Ai-Ai delas Alas aspires to Best Actress trophy in MMFF 2010

"Oo, kine-claim ko na talagang ginalingan ko dito. Super ginalingan ko at nagmamakaawa nga ako sa kanila, na sana ay ibigay nila sa akin yung Best Actress!" says Ai-Ai delas Alas.


Hindi itinatanggi ni Ai-Ai delas Alas na malaki ang expectations niya sa pelikulangAng Tanging Ina Mo (Last Na 'To!), entry ng Star Cinema sa darating na 2010 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Iba naman kasi ang nagawa sa career niya ng naturang pelikula. Katunayan, ang naunang dalawang sequel nito ay parehong tumabo nang husto sa takilya at nag-establish sa kanya bilang isang ganap na bituin.

TARGETING BEST ACTRESS AWARD. Aminado rin si Ai-Ai na tina-target niya ang Best Actress sa MMFF Awards Night

Aniya, "Noon ko pa sinabi, bahala na diyan si God. Pero ibinuhos ko nang sobra, sobra talaga ang acting ko dito.

"Sabi ko nga, ibinuhos ko na ang buong puso at kaluluwa ko sa pelikulang ito para maging maganda.

"And sana naman, ma-feel ng lalabas sa sinehan na nakangiti sila at buong-buo 'yong puso mo na nakapanood ka ng napakagandang pelikula, na may kasamang ngiti at mapapa-wow ka.

"Yun lang naman ang gusto namin, kaya lahat ng best namin, ginawa namin.

"Hindi lang naman ako, pati mga anak ko sa movie, pati si Direk Wenn [Deramas].

"Yun nga, sabi ko, ito ang the best Tanging Ina, ever."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa thanksgiving party na ibinigay niya sa press noong Sabado, December 11, sa City Best Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City,

Kahit comedy ang movie, totoo bang sinabi niyang pang-best actress ang kanyang acting dito?

"Oo, kine-claim ko na talagang ginalingan ko dito. Super ginalingan ko at nagmamakaawa nga ako sa kanila, na sana ay ibigay nila sa akin yung Best Actress!" natatawang niyang sabi.

Dagdag niya, "Oo, talagang nag-e-expect ako ng acting award.

"Magaling ako dito, ginalingan ko talaga.

"Sana makita nga nila [jurors sa MMFF] na ginalingan ko."

Ang ilan sa makakalaban ni Ai-Ai sa Best Actress this year ay sina Kris Aquino (Dalaw), Jennylyn Mercado (Rosario), at Marian Rivera (Super Inday and the Golden Bibe).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE BEST. Ano ang kaibahan ng ikatlo at huling installement ng Tanging Ina sa naunang dalawa?

"Ito ang pinaka, the best!" sambit niya.

"But of course, yung Tanging Ina 1 ay classic 'yon.

"Pero ito yung the best talaga, dahil siyempre, talagang pinaganda ito at ito na talaga 'yong closure ng Tanging Ina."

Sobra ang tindi ng competition ngayon sa 2010 MMFF dahil malalaking pelikula ang magbabanggaan, pero kahit matindi ang pressure, positibo pa rin ang attitude ni Ai-Ai.

"Every time naman ay nakaka-pressure yung mga ganito, e," sabi niya.

"Pero nandiyan naman ang Star Cinema at ang ABS-CBN para suportahan yung movie.

"Siyempre, magiging masayang-masaya ako kung mag-number-one kami.

"Pero kung mag-number one sina Bossing ay okay pa rin," banggit ni Ai-Ai sa pelikula nina Vic Sotto at Senator Bong Revilla na Si Agimat at Si Enteng Kabisote.

Patuloy niya, "Lahat ito ay blessings para sa ating lahat, para maging masaya ang buong samabayanang Pilipino sa Pasko, na makakapanood sila ng magagandang pelikula."

AI-AI VS. KRIS. Tungkol sa salpukan nila sa takilya ni Kris Aquino, ano ang comment niya sa sinabi ni Kris na suko na siya at okay lang sa kanyang mag-No. 3?

"Hindi, okay lang naman kay Friendship [tawagan nila ni Kris]... Alam mo naman ang ano naming dalawa," nakangiting sabi ni Ai-Ai.

"Kaya thank you very much, Friendship, at sana pagkatapos ninyong manood ng Tanging Ina, manood naman kayo ng Dalaw."

Sinabi ni Ai-Ai sa isang interview na okay lang sa kanya kung movie nina Bossing at Bong ang mag-number one, pero paano kung ang Dalaw ni Kris ang manguna sa takilya?

"Okay lang. Ganyan talaga at wala naman tayong magagawa diyan, di ba?

"At isa pa, Friendship ko naman siya and kung siya yung maging number one, okay, bongga!" nakangiting wika pa ni Ai Ai.

Si Kris ay mayroong eksena sa Dalaw kasama ang hiniwalayang asawa na si James Yap, mayroon ba siyang pantapat dito sa kanyang Friendship?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Manood kayo, manood kayo ng Tanging Ina at makikita ninyo ang pantapat ko diyan kay James Yap!

"Ay, naku, alam n'yo na, pasabog ... Iyan ang pasabog ng Tanging Ina 3!" nakatawang paniniyak pa ng komedyana.

Paano niya ide-describe ang magtatapos na year 2010?

"Masayang-masaya kasi napakarami kong blessings," sagot ni Ai-Ai.

"At saka, kasi successful 'yong concert [Akin ang Tronong 'To sa Araneta Coliseum].

"So, ang hihintayin ko na lang ngayon, yung success ng Tanging Ina (Last Na 'To).

"I claim and in God's power, sana naman ay talagang maging blockbuster iyong Ang Tanging Ina 3."

Malamig ba ang Pasko niya ngayon?

"Okay lang na maging malamig ang Pasko ko. Sa tingin ko naman, balang araw ay iinit pa rin 'yan," nakangiting sabi ni Ai-Ai.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN