ABS-CBN asks QC judge to inhibit himself from handling Willie Revillame case because of "undisclosed relationship"

Willie Revillame continues to host the game-variety show Willing Willie on TV5, despite an ongoing TRO case filed by his former home network, ABS-CBN.


Nagsampa ng motion to inhibit ang ABS-CBN ngayong araw, December 13, laban sa judge na dumidinig sa kaso ng network laban sa TV host na si Willie Revillame.

Ito ay para mapabilis umano ang resolusyon sa pagbibigay ng hukuman ng isang temporary restraining order (TRO) na magpapatigil sa paglabas ni Willie sa Willing Willie, ang game and variety show niya sa TV5.

Matatandaang noong October 4 pa isinampa ng ABS-CBN ang petisyon para hainan ng TRO ang Willing Willie.

Ayon sa network, nakapirma pa ang TV host sa kanila ng kontrata hanggang September 2011 kaya't hindi siya dapat gumawa ng programa o lumabas sa ibang network.

Hindi naman naglabas ng desisyon hinggil sa TRO si Judge Luisito Cortez ng QCRTC Branch 84, noong October 8 hearing.

Ayon kay Judge Cortez, sa pagtatapos ng Oktubre pa siya maglalabas ng desisyon.

Dahil dito, nagsampa muli ang ABS-CBN ng petisyon sa QCRTC noong October 15 upang mapabilis ang desisyon ni Judge Cortez.

Ayon sa ABS-CBN, dapat maibaba na ang TRO bago pa maipalabas ang premiere ng Willing Willie noong October 23.

Ngunit nabigo muli ang ABS-CBN na makakuha ng TRO.

Ayon kay Judge Cortez, hindi napatanuyan ng network na may "urgent need" para maglabas ang korte ng desisyon bago ang premiere ng show ni Willie.

Dahil dito ay dumiretso na ang ABS-CBN sa Court of Appeals. Ngunit nabigo pa rin sila rito.

Samantala, mahigit isang buwan nang umeere ang Willing Willie, na napapanood mula Lunes hanggang Sabado ng gabi sa TV5. Noong October 23 ito nag-premiere.

Patuloy rin na nakakapag-show si Willie matapos magpiyansa ng P426 million na surety bond, alinsunod na rin ng isang order mula rin kay Judge Cortez.

MOTION TO INHIBIT. Idinetalye ng ABS-CBN ang laman ng kanilang motion to inhibit sa isang press statement na ipinadala nila sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ngayong hapon.

Ayon sa statement, isa sa mga basehan ng motion ay ang "undisclosed relationship" ni Judge Cortez sa isang opisyal ng TV5. Ito umano ang dahilan ng pagkaka-delay ng TRO.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa lawyers ng ABS-CBN, ang asawa umano ni Judge Cortez na si Atty. Angelita Ortega ay kaibigan ni Mr. Ray Espinosa, ang presidente at CEO ng TV5.

Dati raw na nagtrabaho sa parehong law firm sina Atty. Angelita at Mr. Espinosa, ayon sa lawyers ng Kapamilya network.

Ayon sa press statement, "Espinosa's relationship with the spouse of [Judge Cortez] gives rise to the question of whether such relationship was taken advantage of [in the case] given the manner [Judge Cortez] handled the case to favor plaintiff Revillame and prejudice ABS CBN."

DIFFERENT SIGNATURES. Binatikos din ng ABS-CBN lawyers ang pag-approve ni Judge Cortez sa P426 million na piyansa ni Willie, kahit na iba raw ang pirma na nakalagay sa dokumentong ito.

Ayon sa ABS-CBN, "In support of the charge, a side-by-side comparison of the actor's signatures was presented in court showing the signature of Revillame on the bond 'does not even remotely look like' his other signatures in documents previously submitted to the court."

Dagdag pa ng lawyers ng network, maaaring kasuhan ng "perjury" at "falsification of commercial document" si Willie dahil dito.

Pagpapatuloy ng press statement, "If the forgery is proven, Revillame can face criminal charges involving penalties of up to 12 years of imprisonment. This is in addition to the other law suits the actor is already facing since he moved to a different station bringing an ABS hit show he previously hosted with him."

Ang tinutukoy ng statement na "ABS hit show" ay ang noontime show na Wowowee, na kaparehas umano ng Willing Willie.

Nakapagsampa na rin ang ABS-CBN ng P127-million copyright infringement case laban sa Willing Willie noong November 24 dahil sa pagkakaparehas diumano ng dalawang show.

TV5 ANSWERS. Tinawagan ng PEP ang lawyer ni Willie na si Atty. Paul Bongco para hingin ang kanilang panig sa inihaing petisyon ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Atty. Bongco, hindi pa niya nababasa ang motion to inhibit ng ABS-CBN kaya hindi muna siya magbibigay ng pahayag ukol sa alegasyon na "undisclosed relationship."

Ganito rin ang pahayag niya ukol sa ibang pirma ni Willie sa piyansa. Ngunit dagdag niya, "artist" daw si Willie kaya may posibilidad na may iba-iba siyang pirma.

Nagpadala rin ng press statement ang TV5 para sagutin ang "undisclosed relationship" issue.

Ayon sa statement, na natanggap ng PEP sa pamamagitan ng text message, "Neither TV5 nor TV5 President and CEO Atty. Ray C. Espinosa is party to the Quezon City case which is between Willie Revillame and ABS CBN."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN