na akong gusto niya. Pero secret muna para hindi ma-spoil ang regalo ko sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa mga na-gather kong information about what he likes, sure ako na magugustuhan niya ang magiging Christmas gift ko sa kanya."

Alam na rin kaya ni John kung ano ang gusto niya sa Pasko?

"Hindi naman ako mapaghingi or mapaghanap ng regalo, e.

"Basta he stays the sweet guy that he is, magandang regalo na 'yon para sa akin," saad ni Rachelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN