Aljur Abrenica on playing the role of Machete: "Three years ko na pong hinihintay ito."

"Personally, si Machete kasi nakikita ko sa sarili ko. In a way na si Machete kasi, lalaking-lalaki ang dating, moreno, at Filipino," Aljur Abrenica explains why he thinks he fits the role of Machete, which was first portrayed in movies by Cesar Montano and Gardo Versoza.


Noong una pa lang narinig ni Aljur Abrenica na maaaring magkaroon ng TV remake ng fantasy movie na Machete, hiniling na niya na sana makuha siya bilang lead actor nito.

Aminado rin siya na ito ang pangunahing dahilan kung bakit puspusan din ang pangangalaga niya sa katawan para sa role na ginampanan ni Cesar Montano noong 1990 at ni Gardo Verzosa noong 1994.

"Gabi-gabi pinagdarasal ko talaga," sabi ng Ultimate Hunk ng StarStruck: The Next Level sa media junket na inihanda ng GMA-7 para sa kanya kaninang hapon, Disyembre 16, sa Skyline restaurant sa GMA-7 compoud, Quezon City.

"Sobrang excited po kasi three years ko na pong hinihintay ito. Hindi po exactly sinasabi sa akin na para sa akin. Nabalitaan ko lang na magkakaroon ng Machete three years ago.

"Hindi na po nagkaroon ng auditions kaya thankful ako na ako po ang napili, napaka-suwerte ko.

"Personally, si Machete kasi nakikita ko sa sarili ko. In a way na si Machete kasi, lalaking-lalaki ang dating, moreno, at Filipino."

Sa dalawang pelikula na ginawa nina Cesar at Gardo, masasabi na bahagyang senswal ang pagganap nila sa pangunahing karakter sa komiks na sinulat ni Pablo Gomez. Ganito rin ba ang makikita ng mga manonood ng telebisyon mula kay Aljur?

"Kung paano ninyo nakita si Machete noon, gano'n ang makikita ninyo," nakangiting sagot ni Aljur.

NEW LEADING LADIES. Gayunman, sabi ni Aljur na hindi ito ang pagtutuunan ng pansin ng Machete sa telebisyon. Sa halip, mas magiging pokus daw ng istorya ngayon ang love story sa pagitan ni Machete at sa naglilok nito.

Sa istorya, si Machete ay isang dating Ifugao warrior na naging puno nang mapatay sa isang laban. Matapos ang ilang dekada, naging paborito siya ng isang sketcher, na di naglaon ay binenta ang kanyang nai-drawing sa isang babaeng manlililok. Dahil sa kanyang pagkahumaling sa larawan, gumawa ang iskultor ng istatwang lalaki. Ito nga ay si Machete na nagiging totoong tao tuwing gabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ito, to be clear talaga, ang Machete ngayon, medyo magko-concentrate po kami sa love story. It's all about eternal love. Sensual din pero magfo-focus kami sa love talaga, sa romance."

Natutuwa si Aljur dahil kakilala niya ang magiging leading lady niya rito, si Ryza Cenon na gaganap bilang manlililok ni Machete. Siya ang Ultimate Female Survivor sa ikalawang batch ng reality artista-search na StarStruck.

"Ryza, matagal na po kaming magkasama. Sa SOP pa lang, magkasama na kami sa 'Sayaw One.'

"Bagay na bagay po talaga sa kanya 'yong role na maglililok sa akin."

Ibig sabihin ba nito ay magiging opisyal na ka-love team na niya si Ryza?

Para kay Aljur, na dating katambal ng kapwa StarStruck avenger na si Kris Bernal, ang pagiging partners nila ni Ryza ay para sa Machete lamang.

"For this show, pero sa mga susunod, hindi ko po alam," sabi niya.

Simula ng huling pagsasama nila ni Kris sa The Last Prince (2010), wala nang naging permanente katambal si Aljur sa kanyang mga sumunod na proyekto. Sa Illumina (2010), naging ka-partner niya si Rhian Ramos.

Para kay Aljur, parang nag-e-experiment ang kanyang home network kung sino ang magiging katambal niya kaya paiba-iba. Masaya naman siya tungkol dito dahil iba-iba ang nakakasama niya sa trabaho.

Gayunman, aminado si Aljur na bahagyang kabado siya para sa Machete. Pero sa tingin niya ay kaya naman niyang mag-solo.

"For this project, sa Machete, talagang pressured po ako dahil after 20 years or 16 years yata bago magkaroon ulit ng Machete. Hindi po basta-basta si Machete. Ang gumanap po diyan ay sina Mr. Cesar Montano at si Gardo Versoza."

Bukod kay Ryza, makakasama rin ni Aljur sa Machete ang baguhang aktress na si Bella Padilla. Ito ay nakatakdang ipalabas sa Enero 2011, sa GMA Telebabad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN