Sharon Cuneta feels "offended" and "disrespected" by her unexpected involvement in Sarah Geronimo-Cristine Reyes feud

"Sana, parang may comment na maliit, madaling pag-usapan. Hindi naman kailangan umabot sa gano'n. Pero sabi ko nga, sa mga sitwasyon na ganito, doon natin nakikita ang tunay na karakter ng mga taong involved. At yun ang importante," says Sharon Cuneta (main photo) about the feud between Sarah Geronimo (inset, top) and Cristine Reyes (inset, bottom).


Lumaki na nang tuluyan ang alitan nina Sarah Geronimo at Cristine Reyes dahil sa isinali ang pangalan ng dalawa sa pinakamalaking female stars sa bansa—ang Megastar na si Sharon Cuneta at ang young superstar na si Judy Ann Santos.

Parehong malapit kay Sarah sina Sharon at Juday.

Unang nagkakilala at naging maging matalik magkaibigan sina Sharon at Juday sa dramatic film na Magkapatid noong 2002. Ngayong taon naman ay nagkasama at naging close sina Juday at Sarah sa comedy film na Hating Kapatid.

Nakilala ni Sharon, 44, si Sarah, 22, sa pamamagitan ni Juday, 32.

At dito na nagsimula ang pagiging malapit ng tatlo sa itinuturing na pinakasikat na artista sa kani-kanilang henerasyon.

SARAH-CRISTINE FEUD. Ngayong sangkot si Sarah sa isang isyu, bilang mga kaibigan, ay nadadamay pati sina Sharon at Juday. Pinalalabas ng ilan na pinagkakampihan nina Sharon, Juday, at Sarah si Cristine.

Ayon kasi sa kampo ni Cristine ay "nagsumbong" si Sarah kina Sharon at Juday kaya nakahanap ito ng kakampi laban sa bida ng Kristine.

Nagsimula ang alitan sa pagitan nina Sarah at Cristine nang mag-post si Cristine sa kanyang Twitter ng mga patutsada tungkol sa isang "IDOL" at "drama princess." (CLICK HERE to read related story.)

Hindi man direktang binanggit ni Cristine ang pangalan ng kanyang tinutukoy, nahulaan ng marami kung sino ito—si Sarah Geronimo.

Hindi raw nagustuhan ni Cristine ang "banat" ni Sarah sa rehearsal ng ASAP XV na pag magaling daw magsayaw ay "habulin ng babaeng sexy."

Ayon kay Cristine, siya ang pinatatamaan ni Sarah, at ang sinasabi namang "magaling magsayaw" ay si Rayver Cruz.

Si Rayver ang napabalitang "nanligaw" kay Sarah, bagamat ayon sa iba ay naging mag-on talaga ang dalawa.

Sa ngayon ay balitang nagkakamabutihan naman sina Rayver at Cristine.

THEIR OBJECTIVE. Sa thanksgiving/Christmas party ni Sharon Cuneta para sa entertainment press kahapon, December 17, ay tinanong siya tungkol sa pagkakadawit ng pangalan nila ni Juday sa alitan nina Sarah at Cristine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Una sa lahat, hindi naman ako pinalaki ng mga magulang ko para makipag-away lang," mahinahong umpisa ng Megastar.

"Ang isa lang na sure ako, ito: Kami ni Judy Ann, naging close kami kasi pareho kaming matino.

"Hindi kami pumipili ng kakaibiganin dahil sa kasikatan o dahil sa... Siyempre kami, hindi mo kami mabobola kung makikipagplastikan sa amin ng ugali."

Dagdag ni Sharon, "Naging close si Sarah kay Juday, so alam ko agad, Juday saw something in her.

"And true enough, nung nakilala lalo si Sarah, nakita ko talaga, totoo siyang tao.

"Yung ipinapakita niya sa TV, ganun siya sa tunay na buhay. She's very... Si Sarah, hindi kumikibo!"

Ayon pa kay Sharon, ang hangarin nila ay "maayos lahat" ang anumang hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Sarah at Cristine.

Pero aniya, "Unfortunately, may mga nakarating sa akin na, parang, ako nababastos.

"E, wala akong kinausap na pangit ang pakikipag-usap ko.

"At saka ang objective ko, maayos. Dahil hindi naman kailangan magkaroon ng hidwaan yung tatlo."

May mga nabasa ba siyang tweets ni Cristine tungkol sa kanya?

"May mga nakarating sa akin, pati text messages [niya] sa ibang tao," sabi ng Megastar.

"Yun lang ang nakarating sa akin. Medyo pati ako nababastos na.

"So, nagulat ako do'n. Kasi ang objective ko, maayos.

"So, ayoko nang patulan dito. Kasi ang saya-saya natin, parang ayokong mag-isip ng mga hindi naman dapat iniisip na."

DISRESPECTFUL. Ganunpaman, hindi na rin napigilan ni Sharon na sabihin ang tunay niyang nararamdaman sa pakiramdam niya'y "pambabastos" sa kanya.

Sa mahinahong salita, sinabi niya, "Nakaka-offend lang kasi parang kung may magdi-disrespect sa akin, sana yung may katwiran 'tsaka...

"Parang hindi dapat ako... Parang feeling ko, I have reached my place here, not only in the business, pero alam mo yung track record ko sa pakikisama sa tao nang hindi ako natatrato nang gano'n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, do'n, nao-offend ako," diin niya.

"Ayoko ng mga naririnig ko, because ayoko ng when I don't deserve it, nababastos ako, na nawawalan ng respeto sa akin.

"It's disappointing, oo."

Ipinaliwanag din ni Sharon na hindi sila ni Juday ang tipo ng mga tao na kakampi sa isang tao dahil lang sa magkaibigan sila.

"Alam mo, sabi ko nga, it's very simple. Alam ng parents ni Sarah na kung merong mali si Sarah, hindi kami yung we will condone it.

"Talagang mauuna kami ni Juday na pagsabihan siya."

Dagdag ni Sharon, kung may nasabi man si Sarah ay hindi raw dapat ito pinalaki.

"Saka kung meron siyang pagkakamali, I don't think ganun kalaki yung pagmamalisya niya because, truth be told, sana noon pa ang dami na niyang puwedeng nasabi.

"Kasi ang nakakaawa sa bata, nasaktan na, e, di ba?

"So, sana, parang may comment na maliit, madaling pag-usapan. Hindi naman kailangan umabot sa gano'n.

"Pero sabi ko nga, sa mga sitwasyon na ganito, doon natin nakikita ang tunay na karakter ng mga taong involved. At yun ang importante."

Saad pa ng Megastar, "So, kung titingnan mo, track record ko, track record ni Juday, track record ni Sarah, sa pakikisama sa tao, sa mga nakatrabaho, sa mga nakakakilala, siguro walang makakapagsabi na, 'Ay, kunyari ganyan 'yan sa harap ng kamera, pero sa likod hindi.'

"I think pag inalam ninyo do'n sa mga kasama natin, o namin, do'n n'yo makikita na kaya magkasundo, matino kaming tatlo, disente kami.

"Saka ako, nagulat, kasi talagang it went so out of hand when it shouldn't have. Tapos pati ako talaga, walang patumanggang binabastos.

"That is so wrong. That is so wrong.

"Nobody has the right to treat me like that if I have not hurt that person.

"Alam mo kami, hindi kami yung kakampi dahil lang, di ba? Like I said, kung mali, pagagalitan. Hindi gano'n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We're not here to condone mistakes.

"Nagkataon lang nagkalapit-lapit kami. Pero magsusuportahan kami basta nasa lugar kami.

"Yun lang 'yon. It's normal, di ba, sa mga magkakaibigan?"

Nilinaw rin ni Sharon na hindi nagsumbong sa kanya si Sarah, taliwas sa mga balitang lumabas.

"Alam mo, yun lang ang gusto kong linawin. Ang nagsasabi sa akin, mga taong malapit sa kanya.

"Alam ng Panginoong Diyos, not once did Sarah call or text or tell me, o magparating ng kuwento. Not at all...

"Hindi ako sinungaling, sorry. Hindi ako 'yon."

CONFRONTING RAYVER. Sa kabilang banda, inamin ng Megastar na kinausap niya si Rayver Cruz sa taping ng Christmas special ng ABS-CBN sa Araneta Coliseum noong December 14.

Pero hindi raw ito katulad ng nabalitang "tinalakan" niya si Rayver sa dressing room at dahil daw dito kaya "umiyak" si Cristine.

Sabi ni Sharon, "Hindi ko nakita si Cristine, e. Sayang nga, e. Kasi I would have wanted na, yung kung meron akong mako-contribute, magkaayusan.

"Oo, kinausap ko si Rayver. Hindi naman ako nagtago. Pero ang ganda-ganda nang pagsabi ko.

"Ayoko nang pag-usapan yung exact words, pero ang point lang ng buong conversation is, babae kasi si Sarah, yung sana may proteksiyon.

"Alam mo, hindi ko na nga lang sinabi... Ngayon, sasabihin ko na lang, wala namang masama: Kanino ba nagsimula lahat ng gulo?

"Di ba?

"So, sana maayos kasi tina-try kong intindihin yung mga babae. Pero parang sumobra talaga.

"Na-offend talaga ako," diin ng Megastar.

Pagpapatuloy niya, "Napakawalang respeto—pati sa akin, pati kay Juday, walang pakialam.

"So, doon ako nagulat nung nakarating sa akin.

"So, ang akin lang, ipagdarasal ko na lang na sana maayos na ito. Ang importante, alam ko na ang ugali at karakter ng mga taong involved.

"Ang daming feelings na hindi na dapat namagitan, na namagitan pa dahil sa isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sayang... ganun ang showbiz," may panghihinayang na sambit ni Sharon.

Kumusta na si Sarah ngayon?

"Hindi ko alam, okay naman siya. Disente pa rin!" natatawang sagot ni Sharon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN