PEP EXCLUSIVE Maggie Wilson to pre-wedding video critics: "If they can't take the heat, then don't watch it!"

"Yeah, actually, that's what he wanted. That's what he really, really wanted. So, that's his original concept, anyway. At saka, you know, we wanted to do something different," says beauty queen turned actress Maggie Wilson to PEP (Philippine Entertainment Portal) in a phone conversation concerning her controversial pre-wedding video with fiancé Victor Consunji. (


Lumikha ng ingay ang inilabas na pre-wedding video ng beauty queen-actress na si Maggie Wilson kasama ang kanyang fiancé na si Victor Consunji, isang construction magnate.

Lumabas dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang buong video noong December 2, 2010. Pagka-upload ng video ay agad itong umani ng iba't ibang reaksiyon sa PEPsters. (CLICK HERE to see full video.)

Hindi nagtagal ay kumalat na rin ang video at nanguna pa nga sa listahan ng trending topics sa iba't ibang websites.

Pasado sa panlasa ng ilang modernong manonood ang nilalaman ng video. Mala-action, romance, at drama ang overall concept nito na kakaiba sa mga karaniwang nakikita natin sa mga video o larawan ng mga soon-to-be married couples.

Subalit madami rin ang umalma, partikular ang mga konserbatibong viewers na nabigla sa kanilang nakita.

Masyado raw sexy ang tema considering na pre-wedding video ito at wala pang basbas ng simbahan ang pagsasama ng magkasintahan.

Sa December 18, 2010 nakatakdang ikasal sina Maggie at Victor sa Misibis Bay Resort sa Legazpi, Albay.

MAGGIE'S REACTION. Kaninang hapon, December 8, ay nakausap ni Rommel Llanes ng PEP si Maggie sa pamamagitan ng telepono upang hingan ng pahayag tungkol sa naging reaksiyon ng publiko sa kanilang pre-wedding video nila ni Victor.

"Well, I've seen that out of the 100 percent, 95 percent of it are good comments, on Vimeo [video file sharing site], on different websites as well. Five percent lang naman yung ano, e.

"Kanya-kanyang taste lang 'yan. I mean, everyone's entitled to their own opinion and you can't please everybody.

"At the end of the day, it's my video, it's not theirs.

"So if they can't take the heat, then don't watch it!" prangkang pahayag ng Bb. Pilipinas-World 2007.

Sino ba ang nakaisip na ganun ang maging konsepto ng kanilang video?

"Actually, yung video na 'yan is a birthday gift sa amin ni Xeng Zulueta. She's one of my good friends, she's a makeup artist...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"She got Jason Magbanua to do our prenuptial video for us. Ang nag-conceptualize is basically Jason and Xeng.

"But yung fiancé ko talaga mismo yung may gusto ng ganyang concept," sagot ni Maggie.

Masaya naman daw silang magkasintahan sa kinalabasan ng final edit at nakuha raw nito ang nais nilang iparating sa mga taong makakapanood nito.

"We wanted to revolutionize wedding videos," sabi ng 21-year-old actress.

"Kasi halos lahat ng wedding videos, puro pa-cute, puro pa-sweet, and we wanted to do something different. Yung nakakaintriga talaga.

"And then, the original reaction that we wanted to get from the people is we want to make them feel uncomfortable."

May pahabol na mensahe si Maggie kaugnay pa rin sa controversial pre-wedding video nila ng negosyanteng boyfriend.

"Also with regards to the video, parang people are reacting so much about it pa rin.

"Actually, both of our parents have seen it na and they actually liked the video, they loved the video.

"Honestly, the only thing that matters is yung my friends, my family.

"Basta they liked the video, then that's all that matters, and everyone else who loved the video," saad niya.

STAR-STUDDED AFFAIR. Sa unang pakikipag-ugnayan ng PEP kay Maggie noong December 2 through Facebook—para hingan ito ng permiso na pahintulutan kami na i-reupload ang kanyang video—ay nagbigay ito ng mga detalye tungkol sa kanyang nalalapit na kasal.

"It's a fairly small wedding with only 180 guests. The event will be stretched out into three days—the rehearsal dinner, pre-wedding party, and the wedding ceremony, and reception after," kuwento ni Maggie.

"Performing for the wedding will be DJs Mars Miranda and Manolet Dario, as well as Sinosikat?. Our hosts will be Marc Nelson and Joey Mead.

"My wedding dress is made by Vera Wang, and my fiancé's suit and entourages' outfits were all made by Rajo Laurel!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Maggie, kasama sa guests ang mga kaibigan niya sa showbiz na sina Bianca King, Rovilson Fernandez, ex-Hale vocalist Champ Lui Pio, Ruffa Gutierrez, Raymond Gutierrez, Bubbles Paraiso, Miriam Quiambao, Brent Javier, Robin Da Roza, Lara Quigaman, Bianca Manalo, Karen Pamintuan, Sib Sibulo, at JM Rodriguez.

Kabilang naman sa sponsors nila ang bise-presidente ng bansa na si Jejomar Binay.

Halos puro beauty queens naman daw ang kasali sa entourage nila: Sandra Seifert (Miss Philippines Earth 2009), Danielle Castaño (Bb. Pilipinas World 2008), Abby Cruz (Bb. Pilipinas 2007 1st runner-up), Teresa Licaros (Bb. Pilipinas Universe 2007), Nadia Shami (Bb. Pilipinas International 2007), Anna Igpit (Bb. Pilipinas World 2006).

Kasama rin sa entourage ang VJ na si Kat Alano.

HONEYMOON AND BABY PLANS. Dahil matatapos na ang taon at pasok sa Christmas season ang wedding date ng dalawa, hindi na muna raw sila lalabas ng bansa para mag-honeymoon.

Kung matatuloy ang plano ay balak nila Maggie at Victor na tumulak around summertime next year sa France, Italy, at Spain para magbakasyon.

Gusto na rin daw ni Victor na magkaroon sila agad ng anak. Willing naman si Maggie na pagbigyan ang kagustuhan ng kanyang magiging asawa kahit pa sabihing maganda ang takbo ng kanyang showbiz career.

"Ang gusto lang namin dalawa—isang boy at isang girl. Pero puwede ring tatlo!" natatawang pahayag ni Maggie.

Kasalukuyang napapanood si Maggie sa GMA-7 primetime series na Beauty Queen. So far, wala pa naman daw siyang susunod na television project.

"Kasi yun nga, I have to concentrate on the wedding. Buong family kasi namin uuwi, e. So, kailangan ko silang maasikaso while they're here."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN