Albert Martinez hopes period film Rosario boosts excellence in local filmmaking

"Sana sumunod 'yong iba na mag-produce ng pelikulang gaya ng Rosario, na maiba naman 'yong ibibigay nila sa Pilipinong publiko," says actor-director Albert Martinez about the movie Rosario, which is an official entry to this year's Metro Manila Film Festival.

More Pictures


Anuman ang kahihinatnan ng pelikulang Rosario sa darating na 36th Metro Manila Film Festival, sinabi ng direktor nito na si Albert Martinez na masaya at "more than contented" siya sa kinalabasan ng proyekto.

"It's all worth it," pahayag ni Albert sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin siya ilang minuto bago magsimula ang special screening ng pelikula last Wednesday, December 15, sa Podium mall sa Ortigas, Pasig City.

Hindi nagdaos ng magarbong premiere night ang Rosario na kadalasang ginagawa ng mga pelikulang kalahok sa taunang MMFF.

Maganda naman ang diskarteng ito dahil naging tahimik at intimate ang event na dinaluhan ng ilang miyembro ng press, bloggers, at staff and executives ng Solar Entertainment—ang kumpanyang hahawak sa distribution ng Rosario sa mga sinehan sa pagbubukas nito on December 25.

Umani ng papuri si Albert mula sa invited guests pagkatapos mapanood nang buo ang pelikula na pinagbibidahan ng aktres na si Jennylyn Mercado.

Maganda ang pelikula at pulido ang pagkakahubog ni Albert sa naging makulay na buhay ng lola ng negosyanteng si Manuel "Manny" Pangilinan.

Lumitaw nang husto ang pagiging mabusisi ni Albert dahil wala itong pinalagpas na detalye pagdating sa setting, karakter, at kalidad ng pamumuhay nating mga Pilipino noong panahon na nasa ilalim tayo ng mga Amerikano matapos ang mahabang pamamalagi dito ng mga Kastila.

Naging malinaw rin sa amin kung bakit matunog ang pangalan ni Jennylyn na magwagi bilang Best Actress sa gaganaping MMFF Awards Night on December 26.

Mahusay rin ang naging pagganap nila Dennis Trillo, Yul Servo, Sid Lucero, Ricky Davao, Isabel Oli, at ng Comedy King na si Dolphy.

"Actually, all of my actors are very good. Hindi ko ma-imagine na ibang artista ang gaganap ng roles nila kasi perfect sila. Half of my work is done dahil magagaling sila," pagmamalaki ni Albert noong grand press conference na ginanap noong December 13 sa Area 05 sa Tomas Morato, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LONG PREPARATIONS. Limang taon ang iginugol na pag-aaral at paghahanda para maisakatuparan ang Rosario.

Nagkaroon din si Albert ng "series of so many sessions" kasama si Manny Pangilinan para masiguro na tumpak ang script ng pelikula dahil true story ito.

Ano ba ang naging impression niya sa TV5 head boss sa maraming oras na pakikipag-usap niya dito?

"I'm a fan of Mr. Pangilinan because he's a brilliant man, and not only is he a businessman but he's a filmmaker himself. He knows what he wants for the film and he knows kung ano 'yong flow ng story. So more than anything, he's a filmmaker," sagot ni Albert.

Mahilig si Albert manood ng period films kaya natutuwa siya at nabigyan ng pagkakataon na makagawa ng isang proyekto na kakaiba ang tema kumpara sa mga pangkaraniwang local films na ginagawa sa kasalukuyan.

"The very first period film I fell in love with was Novecento. That's my ultimate all-time favorite period film," sambit ni Albert.

Ang Novecento ay ang Italian film na ipinalabas noong 1976 na sumisilip sa buhay ng dalawang indibidwal na nabuhay noong 1900—isang magulong panahon sa kasaysayan ng Italya.

Sa local naman ay ibinida ni Albert ang mga pelikulang Oro, Plata, Mata (1982) at Karnal (1983) bilang halimbawa ng magandang period film.

HOPING TO SET A TREND. Kakaiba ang istilo na ginawa ni Albert para sa Rosario dahil hindi niya pinag-dub ng kanilang mga linya ang kanyang mga artista.

Live sound ang kanyang ginamit sa final edit ng pelikula, meaning kuha mismo sa actual take during the shooting ang maririnig ng mga manonood at hindi produkto ng recording studio.

"99.9 percent, live sound kami," pahayag ni Albert.

Paliwanag ng actor turned director, "Kasi I don't believe in dubbing. Pag nag-dub ka kasi, parang dinadaya mo 'yong emosyon kasi inaarte mo. Iba 'yong actual, that's natural and it comes from the heart for that particular moment."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala raw sa isip ni Albert at ng kanyang mga artista na hahakot sila ng awards, katulad ng mga naglalabasang prediksiyon base na rin sa kalidad ng pelikulang kanilang ginawa.

Pero malinaw ang kanilang pagnanais mula pa noong umpisa na makalikha ng proyektong maipagmamalaki kahit ilang taon pa ang magdaan.

"Gusto lang namin mag-set ng precedent na pag sinuportahan ng tao 'to, then it will trigger other producers out there, 'O, puwede naman pala, e. Bakit hindi tayo sumugal ngayon kasi nagawa nila? Kaya nating gawin 'yon.'

"Which is good, and lahat tayo makikinabang especially the industry itself kasi we'll have better pictures and the Filipino public kasi magkakaroon sila ng ibang klaseng pelikula that they'll be proud of."

After maipalabas ang Rosario ay balik na ulit sa pag-arte si Albert, na aminadong may acting projects na tinanggihan para lamang matutukan ng husto ang pelikulang tinatapos.

"Hindi ko naman ito career, e," diretsang sabi ni Albert about directing.

"Gusto ko lang 'tong gawin. So it would take many, many years ulit for me to direct again unless gustung-gusto ko 'yong pelikula."

Sa tingin ba niya ay maninibago siya once na sumalang na ulit siya sa set as an actor and not as a director?

"Iba naman kasi actor pa rin ako. Pag nasa set ako, I don't pretend to a be a director—I'm an actor," sagot ni Albert.

"Ako, I respect every single director. Every single director has their own style and it doesn't necessarily mean because ginawa ko 'to [Rosario], ito 'yong tama, hindi.

"It's just that this is the way I want to do the film, but not necessarily telling them that this is correct and what you're doing is wrong.

"Lahat naman sila tama, e. It's just a matter of style. Ito 'yong style ko, style naman nila 'yon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN