Carla Abellana clarifies that issue with her dad has nothing to do with boyfriend Geoff Eigenmann

"Kung anuman ang isyu ngayon na lumalabas about my dad and I, walang kinalaman yun sa relationship namin," says Carla Abellana, referring to her relationship with boyfriend Geoff Eigenmann and her issue with her father, Rey "PJ" Abellana.


More than two months nang mag-on sina Carla Abellana at Geoff Eigenmann. At dahil medyo bago pa ang kanilang relasyon, aminado ang young actress na nasa adjustment period pa rin sila.

"Iba, iba kasi kapag committed na kayo sa isa't isa.

"Sabi ko nga, kahit magkakilala na kami ng matagal na, may ibang klaseng adjustment pa rin.

"Kasi, iba na yung turing namin sa isa't isa. Hindi na kami magkaibigan lang.

"So, iba na yung adjustment, iba na ang pinagdadaanan.

"Siyempre, mas mahirap na, mas complicated na," sabi ni Carla sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Christmas party ng PPL Entertainment para sa press noong December 1.

SEPARATE PROJECTS. Talaga bang tinapat niyang sagutin si Geoff kung kailan wala na silang project na pinagsasamahan?

"Hindi naman," nakangiting sagot ni Carla.

"Nangyari naman ang pagkahiwalay namin sa trabaho even before we got together, di ba, officially?

"So, hindi naman namin sinabay yun doon."

Mas nakitaan ba niya ng consistency si Geoff nang magkaroon sila ng magkahiwalay na project?

"Mas naging consistent pa siya. Mas nakita ko ang effort.

"Kasi, sinasabi niya noong bago kami matapos ng Basahang Ginto, na kahit magkahiwalay na kami sa trabaho, sa next project niya, iba na.

"Yung effort niya, dodoblehin pa niya para lang ma-maintain ang communication.

"So, consistent, same pa rin naman," nakangiting sabi ni Carla.

May mga na-discover pa ba sila sa isa't isa noong naging sila na?

"Marami pa, marami pa," sambit niya.

"Kasi, iba yung kapag nakita mo na boyfriend na.

"So, may iba siyang mga pananaw sa relationship.

"Sa mga pananaw ko sa relationship, kakaiba kami.

"So, yun, iba-ibang ideas lang, iba-ibang perspective. So, kailangan lang na magkatugma.

"Kailangang magkapareho para pareho kami on the same stage."

Yung selosan na sinasabing normal na parte ng isang relationship, meron din ba sila no'n?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako? Wala, wala naman," sabi ni Carla.

"Kasi, wala namang dahilan at wala naman siyang ipinapakitang dahilan para magselos."

SAME AS ANY OTHER RELATIONSHIP. Hindi ba siya natatakot sa sinasabi na mas malaki ang posibilidad na hindi mag-work ang relationship o hindi nagkakatuluyan ang parehong taga-showbiz?

"Hindi naman sa malaking chance.

"Kasi, ang relationship naman ng dalawang artista, same lang din naman yun with any other relationship outside show business.

"Iba lang yung relationship inside the business kasi ang kalaban mo... Minsan ang kalaban mo press, publiko.

"So, marami lang talagang papasok na isyu.

"Kasi, the more people see you happy with each other, the more nila hahanapan ng problema. The more they'll try to break you up."

Nami-miss na ba nila ang maging magkasama sa isang project?

"Nami-miss? Oo naman, siyempre," nakangiting sagot niya.

NOTHING TO DO WITH GEOFF. Gaya ng nabanggit, two months pa lang ang relasyon nina Carla at Geoff, pero inuulan na ito ng intriga. Sa parte ni Carla, tila hindi pabor ang kanyang ama na si Rey "PJ" Abellana sa relasyon nila ni Geoff.

Paano nila ito hina-handle?

"Well, kina-clarify ko naman, and he [Geoff] knows, na kung anuman ang isyu ngayon na lumalabas about my dad and I, walang kinalaman yun sa relationship namin.

"Likewise, kung anuman ang pinagdadaanan namin ng daddy, walang kinalaman yung relationship namin doon.

"So, walang connection yun or whatsoever.

"So, hindi naman namin pinapabayaan na maapektuhan kami dahil lang sa isyu na yun.

"Sabi ko nga, it's between me and my dad. So let us settle the issue because they're out of it."

Nang makausap namin si Carla, hindi pa raw sila nagkakaroon ng chance na magkita ng kanyang ama.

"Tinext ko siya last week, nag-text din siya sa akin.

"Sana, sabi ko, before Christmas magkita kami. Kasi every year naman, nagkikita naman kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CHRISTMAS PLANS. Speaking of Christmas, may plano na ba sila ni Geoff since it's their first Christmas together?

"Wala namang plans. Dito kami magpa-Pasko pareho," sabi ni Carla.

"Ako, ang plano ko lang this year, same as every year, magmi-misa muna kami ng buong pamilya, tapos magno-Noche Buena, mag-o-open ng gifts.

"Ganoon lang naman kami every year sa bahay ng lola ko [former actress Delia Razon].

"Walang planong umalis, dito lang.

"Siyempre, we have our own Noche Buena, sa family.

"So, puwedeng after na lang kami magsama."

Masasabi ba niyang very happy ang Christmas niya ngayon?

"Oo naman. Wala namang hindi masayang Pasko, di ba?" sabi ni Carla.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN