Newcomer Hiro Magalona signs four-year contract with Regal Films

"Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na isa na akong Regal baby. Kasi sabi ng mommy ko, sobrang sikat daw ng Regal babies noon kaya naman daw masuwerte ako at pinagkatiwalaan ako ni Mother Lily," says Hiro Magalona.


Paniguradong magiging masaya ang pagpasok ng 2011 sa newcomer na si Hiro Magalona dahil sa pagpirma niya ng kontrata sa Regal Films, ang movie outfit na pag-aari ni Mother Lily Monteverde.

Pumirma ng four-year contract si Hiro sa Regal Films noong November 23 sa Imperial Palace Suites sa Timog Ave., Quezon City.

Ayon kay Hiro, nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong Biyernes, December 17, sa January daw ay posibleng gawin na niya ang kanyang first movie sa bakuran ng Regal.

"Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na isa na akong Regal baby. Kasi sabi ng mommy ko, sobrang sikat daw ng Regal babies noon kaya naman daw masuwerte ako at pinagkatiwalaan ako ni Mother Lily.

"Bale sabi ni Mother Lily 'tsaka ni Ma'am Roselle [Monteverde Teo], baka daw by January, makasama na ako sa unang pelikulang gagawin nila. Makakasama ko daw po yung ibang mga contract artist ng Regal Films.

"Hopefully, sana matuloy po. Kasi gusto ko ring ma-experience na makaarte sa pelikula," saad ng pamangkin ng yumaong si Francis Magalona.

Anong klaseng pelikula ang gusto niyang gawin?

"Wala naman po, any movie okey lang sa akin. Kasi bukod sa TV, gusto ko ring makita ang sarili ko sa mga sinehan," sabi ni Hiro, na regular na napapanood sa Walang Tulugan with the Master Showman ng GMA-7.

May gusto ba siyang makapareha?

"Sino ba? Kahit sino sigurong ibigay sa akin ng Regal Films, puwede. Kasi ayoko naman isipin nila na kabago-bago ko, namimili ako ng makakatrabaho.

"Basta kung sino yung ipareha o makakasama ko sa pelikulang gagawin ko, okey lang sa akin."

REGAL BABY. Sa four-year contract niya, nakatakdang gumawa ng 16 films si Hiro sa Regal Films.

"Ang alam namin, nung first meeting, 12 movies yung gagawin ko sa Regal Films. Kaya laking gulat ko nung sabihin ni Mother Lily na 16 movies daw ang gagawin ko sa kanila. Inisip ko nga, ang dami-daming pelikula nun!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa wakas, mapapanood ko na sa sarili ko sa sinehan next year!" excited at natatawang sabi ni Hiro.

Kaya naman daw very thankful ang young actor sa tiwalang ibinigay sa kanya ni Mother Lily at Miss Roselle para maging bahagi ng Regal Films, at pati na kay German Moreno na naging tulay para makilala niya ang mga ito.

"Ipinangako ko sa kanila na pagbubutihan ko yung trabaho ko para naman maibalik ko sa kanila yung pasasalamat dahil kinuha nila ako.

"At lalong-lalong malaking pasasalamat ang nais kong ibigay sa Diyos, kasi alam ko na Siya ang dahilan kung bakit masuwerte ang taon ko. Kaya, thank you, Lord!"

Bukod sa Walang Tulugan with the Master Showman, napapakinggan din si Hiro sa radio program sa dzBB na Walang Siesta ni Kuya Germs at ng Badingdings.

"Kaya naman bukod sa pag-arte, nahahasa rin yung hosting skills ko sa Walang Tulugan at Walang Siesta."

FRUITFUL YEAR. Ayon kay Hiro, ito na siguro ang pinakamaligayang Kapaskuhan na dumating sa kanyang buhay. Ito kasi ang taon kung saan mula sa paggawa ng TV commercial ay napasok na rin niya ang telebisyon at pumirma ng kontrata sa Regal Films.

"Ang daming magagandang nangyari sa buhay ko ngayong taon. Nanalo ako sa Olive-C Campus Model Search, nakagawa ako ng two print ads, at ngayon kakapirma ko lang sa Regal Films.

"Kaya naman sa ngayon, wala na siguro akong mahihiling pa. Kasi sa dami ng blessings na ibinigay sa akin ng Diyos ngayong taon, sobra-sobra na yun," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN