Veteran actor Tirso Cruz III accepts drag-queen role in I ♥ You Pare "for a change"

Tirso Cruz III plays a drag queen in the upcoming GMA-7 comedy-drama series I ♥You Pare, starring Regine Velasquez and Dingdong Dantes.


Naka-costume na bilang isang drag queen si Tirso Cruz III nang abutan siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press sa taping ng I ♥You Paresa PETA Theater sa New Manila, Quezon City, noong Biyernes, December 10.

Iyon ang last taping day ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez dahil magpapahinga muna siya in preparation for her wedding with Ogie Alcasid on December 22.

Sabi ni Pip, palayaw ni Triso, "Ito ang first performance ni Regine as impersonator sa club. Kaya lahat kami naka-costume na.

"Ako in gold long gown with matching high heel shoes and auburn long hair wig."

How is it working with Regine Velasquez?

"First time ko lang nakatrabaho si Regine,"banggit ni Pip.

"I found out na napakababaw pala ng kaligayahan niya.

"Tawa siya nang tawa kapag umaarte na kaming mga bading, pero madali rin pala siyang paiyakin."

PLAYING A DRAG QUEEN. Pagkatapos nito ay nagkuwento na si Pip tungkol sa role niya sa I ♥You Pare.

"Gumaganap akong uncle ni Regine, kapatid ko ang tatay niya.

"Nasa Vigan [Ilocos Sur] pa lang kami, paminsan-minsan, napapansin na niyang bading ako. Pero pinipilit kong huwag magpahalata.

"Nagkaroon kami ng problema kay Tonia [Regine], kaya para maitago namin siya sa mga naghahanap sa kanya, ginawa namin siyang bakla.

"Doon siya nakilala ni Kenneth [Dingdong Dantes] as Tonette, na akala niya ay isa ngang bakla si Tonia.

"Nang pumunta na kami ng Manila, doon na ako nabuking na bakla talaga ako at tuluy-tuloy na rin ang pagiging impersonator ni Regine para hindi siya makilala."

Hindi ba mahirap ang role ng isang bakla, lalo na't kailangan niyang magsuot ng mga damit-pambabae?

"Mahirap kung maghapon kaming nakabihis ng ganito," sabi ng veteran actor.

"One hour and a half ang paglalagay ng makeup sa akin.

"Masakit sa paa kapag matagal na akong naka-heels.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya kapag medyo hapon na, kapag hindi pa ako magti-take, tinatanggal ko muna ang sapatos at ang wig ko dahil mainit."

Bakit niya tinanggap ang role ng isang bakla?

"For a change, matagal na rin kasi akong hindi gumagawa ng comedy. Madalas, kung hindi kontrabida, nagdadrama ako.

"Actually, nang malaman ni Direk Joel Lamangan na may role na bakla sa Beauty Queen, gusto niya ako ang gumanap ng role.

"Pero nang ipaabot ko 'yon kay Ms. Lilybeth Rasonable [AVP for Drama ng GMA-7], ayaw niya.

"Katatapos ko lang daw kasi ng Endless Love at doon daw papasok ang Beauty Queen.

"Sa I ♥You Pare na daw niya ako ilalagay, bakla rin ang role, dahil sa January 2011 pa ito ipalalabas."

Ang gumanap na role ng bakla sa Beauty Queen ay si Bembol Roco.

HIS FAMILY'S REACTION. Ano ang sabi ng wife niyang si Lynn at mga anak na sina TJ, Bodie, at Djanin tungkol sa gay role niya?

"Natawa ang asawa at mga anak ko nang ipakita ko ang pictorial namin," sabi ni Pip.

"Pero wala na akong makeup pag-uwi ng bahay.

"Yun lang minsan, nadadala ko ang mga gay lingo na gamit ko sa show.

"Mga lumang bading words ang gamit namin nina Boy Alano at Joel Saracho, kasi mga mature na kaming bakla.

"Ako naman, nasa El Bodegon pa ako noong '70s, naririnig ko na ang mga gay lingo na 'yan."

RESPECT FOR GAYS. Hindi si Pip ang unang straight veteran actor na gumanap na bakla. Sa bakuran ng GMA-7 ay nandiyan ngayon sina Bembol Roco (Beauty Queen) at Ricky Davao (Jejemom).

"Siguro iba-iba na lang kaming atake. Sabi ko nga, ito pala ang role na gusto ko, baka manalo na ako ng Best Actress award!" natatawang wika ni Pip.

Banggit pa niya, "Kami nina Boy at Joel, mga Softdrink Beauties, ako si Sarsi [Emanuelle], si Joel si Pepsi [Paloma] at si Boy, si Coca [Nicolas]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Habang kausap namin si Pip, naririnig naming nagri-rehearse sa loob ng theater ang mga bading na kasama sa show.

"Hindi na kami sumasama sa rehearsals, blocking na lang kami," banggit ng aktor.

"Fifteen lahat yung mga bading na nagpi-perform sa club.

"Sila ang napili out of 100 gays na nag-audition, ilan sa kanila galing sa Amazing Asia.

"Nakakaawa rin sila dahil kung minsan, inaabot sila ng four hours sa rehearsals pa lang na naka-costume na.

"Kaya alam na namin kung ano talaga ang paghihirap ng mga bading para lang sila kumita, at the same time, makilala na rin.

"Kaya sabi ko nga kay Direk Andoy Ranay, ang I ♥You Pare na siguro ang end all and be all ng kabaklaan sa showbiz!" tawa ni Pip.

Bukod kay Andoy, ang isa pang direktor ng I ♥You Pare ay si Joyce Bernal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN