Talent manager Lolit Solis says Mark Herras is now "turning into a monster"

"Sana mamulat ang utak niya at malaman niya kung ano ang standing niya. Kailangan niya ng wake-up call. Kailangan masundan pa ang birthday niya sa showbiz na sikat pa rin siya at binibigyan ng birthday special sa Party Pilipinas. Huwag na niyang hintayin na magbi-birthday siya sa showbiz na isa na lang siyang extra," says talent manager Lolit Solis (inset) about her ward, Mark Herras (main photo).


Naghayag ng kanyang saloobin ang talent manager at TV host na si Lolit Solis tungkol sa alaga niyang si Mark Herras sa showbiz talk show ng QTV 11 na Tweetbiz, kagabi, December 13.

Isa si Manay Lolit sa mga host ng programa, along with Tim Yap.

Naging topic si Mark sa programa dahil nagse-celebrate ang young actor ng kanyang 24th birthday ngayong araw na ito, December 14. At ang best na makapagbibigay ng comment tungkol sa kanya ay ang manager niyang si Lolit.

TURNING INTO A MONSTER. Napapansin daw kasi ni Manay Lolit na malaki na ang ipinagbago ni Mark ngayon simula nang maging close ito kay Nadia Montenegro, ina ng girlfriend ni Mark na si Ynna Asistio.

"Kasi si Mark, akala ko nung napunta kay Nadia, inaalagaan ni Nadia, he will turn out to be a better person," sabi ni Manay Lolit.

"Kasi si Mark, kaya type na type ko 'yan, when he was starting, meron siyang shades of Gabby Concepcion, e. Mabait, magalang, ginagawa lahat ng trabaho.

"Bakit now he's turning to be a monster? Late siyang dumarating sa presscon.

"Kaya nga, sabi kong ganun, 'Maganda kayang influence si Mommy Yo kay Baby Yo?'" tila himutok ni Manay Lolit, na ang tintukoy na "Mommy Yo" ay si Nadia at si "Baby Yo" naman ay si Mark.

Ang tinutukoy namang presscon ni Manay Lolit ay ang mini-presscon na ibinigay ng GMA Artist Center para kay Mark noong Huwebes, December 9.

Dalawang oras daw na-late ang aktor dahil 2 p.m. ang presscon, pero 4 p.m. na siya dumating.

Bilang manager, hindi ito nagustuhan ni Manay Lolit.

Ang tanong tuloy ng mga kasama ni Manay Lolit sa Tweetbiz: Willing pa ba siyang alagaan si Mark?

"Ang akin lang, si Mark kasi, nakita ko yung years niya na mabait siya. Kaya nga may soft spot siya sa akin, e," sagot ng talent manager at TV host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ihihiwalay niya ba si Mark kay Nadia?

"No, ano na siya, 24 na siya, e. Dapat alam na niya kung ano ang tama at mali."

Nanghihinayang lang daw si Lolit dahil nakagawa na si Mark ng pangalan sa showbiz.

ALJUR ABRENICA. Sana naman daw ay hindi ito sayangin ni Mark, lalo na nga't may ibang aktor na raw ang tila nakakaungos sa kanya ngayon sa GMA-7.

"Nakakahinayang, kasi kung papansinin mo talaga, lumalayo na yung standing ni Aljur [Abrenica] kay Mark.

"Dapat mas malayo si Mark kay Aljur. Kasi mas nauna siya kay Aljur."

Parehong produkto ng reality-based artista search ng GMA-7 na StarStruck sina Mark at Aljur. Si Mark ang unang male winner, samantalang si Aljur ay nanalo sa Batch 4.

Patuloy ni Manay Lolit, "Kasi si Aljur, inayos niya yung sarili niya. Talagang bagay siya doon sa Machete [bagong soap na pagbibidahan ni Aljur].

"Samantalang si Mark, up to now, hindi pa napapalaki ang katawan. Ngayon nga, ang dami-dami niya pang pimples sa mukha."

Concern lang daw si Manay Lolit kay Mark kaya niya nasasabi ang mga ito.

MORE EXPLANATIONS FROM LOLIT. Pagkatapos ng Tweetbiz ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Manay Lolit para hingan ng dagdag na paliwanag.

Bukod sa pagiging late sa presscon, ano pa ang ibang napansin niyang pagbabago kay Mark?

"Yun nga, nale-late, nagwo-walkout sa taping, nagko-complain.

"He was never like that. He's turning to be a monster," ulit ni Manay Lolit.

In good terms ba sila ngayon ng alaga niya?

"Oo," sagot niya.

"Actually nga, kaya hindi siya agad ang tinawagan ko nung nagalit ako, kasi gusto kong ma-maintain yung takot niya sa akin.

"Pag ako ang nagsalita, sumusunod 'yan, e."

May sama ba siya ng loob kay Mark?

"Hindi ako sa may sama ng loob kay Mark. Na-shock lang ako sa changes niya," sabi ni Manay Lolit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi nga nung una, ako pa ang nag-e-explain na kasi si Nadia siguro, parang mother sa kanya, inaalagaan siya, pinapakain siya on time.

"Kaya siguro si Mark naging closer sa kanya. Tuwang-tuwa pa ako noon.

"Pero nagiging ganyan na siya. Sabi ko, hindi na magandang example ito."

Sa tingin niya ba "bad influence" si Nadia kay Mark?

"Hindi ko naman sasabihin na bad influence, kasi hindi naman siguro niya tuturuan si Mark na maging masama, na mag-drugs o magbisyo. Hindi naman ganun," paglilinaw ni Manay Lolit.

"Alam mo, 'yan talaga ang lesson na nakita ko. Ang mga artista, nawa-warp yung mga principles pag may taong katabi niya na nagsasabi na, 'Hoy, sikat ka, ganito dapat 'yan, ganyan dapat 'yan.'

"Doon nawa-warp yung pananaw nila. Dapat direkta sinasabi mo."

COMPARING MARK TO ALJUR. Nagpaliwanag naman si Lolit sa pagkukumpara niya kina Mark at Aljur.

"Gaya ni Aljur, noong una kong kinuha 'yan, pagkabigay ko ng bayad, sabi ko, 'Ayoko na yatang kunin ito kasi ang dumi ng mukha, ang liit ng katawan. Mukhang dugyot, 'wa ko feel.'

"Pero look at him. Na-improve niya yung hitsura niya.

"So, dapat yun ang ginagawa, pa-improve-in mo ang hitsura mo. Improve-in mo yung pakikisama mo, improve-in mo lahat para mag-stay ka.

"E, ngayon nga, ang life span ng bawat artista, ang ikli. Ang dali-dali mong pagsawaan. Dapat maingat ka.

"Ngayon, kung hindi niya makita yun, dapat ngayon pa lang ipinaparamdam mo na sa kanya na, 'Mark, look at Aljur.'

"Sasabihin mo sa kanya yun dapat. Hindi yung sasabihin mo na mas sikat siya kay Aljur, mas magaling siya kay Aljur.

"Dapat pag may hawak kang talent, sabihin mo sa kanya ang totoo."

Sa tagal na raw niyang nagha-handle ng mga artista, alam na niya kung ano ang ginagawa niya. At nakita na raw niya ang ugali ng mga artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod kay Mark, ilan pa sa mga hawak niyang artista ang mag-asawang sina Senator Bong Revilla at Representative Lani Mercado, Lorna Tolentino, Christopher de Leon, at Yasmien Kurdi.

"I've handled so many big stars, pero lahat sila alam nila when to slide down," sabi ni Manay Lolit.

"Kaya nga hindi nagkakaroon ng problema kung bumababa ang talent fee. Alam nila yun.

"Baka kasi si Mark, hindi niya napi-feel yung nangyayari sa paligid niya. Baka akala niya he's still on top."

Ang hindi raw nagugustuhan ni Lolit ay may tila nagsusulsol kay Mark sa mga bagay-bagay, lalo na sa career nito.

"Nag-umpisa kasi yun nung nagko-complain siya about the long hours sa Langit sa Piling Mo. Dati, hindi ko naririnig sa kanya yun.

"Siguro may naglalagay sa isip niya na, 'Bakit si Heart [Evangelista] may cut-off time, bakit ikaw wala? E, di ba, bida ka rin diyan?'

"Yun yun, e, things like that.

"As a manager, dapat ako ang magsabi nun na, 'Uy, bakit naman ganun? Parang naaapi ang alaga ko. Bakit ganitong oras na siya umuwi?'

"Yun ang puwede kong gawin.

"Pero yung siya mismo ang magsasabi ng ganun, tapos magwo-walkout siya, hindi tama yun."

ADVICE & WISH FOR MARK. Ano ang advice na puwede niyang ibigay kay Mark?

"Kailangan alam mo lang ang priorities mo. Kailangan alam mo na hindi ka na ganun kasikat.

"I would be very frank. Pag nakikita mo yung status ngayon ni Aljur, matatakot ka for Mark.

"Dito sa GMA, sabihin mo na Dingdong [Dantes], Richard [Gutierrez], tapos si Aljur na ang pangatlo.

"E, kasi dati, Dingdong, Richard, and Mark dahil siya ang unang-unang winner sa StarStruck, e.

"Dapat ang artista, parang doktor 'yan. Pag hindi ka dumating sa oras, na-dead yung pasyente.

"O kaya abugado, pag di ka dumating sa oras, puwedeng matalo ang kaso. Dapat ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi yung, 'Artista ako, sikat ako, okay lang kahit hindi ako dumating sa oras. I can go there any time I want.'

"That's a big no, no sa akin. Be professional lagi."

Ano ang birthday wish niya kay Mark?

"Sana mamulat ang utak niya at malaman niya kung ano ang standing niya. Kailangan niya ng wake-up call.

"Kailangan masundan pa ang birthday niya sa showbiz na sikat pa rin siya at binibigyan ng birthday special sa Party Pilipinas.

"Huwag na niyang hintayin na magbi-birthday siya sa showbiz na isa na lang siyang extra," pahayag ni Manay Lolit.

Bukas ang PEP sa nais ipahayag nina Mark at Nadia tungkol sa mga pahayag ni Manay Lolit.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN