Kris Aquino attends collusion investigation regarding annulment case against husband James Yap

Kris Aquino submitted herself to a collusion investigation last December 16 at the Makati Regional Trial Court. The investigation was conducted to determine if there is a basis for Kris's filing an annulment case against husband James Yap.


Matapos ang ilang mga kasunduang naganap sa pagitan nina Kris Aquino at James Yap, hindi pa rin natatapos ang pagpoproseso ng kanilang annulment case.

Kaugnay nito, nagkaroon ng collusion investigation noong Disyembre 16 sa Makati Regional Trial Court. Pero hindi nakasipot si James.

Kinakailangan ang imbestigasyon para matiyak na may basehan ang pagpa-file ni Kris ng annulment case laban kay James.

Ngunit ayon sa pahayag ni presiding judge Christopher Garvida sa The Buzz kahapon, December 19, ayos lamang kahit hindi sumipot si James dahil ang mahalaga'y naroon si Kris na siyang nagsampa ng kaso.

Ipinaliwanag din ni Garvida ang kahalagahan ng collusion investigation.

Aniya, “Ipinapadala yung kaso for collusion investigation pagka una, hindi contested yung kaso.

"Pangalawa, kung contested, pero walang issue. Meaning, ina-admit nung kabilang partido lahat ng sinasabi nung petitioner and, therefore, walang issue. Parang nag-a-agree nga sila.

"So we have to conduct a collusion investigation.”

Idinagdag pa ni Garvida na ito ang paraan ng korte na masiguro "na totoo yung mga argument, yung mga sinasabi nung mga parties who are asking for the annulment of their marriage, hindi yung gawa-gawa lang.”

Sa kabilang banda, wala ring problema kay Kris na sumailalim sa imbestigasyon.

“If there is a collusion investigation... You know, it is the state’s duty to really investigate and to protect the sanctity of the family and to see kung puwede pang maayos, kung may magagawa pang paraan.

"Siguro ako na yung pinakaunang magko-comply at sasagot sa mga katanungan niya [Garvida]."

Biro pa ni Kris, "He asked me a lot and I answered a lot!”

Wala rin daw sama ng loob si Kris sa hindi pagsipot ni James.

Ayon pa nga sa TV host-actress, ipinagdadasal niya ang pagkapanalo ng koponan ni James sa semi-finals ng PBA (Philippine Basketball Association) upang sa ganun ay makapanood pa si Bimby ng laro ng kanyang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pinagpi-pray ko siya kasi friends na kami," sabi ni Kris.

DALAW PREMIERE. Kahapon ay ginanap naman ang premiere ng Dalaw, ang pelikula ni Kris na kasali sa 2010 Metro Manila Film Festival.

Tumayong guest of honor at date ni Kris sa premiere ang kanyang kuya na si President Benigno "Noynoy" Aquino III. Lubos ang suportang pinakita ng pangulo sa kanyang kapatid, dahil sa kabila ng busy na schedule niya ay nagawa pa rin niyang isingit ang panonood ng pelikula ng bunsong kapatid.

Nandoon din upang magbigay ng suporta kay Kris ang iba pang mga kapatid niya na sina Ballsy Aquino-Cruz, Pinky Aquino-Abellada, at Viel Aquino-Dee.

Sa ngayon, abala si Kris sa pagpunta sa iba't ibang lugar sa bansa upang mamahagi ng Pamasko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN