Kris Aquino will do everything to make sure that Dalaw becomes a big hit

"Ang hirap talaga, sumakit talaga ang ulo ko! Pero you just have to be positive na people will have their bonuses, will have their money. It's something na, hopefully, yung mga nagtatrabaho at yung mga magpapamilya, will like it," says Kris Aquino about being a film producer.


Make or break bilang co-producer para kay Kris Aquino ang pelikulang Dalaw, entry ng Star Cinema, Cine Media, at MJM Productions sa 2010 Metro Manila Film Festival

Isa kasi siya sa producers nito along with Deo Endrinal—Kris's co-manager and ABS-CBN business unit head—kaya nakasalalay raw sa kikitain ng pelikula kung itutuloy pa niya ang pagpo-produce ng mga pelikula in the future.

"This is my first time co-producing," sabi ni Kris nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainement Portal) at ng iba pang media sa presscon ng Dalaw noong Martes, December 7, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

"Actually, nakakatawa, kasi my sister Viel, when I was telling them na, 'Don't give me gift. Ang gift n'yo sa akin ilibre n'yo yung buong village n'yo na manood ng Dalaw.'

"When I was telling her, to break even, ganito [dapat ang kitain], sabi niya, 'Wait a minute. You mean pinagod mo ang sarili mo na hindi ka natutulog nang maayos ng six straight weeks dahil sa shooting? Tapos naglabas ka pa ng pera at hindi ka binayaran?'

"Sabi ko, 'Yes.'

"Ang reaksiyon niya, 'My God, sino ang nagbuyo sa iyo to get into that?'

"Sabi ko, 'Si Deo.'

"Sabi niya, 'Sige, sige. Tutulungan ka namin.'

"Feeling nila, mas stressful pa ito kaysa sa kampanya.

"Kasi sabi nila, ako raw will never forgive them if I don't break even!" natatawang pag-amin ni Kris.

Bakit niya naisip pasukin ang pagpo-produce?

"Dahil kay Deo, inuto ako. Nagpauto naman ako!" biro ni Kris.

Pero happy naman ba siya sa experience niya as co-producer?

"Happy naman," sagot niya.

"Yun nga lang, sinabi nila ngayon na para hindi ako umuuwi ng cut-off [time] ko, dapat lahat daw ng projects ko co-producer ako.

"Sabi nila, hindi raw kasi ako nagko-complain kahit pahiga-higain, patakbuhin, patalunin, gagawin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang isa sa producers, naramdaman din daw ni Kris ang hirap ng paggawa ng pelikula, lalo na pagdating sa budget.

"Ang hirap talaga, sumakit talaga ang ulo ko!" bulalas niya.

"Sabi ko nga kay Deo, 'Ano ba itong pinasok natin?'

"Pero you just have to positive na people will have their bonuses, will have their money.

"It's something na, hopefully, yung mga nagtatrabaho at yung mga magpapamilya, will like it."

Sa tingin niya ba mauulit ang pagpo-produce niya?

"Huwag lang kaming malugi, yes, uulit ako," sagot ni Kris.

"Bimby [Baby James] told me, 'Mama, the next movie, I have to be the star.'

"Sabi ko, 'Bimby, kung ikaw na ang mag-i-star, mababaliw na yung nanay mo talaga!'

"Lahat ng sinehan bibilhin na talaga to make sure na kumita!" natatawang sabi ni Kris.

Bakit hindi niya isinama si Baby James sa Dalaw?

"Sabi niya nga sa akin, 'Why am I not there, Mama?'

"Sabi ko, 'Because you're very mahal.'"

POSITIVE THAT DALAW WILL BE A HIT. Bakit nagiging box-office hit ang pelikula niya pag horror, gaya ng Feng Shui at Sukob?

"Kasi, horror is a group experience," sagot ni Kris.

"It relies on word-of-mouth, so kailangan yung unang nakanood, magandahan, di ba?

"So, luckily naman na yung first two, marami talaga ang nagandahan and they wanted to watch it with their barkada and as a whole family.

"Kasi di ba, ang sarap tumili na sabay-sabay kayong tumitili?

"I think also na horror is meant to be viewed on the big screen. Kasi kailangang maramdaman mo yung Dolby Digital na dumadagundong.

"Tapos, yung mga effects na hindi mo maka-capture pag nasa video na or nasa TV. I think that's also why.

"Kumita ang Star Cinema noon, that's why malakas ang pag-asa ko na kikita itong Dalaw."

Ang makakalaban ni Kris sa horror genre sa MMFF ay ang Shake Rattle & Roll 12 ng Regal Films. May message ba siya para kay Mother Lily Monteverde na nagkataong close din sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Trilogy kasi yung sa kanila. And full-length feature yung akin.

"Although I know na ang taas ng batting average ng Shake, I know talaga na as far as box-office supremacy is concerned, it's Vic [Sotto], Bong [Revilla], Ai-Ai [delas Alas] na makakalaban ko.

"So, I wish everybody the best. Dapat naman lahat kami kumita talaga.

"Si Papa Albert [Martinez, director ng Rosario], is such a dear friend. I know he gave his heart and soul to Rosario and nag-shooting pa siya sa Luisita [hacienda ng mga Cojuangcos]. He asked me for that before and I helped him.

"Everybody...Marian [Rivera, bida sa Super Inday] is a dear friend of mine also. So, lahat kami talaga sana pagpalain."

Sa isang interview ni Jennylyn Mercado, bida ng Rosario, sinabi nito na nahihiya raw siya na makatapat si Kris sa Best Actress category. Ano ang masasabi ni Kris dito?

"Okay na sa akin na siya ang manalo, basta maka-P150 million ako!" sabay tawa ni Kris.

"Feng Shui was in the P140 million range, and nasa P210 million range ang Sukob.

"Sana nandun ang Dalaw sa P150 to P170 range."

SHOWTIME GUEST JUDGE. Super effort nga raw si Kris sa pagpo-promote ng Dalaw para siguradong kumita ito. At isa sa naisip niyang mga paraan ay ang pagpayag na maging guest judge sa Showtime.

"Kinakarir ko talaga ang promo ng movie ko," sambit niya.

"Actually, magiging judge po ako, isa po ako sa hurado ng Showtime.

"At si Vice Ganda, pinaghahandaan dahil araw-araw may sample ako. Hindi n'yo kakayanin!

"Exciting talaga yung sample ko. May kanta, may sayaw, may magic, at may duet.

"Abangan n'yo yan sa December 20 to 24.

"I told you lahat ibibigay ko for Dalaw. Eto na, this is it!" announcement ni Kris.

Hindi na rin napigilan ni Kris ang sarili na ibuko kung sinu-sino ang makakasama niya sa kanyang sample sa Showtime.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sige na, sabihin ko na sa inyo para at least alam n'yo na. Eto yung maaabangan ninyo.

"Lahat ng mga nakasama ko sa Pilipinas Got Talent, pinakiusapan ko.

"May kanta ako ng 'It Must Have Been Love,' kakantahin ko with Ezra Band. Ang lakas ng loob, di ba?

"Tapos, meron akong comedy routine with Ruther and Tintoy. May magic kami ni Alakim.

"Tapos, si Bimby nga, sasayaw ng Michael Jackson at may duet kami ni Diet [Diether Ocampo, leading man niya sa Dalaw] ng 'Save The Best For Last.'

"Hindi n'yo kinaya, 'no? Ang lakas ng loob ko!" tawa niya.

NOT WITH JAMES ON CHRISTMAS. Naisulat na nga na unti-unti na silang nagkakaayos ng mister niyang si James Yap. At napapayag niya pa ito na maging double ni Diether sa isang eksena nila sa Dalaw na kailangang i-reshoot. (CLICK HERE to read related story.)

Dahil ba dito sa tingin ni Kris ay matatapos ang 2010 na magaan para sa kanya?

"Sana magaan nga para sa akin, para kay James, para sa anak namin.

"Siguro kasi we have a three-year-old na at least for the next 15 years of his life, we'll be co-parents.

"So, kailangan talagang maging maganda ang samahan namin."

Bagama't nagiging okay na sila ni James, hindi raw ibig sabihin nito na magkasama na silang magse-celebrate ng Pasko.

"No, we will not be together," sambit ni Kris.

"On the 24th kasi, it's always with my family.

"So, this time around, I asked my Ate [Ballsy], so it's Noy who's hosting it.

"And then, I'll come straight from the parade [of MMFF entries], then we'll have mass.

"That's what we always did when mom [Cory Aquino] was alive.

"Tapos, we'll have a small dinner. Normally by ten o'clock, naghihiwa-hiwalay na kami e.

"Tapos ang 25th na lunch, doon sa side ng mom ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sinabi ko kay James na kung may laro siya on the 25th, Bimby can of course watch."

Hindi niya rin daw in-invite si James sa premiere night ng Dalaw.

"No, it's very awkward kasi ang dami naming halikan ni Diet.

"Parang ang awkward naman na nandun siya at nanonood," paliwanag ni Kris.

Pero hindi naman daw dapat umangal si James sa kissing scenes niya.

"Kasi he knows na naglabas kami ni Deo ng pera. So, alam niya what's at stake.

"Para rin ito sa anak namin.

"Also I told him na, 'Tutal nag-MVP ka, tulungan mo naman ako na mag-Top 3.'"

Masasabi niya bang malamig ang Pasko para sa kanya?

"Oo naman, pero kasi, parang ipagmamalaki mo pa ba yun?

"In the same way naman na kung mainit na ang Pasko ko, wala naman din ako sa posisyon na ipagmalaki ko yun, di ba?

"So, manahimik na lang ako," sabi ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN