Dra. Vicki Belo on dismissal of case against Hayden Kho: "It's the best Christmas gift I could ever hope for."

Nais daw ni Dra. Vicki Belo na magkaroon ng bonding time with her family ngayong darating na Pasko. "I'm more with my family kasi, di ba, my mother's 84, my father-in-law's 86, so talagang basta Christmas, nandito lang kami," saad niya.


Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang miyembro ng press si Dra. Vicki Belo noong Disyembre 15, Miyerkules ng gabi, sa Supreme to the Extreme Awards 2010 na ginanap sa Opus, Resorts World, Pasay City.

Ang Supreme Awards ay ang taunang event ng Philippine Star Supreme section na nagpaparangal sa mga "movers and shakers" ng pop culture. Bahagi ng criteria sa pagkapanalo ay ang boto ng mga readers ng nasabing diyaryo.

Dumalo sa event na ito si Dra. Vicki dahil napanalunan niya ang Collaboration of the Year. Sa paglalarawan ng organizer na si Tim Yap, ito ay isang award para sa mga nagbago ng "local landscape with their duo-namic creations."

Sa apat na nominees, nanalo ang beauty surgeon dahil sa much-talked-about issue tungkol sa pagkaka-botox niya kay Charice noong nakaraang Hulyo.

Pagpasok na pagpasok pa lang ni Dra. Vicki sa Opus ay agad na siyang sinalubong ng press para itanong ang reaksiyon niya sa pagkaka-dismiss ng kasong isinampa ni Katrina Halili laban sa boyfriend niyang si Hayden Kho.

Ang kaso ay kaugnay ng pagkalat ng mga sex video ni Hayden kasama ang ibang mga babae noong isang taon.

Aniya, napakagandang regalo raw para sa kanya ang pagkaka-dismiss ng kaso.

"It's been wonderful. Sobrang napakalaking blessing, di ba, na nangyari before Christmas. It's the best Christmas gift I could ever hope for. I'm sure Hayden knows," sabi ni Dra. Vicki.

Dati raw kasi ay tila lagi silang minumulto ng kasong ito na isinampa noon pang Hunyo 2009.

"Kasi napakabigat nun, e. Kahit anong ginagawa namin, parang at the back of our minds, we worry. Peace muna ngayon. So, pero at least, I think the judge's decision, ang ganda ng pagka-write. It's very clear. Hindi ko alam kung binasa ninyo," paliwanag niya.

Pero alam niya na maaaring hindi pa tapos ang laban dahil puwede pang umapela si Katrina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Of course, they have the right to appeal. It just feels good to be vindicated for him. Two years nang ganito, talagang ang sarap ng feeling na baka ngayon makuha na niya yung lisensiya niya," saad niya.

Pagpapatuloy niya, maaliwalas na ang disposisyon ni Hayden sa ngayon.

"Alam mo si Hayden, kahit anong mangyari sa kanya, wala siyang sama ng loob kahit kanino. Ina-admire ko sa kanya na... wala talagang akong naririnig na...Di ba kung minsan ang hirap ng dinaraanan niya? Pero ni minsan hindi ako nakarinig na nagsabi siya ng bad things about anyone, so gusto lang naman niyang to... closure, I suppose. Pero hindi ko alam kung kailan mangyayari yun. Sana naman one day, para maka-move on na yung dalawa."

U.S. VACATION. Ayon kay Dra. Vicki, abalang-abala raw si Hayden sa pagpapatakbo ng kanyang perfume business sa ngayon.

"He's supposed to come here tonight, pero he's very busy selling his perfume. Pumunta na siya sa Marikina, sa Novaliches, so napagod na. Masakit ang ulo, nag-back out na lang siya," paliwanag niya.

Napag-usapan din ang U.S. vacation nila ni Hayden noong nakaraang linggo.

"Relaxing. We were gone a week. I gave a talk in Houston, and the people that invited me also invited him. They wanted him there. And then after that, we went to Los Angeles."

Sa trip na ito, na-meet daw nila ang producer na si David Foster, na isa sa mga mentors ni Charice.

"David Foster invited us to dinner. Sobrang sarap. Bonding. It was really good," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN