Kristoffer Martin's Christmas list: Another primetime series and a movie

"Kung meron po kaming dapat pasalamatan, yun po yung mga fans namin at mga taong walang sawang sumusuporta sa show namin. Kasi kung hindi dahil sa kanila, baka hindi tatagal yung show namin at mag-e-extend pa ng ilang buwan," says Kristoffer Martin about the success of Tween Hearts.


Masaya ang teen actor na si Kristoffer Martin dahil extended ang Tween Hearts hanggang April 11, 2011.

Ayon kay Kristoffer, isang napakagandang Pamasko sa kanya at sa lahat ng mga kasama niya sa youth-oriented program ng GMA-7 ang ilang buwang extension ng kanilang show.

"Sobra-sobrang saya naming lahat kasi na-extend kami ng hindi lang ilang linggo kung hindi ilang buwan. Ibig pong sabihin, tuluy-tuloy pa rin ang trabaho namin.

"Yun naman po kasi ang gusto naming lahat—ang magkaroon ng trabaho. Kaya naman mas lalo naming pinagbubuti ang ibinigay sa aming trabaho ng GMA-7 para nang sa ganun ay bigyan pa nila kami ng bagong show bukod sa Tween Hearts."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Kristoffer kahapon, December 16, sa GMA Network Center.

Malaki rin ang pasasalamat ni Kristoffer at buong cast ng Tween Hearts sa suportang ibinibigay ng mga manonood sa kanilang show, kaya naman maganda ang ipinapakita nito sa ratings game.

"Kung meron po kaming dapat pasalamatan, yun po yung mga fans namin at mga taong walang sawang sumusuporta sa show namin. Kasi kung hindi dahil sa kanila, baka hindi tatagal yung show namin at mag-e-extend pa ng ilang buwan.

"Dahil sa magandang rating namin, yun po yung nagiging inspirasyon namin para mas galingan pa namin, para hindi magsawa ang mga manonood na tutukan at subaybayan ang Tween Hearts."

KRIS-JOY. Sa ganda ng teamup nila Joyce Ching sa Tween Hearts, nabuo ang Kris-Joy Fans Club na siyang sumusuporta sa dalawang young stars. Marami nga ang nagsasabing patok sa manonood ang team-up nila.

Ano ang reaksiyon ni Kristoffer dito?

"Bale nagulat nga kami ni Joyce kasi may nagtayo sa aming fans club, yung Kris-Joy, bukod sa solo-solo naming fans club. Sabi nila sa amin, maganda daw at click yung team-up naming dalawa.

Yun ba yung reason kaya binigyan ng sariling kapareha si Lexi Fernandez na ka-love triangle nila noong nagsisimula ang Tween Hearts?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro po, baka nakita nila na mas maganda yung teamup namin ni Joyce kaya naman hinanapan na rin nila si Lexi ng magiging ka-love team niya.

"Pero ako naman po, willing pa rin namang makatrabaho si Lexi kasi okey din naman siyang katrabaho," sabi ng 15-year-old actor.

Si Lexi ay itatambal sa bagong pasok sa Tween Hearts na si John Marlowe Pamintuan.

Dahil din sa tambalan nila ni Joyce, nabuo ang mas malalim pa na pagtitinginan sa kanilang dalawa at hindi na lang basta friendship ang kanilang pinagsasamahan.

"Naku, wala pong ganyan sa amin, lahat kaming tweens, magkakaibigan. Siguro lang nadadala sila sa mga sweet na eksena na magkasama kami ni Joyce.

"Pero ang totoo, magkaibigan...o, masasabi kong isa si Joyce sa pinakamalapit kong kaibigang babae sa showbiz."

Wala bang chance na ligawan niya si Joyce?

"Hindi ko rin po masasabi yun, kasi mabait at maganda naman si Joyce. Pero sa ngayon po kasi, mas naka-focus ako sa trabaho at yun po muna ang gusto kong iprayoridad.

"Pero hindi po natin alam sa mga dadaan pang araw. Pero sa ngayon po, work po muna at alam kong ganun din si Joyce.

"Mas maganda naman po sigurong magsimula kami bilang malapit na magkaibigan at kung aabot at mas lalalim pa dun, ewan ko po, bahala na," nakangiting sabi ni Kristoffer.

CHRISTMAS. Ngayong Christmas naman, ayon kay Kristoffer, ay magkakasama silang pamilya na magsisimba, kakain ng inihanda nilang Noche Buena, at sabay-sabay na magbubukas ng mga regalo.

Dagdag niya, "Tapos sa umaga, pumapasyal kami sa mga kamag-anak namin, o kaya pumupunta kaming pamilya sa mall."

Ano bang regalo ang gusto mong matanggap ngayong Pasko?

"Gusto ko Blackberry na cell phone," sagot ni Kristoffer.

"Yun kasi ang gusto kong phone. Yun lang siguro.

"Pero kung walang magbibigay sa akin, kahit ano na lang, happy na ako dun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May regalo na ba siya kay Joyce?

"Secret!" tawa niya.

"Siyempre meron, hindi lang sa kanya pati na rin sa iba pa naming kasamahan sa Tween Hearts.

"Pero ayoko munang sabihin kasi malalaman na niya. Basta malalaman n'yo rin po yun pag nabigay ko na sa kanya."

Siya ba ay nag-e-expect ng regalo mula kay Joyce?

"Ako? Oo!" tawa niya ulit.

"Joke lang po, hindi.

"Siguro kung may regalo siya sa akin, salamat. Pero kung wala, okey lang naman.

"May kasabihan nga tayo, di ba, na it's better to give than to receive?"

Patuloy ni Kristoffer, "May isang wish pa pala ako this Christmas, na sana magkaroon ako ulit ng primetime soap, katulad ng Endless Love.

"Medyo na-miss ko na rin kasi yung napapanood ka gabi-gabi sa primetime.

"Hopefully, sana bigyan ako ulit ng GMA-7 ng primetime soap.

"At isa pa pala...pelikula! Kasi yun na lang po yung hindi ko nagagawa—ang umarte sa pelikula.

"Hopefully next year, magka-movie na ako."

Anong klaseng movie ba ang gusto niyang gawin?

"Kahit ano po, hindi naman ako mapili ng gagawing trabaho.

"Basta sa akin, ang mahalaga, magkaroon ako ng pelikula. Drama, action, o comedy man siya, basta kasama ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN