Isabel Oli wants rumor about her and James Yap to stop

"Sa write-up kasi, parang ang sinabi na kaming dalawa lang. Si James, e, ang dami talagang kasamang friends niya. Yung iba pa yata, basketball players din. Ako, may kasama talaga ako. Yung ka-date ko," says Isabel Oli about the rumor that she was seen dating James Yap.


Isa sa mga hinintay ng entertainament press sa presscon ng 2010 Metro Manila Film Festival entry na Rosario noong Lunes ng gabi, Disyembre 13, ay si Isabel Oli.

Naging mailap kasi si Isabel mula nang pumutok ang balitang nag-date daw sila ng basketball player na si James Yap. Pero pinabulaanan na ito ni James at sinabing kaibigan niya lang ang Kapuso actress.

Si James ay ang estranged husband ni Kris Aquino.

"I really find it absurd," sabi ni Isabel noong una niyang marinig ang istorya tungkol sa pagkakaugnay nila ni James.

Ayon kay Isabel, nakita raw sila ni James sa isang mall sa Makati.

"Noong una talaga, sobrang natawa na lang ako. Parang hindi yata tama."

Pero nag-usap na raw sila ni James tungkol sa isyung ito.

"Wala din. Siya din, natawa din. Natawa siya kasi alam niyang hindi totoo."

Pero matapos ang isang linggo at hindi pa rin namamatay ang isyu, hindi na natuwa si Isabel.

"Natakot na ako. 'Bakit ganito? Bakit hindi namamatay?'" sabi niya.

Paglilinaw ni Isabel, may ka-date siyang iba nang makita siya with James.

"Yung ka-date ko was there, kasama ko.

"Yung nagsulat lang, e, hindi ko alam ba't hindi niya nakita na may kasama akong guy.

"Si James, may kasama ding friends.

"Sa write-up kasi, parang ang sinabi na kaming dalawa lang.

"Si James, e, ang dami talagang kasamang friends niya. Yung iba pa yata, basketball players din.

"Ako, may kasama talaga ako. Yung ka-date ko."

Ang ka-date daw niya that time ay isang non-showbiz guy na nagtatrabaho sa isang multinational company.

Hanggang ngayon ay nagde-date pa rin daw sila ng lalaking tinutukoy niya, na mas bata kay Isabel.

LOYALTY TO THE KAPUSO NETWORK. Isa pa sa nilinaw ni Isabel ay ang tungkol sa balitang kukunin sana siyang co-host para sa TV5 show na Willing Willie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May offer lang talaga," banggit ni Isabel. "Pero hindi na natuloy. Offer lang talaga nila 'yon.

"Siyempre, dito ako nagsimula sa GMA-7. Okay ako dito. Happy ako dito. Kaya nag-stay ako dito sa GMA7."

May three-year contract pa sa Kapuso network si Isabel.

Natutuwa siya dahil may TV series na naman siya sa pagpasok ng 2011. Isa siya sa leading lady ni Richard Gutierrez sa Captain Barbell.

Bibigyan din daw siya ng pagkakaton ng GMA-7 na maging host sa isang show na in development pa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN