Kapamilya stars gather at the Big Dome for Christmas special


The "teleserye love teams" were together in one production number during Kapamilya, Isang Maningning Na Pasko: The ABS-CBN Christmas Special.

The featured love teams were (L-R) Toni Gonzaga and Vhong Navarro; Bea Alonzo and John Lloyd Cruz; Anne Curtis and Jericho Rosales; as well as Cristine Reyes and Zanjoe Marudo. (Lower left frame) KC Concepcion and SamMilby led a musical-inspired number with the Star Magic talents.


Gaya ng inaasahan, isang malaki at engrandeng extravaganza ang inihanda ng ABS-CBN para sa Kapamilya, Isang Maningning Na Pasko: The ABS-CBN Christmas Special sa Araneta Coliseum noong Martes ng gabi, December 14.

Pinagsama-sama ang napakalawak na stable of stars ng Kapamilya network para sa natatanging handog sa kanilang mga manonood.

Nagbukas ang special sa pag-awit nina Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Sarah Geronimo, Arnel Pineda, Christian Bautista, Jed Madela, Erik Santos, Rhap Salazar, Sheryn Regis at Vina Morales ng mga tradisyonal na himig-Pamasko, kasama ang Philippine Philharmonic Orchestra conducted by Maestro Ryan Cayabyab.

Nagbigay naman ng kanyang Christmas message on behalf of ABS-CBN ang president at COO ng network na si Ms. Charo Santos-Concio.

Ang tema nito ay pagpapasalamat at pag-asa sa hinaharap sa tulong ng Panginoong Hesus na siyang dahilan ng pagdiriwang ng Pasko.

Umawit naman ng theme song ng kani-kanilang mga teleserye ang mga drama princesses ng ABS-CBN na sina Empress Schuck, Andi Eigenmann, Erich Gonzales, Maja Salvador, Shaina Magdayao, Kim Chiu, at Bea Alonzo.

Naki-jam din sila sa rocker na si Rico Blanco.

Sunod ay nag-a la-Showtime naman sina Vice Ganda, kasama ang mga batang artista mula sa Goin' Bulilit at Noah, sina Melai Cantiveros at Jason Francisco, at ang iba pang mga komedyante ng istasyon.

Ang ASAP sessionistas naman na sina Nina, Richard Poon, Sitti Navarro, Duncan Ramos, MYMP, at Aiza Seguerra ay napa-classy ng mga pinerform na Christmas love songs.

Lalo namang kinilig ang mga fans nang kumanta ang "Teleserye Love Teams" na sina Cristine Reyes at Zanjoe Marudo, Anne Curtis at Jericho Rosales, Toni Gonzaga at Vhong Navarro, Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.

Pinangunahan naman nina KC Concepcion at Sam Milby ang musical number ng Star Magic talents. Sa pamamagitan nito ay nagbigay-pugay sila sa rock 'n roll mula kina Elvis Presley at The Beatles hanggang sa Queen. Napuno ang stage ng budding actors and actresses na lalong nagpakulay at nagbigay ng energy sa pagtatanghal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lubusan namang pinalakpakan ang pag-awit nina Christian Bautista, Robert Seña, Isay Alvarez, Carol Banawa, Billy Crawford, Nikki Gil, at Erik Santos ng mga hits ng 2010, na inangkop ang areglo sa tugtuging "big band."

Ilan sa mga inawit nila ay ang "New York State of Mind," "Telephone Song," "Just The Way You Are," at "Baby, Baby."

Madamdamin at inspiring ang pag-awit ni Gary V ng "I Will Be Here" at "The Warrior is a Child" bilang pagpupugay, ayon sa kanya, sa Panginoong naparito sa mundo para sa ating lahat.

Kumislap at sumigla ang entablado sa pag-perform nina Zsa Zsa Padilla, Kuh Ledesma, at Pokwang, kasama ang Bellestar Dancers, ng diva medley.

Napakataas naman ng energy nang magpakitang-gilas ng kanilang galing sa pagsasayaw sina Enchong Dee, John Prats, Jhong Hilario, Rayver Cruz, Gab Valenciano, Vhong Navarro, at Gerald Anderson.

Gayundin naman ang pagtaas ng decibel level ang hotness factor nang i-invade ng cast ng Shoutout ang stage. Halos di marinig ang background music sa tilian ng fans habang humahataw ang kanilang mga idolo.

Nagningning din ang gabi sa pagbibigay-pugay sa mga talentong Pilipino na namayagpag sa mundo at nag-uwi ng karangalan sa ating bansa. Nandiyan sina Miss Universe 4th runner-up Maria Venus Raj, World Boxing Association (WBA) Interim Bantamweight champion Nonito Donaire Jr., Journey frontman Arnel Pineda, at ang University of Sto. Tomas Singers na nagwagi ng Choir of the World-Luciano Pavarotti Grand Prize sa 2010 Llangollen International Musical Eisteddfod sa U.K.

Umawit ang UST singers kasama si Sarah Geronimo ng uplifting song tungkol sa Philippine pride. Matapos nito ay nag-perform din sila ng isang choral number.

Sina Gary V, Jericho Rosales, Billy Crawford, Nikki Gil, Iya Villania, Karylle, Toni Gonzaga, at Zsa Zsa Padilla ay nagbigay-buhay naman sa movie musicals.

Pinatunayan naman ni Gretchen Barretto na siya ay icon of beauty and elegance. Kumikinang si La Greta habang napapaligiran nina Jake Cuenca, Zanjoe Marudo, Jason Abalos, at Derek Ramsey sa isang sexy musical number.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakikanta naman ang audience sa timeless songs ng The Hitmakers na sina Rey Valera, Nonoy Zuñiga, Marco Sison, at Rico J. Puno.

Sinundan naman ito ng cutesy numbers ng mga teen love teams ng ABS-CBN.

Ang finale ay ang pagsasama-sama ng Kapamilya stars upang iparating ang kanilang pagbati ng Maligayang Pasko sa lahat ng mga manonood at fans.

Ipalalabas ang Kapamilya Isang Maningning Na Pasko: The ABS-CBN Christmas 2010 Special sa December 18 (9:15 p.m.) at December 19 (9:30 p.m.) sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN