Kris Aquino ranks the men being linked to her

"Kasi in six months [na hiwalay na sila ni James], you'll really wonder for somebody like me na hopeless romantic. Iisipin mo talaga na imposibleng hindi iyan ma-in love ulit. Imposibleng walang kalandian 'yan. Wala talaga, sorry," says Kris Aquino.


Game na game na sinagot ni Kris Aquino ang mga maiintrigang tanong tungkol sa mga lalaking nali-link sa kanya sa unang bahagi ng live interview niya sa The Buzz kahapon, December 12.

Matapos makipaghiwalay si Kris sa asawang si James Yap ay na-link na siya sa ibang lalaki.

Apat na pangalan nga ang lumutang sa interview na 'yon—sina Makati City Mayor Junjun Binay, news anchor Ted Failon, ang kanyang Dalaw leading man na si Diether Ocampo, at ang dati niyang nakarelasyon na si Joey Marquez.

MAYOR JUNJUN BINAY. Unang inusisa ng mga host na sina Toni Gonzaga, KC Concepcion, at Charlene Gonzalez kay Kris ang relasyon nila ngayon ni Mayor Junjun, na na-link sa kanya matapos niyang ihayag ang pakikipaghiwalay kay James.

Naging close ang dalawa dahil sa parehong ospital na-confine at yumao ang ina ni Kris na si dating Pangulong Cory Aquino (died on August 1, 2009) at ang asawa ni Junjun na si Kennely Ann Lacia (na namatay noong August 11, 2009).

May lumabas pang video noon na nakita silang magkasama sa labas ng Glorietta sa Makati.

Pero ayon kay Kris, matagal na raw silang walang komunikasyon ng alkalde.

"Seriously and honestly, hindi na kami nag-uusap, hindi na kami nagte-text, at hindi na kami nagbi-BBM [Blackberry messaging].

"All forms talaga, isali mo na pati ang Skype at YM [Yahoo messenger], wala talaga," diin ni Kris.

Bakit wala na silang komunikasyon?

"Kasi my case [annulment case with James] is ongoing.

"So, out of propriety, because naka-file ako sa Makati. Ang City Hall and ang Makati Regional Trial Court, iisa ang building.

"So, wala talaga.

"I think, he's very proper and so am I. So, let's stay proper," saad niya.

JOEY MARQUEZ. Muli namang na-link si Kris kay Joey Marquez matapos niyang batiin sa dati niyang programang Pilipinas Win Na Win! ang isang nagngangalang "Joey," na hindi niya sinabi ang apelyido. Kaya nagkaroon ng haka-haka ang mga tao na nagkabalikan na sila ng dating mayor ng Parañaque.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang naging kontrobersiyal ang relasyon nila na nauwi sa hindi magandang paghihiwalay lalo na nang isiwalat ni Kris na nagkaroon siya ng STD (sexually trasmitted disease) habang karelasyon si Joey.

Pero it turned out na ang binabati pala ni Kris ay si Joey Manahan, na pamangkin ni Mr. M o Johnny Manahan ng Star Magic.

Hindi raw nagustuhan ni Kris ang lumabas na isyu na nagkabalikan nga sila ni Joey.

"I'm really napipikon about that because... hindi, sorry," sabi niya.

"Kasi, feeling ko, gagawa talaga ng imbento na walang basehan.

"Seriously and honestly again, the last time na nakita ko siya [Joey] was Claudine and Raymart's wedding in March of 2006.

"Beyond that, I have never seen him.

"He doesn't know my number. He doesn't know where I live.

"I don't think he has any intention of wanting to be my friend again. Life moves on.

"Napakalumang balita, seven years ago!" pasaring ni Kris.

DIETHER OCAMPO. Sumunod namang itinanong kay Kris ang kanyang leading man sa Dalaw na si Diether.

"May ikukuwento ako about Diet, na sana Diet huwag mong ikagalit.

"Nung nag-start ang movie, sabi ko, 'Uy, puwede si Diet. Kasi hindi hawak ang telepono.'"

Na-curious ang lady hosts ng The Buzz sa sinabi ni Kris kaya ipinaliwanag niya ito.

"Alam mo kasi, pag ang lalaki hindi mahiwalay yung phone sa kanya, that means nagre-report to somebody.

"Yung in between takes, bi-BBM nang bi-BBM, text nang text. Kuha nang kuha ng pictures sa sarili, tapos ise-send, ganun."

Napansin daw kasi ni Kris na walang ka-text noon si Diet, pero iba na raw ang sitwasyon pagkatapos magpunta ng aktor sa ibang bansa two weeks ago.

"Eto na ang malungkot, after Australia, ayaw nang bitawan ang phone!" pambubuko ni Kris.

"Kasi nung start ng shooting, ang pinasalubong sa akin from Guam, sosyal, tatlong Louis Vuitton bags!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nung Australia, pajamas na lang.

"Sabi ko, 'Diet, ano ang nangyari? Unless, balak mong ikaw ang gustong makinabang sa pajamas na ito?'

"Sabi ko, 'Naku, meron na!'"

Ang ibig sabihin ni Kris ay meron nang ibang babaeng nagugustuhan si Diet ngayon.

May pag-asa ba sana si Diether?

"We're too close. Alam mo yun na friends na talaga kayo for life," sagot niya.

TED FAILON. Ang latest ma nali-link kay Kris ay ang news anchor at broadcaster na si Ted Failon, na tila nagulo ang buhay matapos isiwalat ni Kris sa interview sa kanya sa TV Patrol na matagal na silang textmates. (CLICK HERE to read related story.)

Dahil dito ay nag-sorry nga si Kris.

"I owe this to Ted, kasi I realize na when my mom [Cory Aquino] stepped down from office in 1992, it took me 18 years to get a name na Kris Aquino without a hyphen na daughter of the president.

"E, ngayon kasi, kahit feeling ko na marami na akong na-achieve, pag in-introduce ako, 'Si Kris Aquino, kapatid ng presidente.'

"Alam ko rin na that Ted takes so much to become Ted Failon.

"So, an association with me will color people's perception of him.

"Yung kumbaga, hindi na siya makakabanat the way he should sa radyo.

"Mabibigyan ng kulay ang pagre-report niya sa TV Patrol.

"So, sa akin na nanggagaling na humihingi ako ng paumanhin dahil kailangang mapangalagaan naman ni Ted yung pangalan na pinag-ingatan niya.

"And a friendship with me should not be a hindrance to our respect for him and his credibility.

"So, I owe him that much because he's been a real friend."

Matutuloy pa ba ang date nila?

"Siguro hindi na dahil sa kadaldalan ko. Ayaw na!

"Siguro sa kadaldalan ko, naloka siya.

"Sabi niya, 'First time in my life, after a broadcast, 300 text ang natanggap ko. Kris, ano ang ginawa mo sa buhay ko?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko, 'Sorry!'" natatawang kuwento ni Kris.

FUTURE RELATIONSHIP. Ano ang common denominator ng lahat ng mga lalaki in her life?

"Alam mo, iniisip ko yun, siguro lahat ng nali-link ngayon...

"Kasi in six months [na hiwalay na sila ni James], you'll really wonder for somebody like me na hopeless romantic.

"Iisipin mo talaga na imposibleng hindi iyan ma-in love ulit. Imposibleng walang kalandian 'yan.

"Wala talaga, sorry.

"My sisters asked me to please close this chapter [with James] properly.

"So, I agree with them na sana ma-annul kami. Sana tapos na lahat.

"And then that's when darating na lang siya. Feeling ko darating siya."

May kuwento pa si Kris tungkol sa nangyari sa kanya sa recent trip niya sa Cebu kung saan may nadiskubre siya about her future relationship daw.

"Six months ago, nung magpunta si Boy [Abunda] in my place sa Cebu. That was the day really James and I split up. And I came from Cebu this Friday.

"And nung umuwi ako Saturday night, naramdaman ko na parang naglakbay na, nag-journey na, nagka-healing na.

"Parang I need to go to Cebu for that moment to hear some words from this 90-year-old [feng shui] master sa Chinese temple na private.

"And he told me some words na very Eat, Pray, Love ang dating. Nae-excite na ako."

Ano ang sinabi ng matanda?

"Bawal, e," sabi ni Kris. "Kung sabihin ko, hindi raw magkakatotoo.

"Sinabi ko sa kanya, 'Alam n'yo po, yung lahat ng sinabi n'yo sa akin, your credibility is on the line because pag hindi magkatotoo 'yan...'

"And talagang he was certain about date, about person, about places.

"We'll see, so I'll keep quiet para magkatotoo."

How young can she go?

"No, I don't like young na. I like old," sagot ni Kris.

"Kasi sinabi ni feng shui master sa akin, na ano daw, mas mayaman daw sa akin. 'Baka taipan 'yan na biyudo.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RANKING THE MEN. Nakatuwaan naman ni Charlene na i-request kay Kris na i-rank by priority ang mga lalaking nali-link sa kanya. Bukod sa apat ay isinama na rin nila si James.

Ang panglima ang least closest at ang number one ang pinaka-close sa kanyang puso.

"Nagre-rate talaga. Ako, ang lakas ng loob ko na magre-rate talaga ako!" sabi ni Kris.

"Si Joey ang number five kasi he's not in contention. So, tanggal na.

"Can I also remove James there because he'll always be above all of them because he's Bimby's [Baby James] dad?

"And Bimby and Josh are the two loves of my life. So, kung walang James, I would never had a Bimby. So, siguro tanggalin na.

"So, tatlo na lang.

"Number three, siguro patatawarin naman ako ni Diet tutal may ka-text na siya. Number three si Diet.

"Number two, I'm sure mapapatawad din naman ako ni Ted na siya ang ilalagay ko sa number two.

"Si Mayor Junjun ang number one because I live in his city. Papatawarin ako ni Ted dahil I'm from Makati and I love Makati.

"No communication pero siya ang number one."

Si Mayor Junjun ba ang sinasabi ni feng shui master?

"Hindi, hindi siya," sagot ni Kris.

Sa huli, inamin din ni Kris na inspired siya ngayon.

Aniya, madali naman siya ma-inspire. Mayroon daw kasing mahilig magpadala ng cake sa kanya ngayon.

"Hindi lang basta cake," banggit niya.

"Kasi ako Goldilocks, so lahat ng cake nasa akin na.

"So, ang lakas ng loob magpadala ng cake."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN