Gardo Versoza spends his first Christmas without his mom

"Nakaka-miss [si Mommy]. Kaya lang kasi, siguro merong mensahe na gustong iparating si Papa Jesus kung bakit sa ganitong panahon ito nangyari, di ba?" says Gardo Versoza about his mom's death.


Gardo Versoza and his entire family are in deep mourning.

Hindi pangkaraniwan ang pagluluksa ng aktor at ng buong pamilya ng mga Torres at Polintan—Gardo is Peter Mennen Torres Polintan in real life—lalo na sa darating na Pasko.

Ito ay dahil sa pagyao ng mahal na ina ng aktor na si Purisima "Baby" Luchengco Torres Polintan, 68, na namayapa dahil sa karamdaman noong Disyembre 10, 2010.

"Nakakalungkot... nakaka-miss," wika ni Gardo ngayong wala na ang kanyang mahal na ina.

Sandaling nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Gardo sa huling lamay para sa namayapa noong Sabado ng gabi, Disyembre 18, sa Ascencion Columbary ng Arlington Memorial Homes sa Araneta Avenue, Quezon City.

Kinabukasan, Disyembre 19, ginanap ang memorial rites at cremation ni Mommy Baby sa naturang memorial chapel.

Nanatiling matatag si Gardo sa gitna ng labis na kalungkutan. Higit siyang na-overcome ng sadness, na madalas na umiiyak, sa panahong naratay sa karamdaman ang kanyang mommy sa Cardinal Santos Hospital simula noong November 27 hanggang pumanaw ito noong Disyembre 10, dakong 7:40 ng gabi.

"Nakaka-miss [si Mommy]. Kaya lang kasi, siguro merong mensahe na gustong iparating si Papa Jesus kung bakit sa ganitong panahon ito nangyari, di ba?" sabi ni Gardo.

Last December 1, Mommy Baby turned 68 years old. Sa ICU ng Cardinal Santos Hospital ipinagdiwang nina Gardo, kasama ang kanyang nakababatang kapatid na si Elite at iba pang kaanak at kaibigan, ang kanyang kaarawan.

Ang girlfriend ni Gardo na si Ivy Vicencio ang katuwang ng aktor sa pagbabantay sa maysakit mula nang maratay ito.

Nagsilbing bonding time ito para kina Ivy at Mommy Baby, na nagpahayag ng pasasalamat at pagtanggap sa nobya ng kanyang panganay na anak, na labis ikinatuwa ni Ivy.

Positively, maaaring 'yon ang mahalagang mensahe ng pagyao ni Mommy Baby—ang naging pagtanggap niya sa babaeng mahal ng kanyang anak.

Dati, o ayon sa napapabalita, nagkakaproblema si Mommy Baby kapag may nauugnay na babae kay Gardo, na hindi pabor sa kanyang anak ang naglalabasang ulat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para naman kay Gardo, positibo ang naging kaganapan dahil maraming ninais ang kanyang ina na natupad bago ito pumanaw.

"In a way, we're happy for her din kasi matagal na rin niyang pinagpe-pray yun, e. Gusto na rin niya [akong] lumagay sa tahimik," sabi ng aktor.

Hindi nga lang nagdetalye si Gardo ng tungkol sa kanila ng kanyang girlfriend of five years.

"GODSPEED MOM, WE LOVE YOU!" Sa Facebook Wall post ni Gardo, using his real name, Peter Mennen, ito ang nagsilbi niyang pamamaalam sa kanyang mahal na ina:

"Maligayang paglalakbay kay Mommy," banggit naman Gardo sa huling lamay na dinaluhan ng mga miyembro ng dalawang angkan ng mga Torres (mother side) at Polintan (father side).

Ang father nina Gardo at Elite na si Atty. Felix Polintan ay yumao noong 1994.

Ang dalawang kapatid ni Mommy Baby, named Rodolfo and Reynaldo Torres, ay pawang yumao na rin. Kaya pawang mga cousins at mga anak ng mga ito ang dumalo sa wake at final rites noong Linggo, Disyembre 19.

Naging abala sina Gardo at Elite, kasama si Ivy, sa pag-aasikaso sa mga nakiramay na kamag-anak.

Ayon kay Gardo, masaya ang kanyang mommy, saan man ito naroroon, dahil muling nagkasama-sama ang magkakamag-anak sa panahon ng pagpanaw nito.

"'Yun ang lagi niyang hinahangad sa magkakamag-anak, yung laging [maging] malapit sa isa't isa. Gano'n siya nung nabubuhay pa, e.

"Pinaglalapit-lapit niya. Hangga't maaari, ayaw niya nang magkakalayo kaming magpipinsan.

"Sana maipagpatuloy namin... sigurado matutuwa siya do'n."

At the necrological rites, Gardo thanked everyone who came to pay their last respects to their dear departed mother.

DISCIPLINARIAN. Between his parents, Mommy Baby was the stricter disciplinarian who guided her sons during their growing-up years.

"Siya ang mas strict," patotoo ni Elite.

Based sa States ang younger brother ni Gardo, who now works in Ohio bilang computer engineer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"She's like any typical mom," paglalarawan pa ni Elite, "na minu-monitor ang studies namin, and guides us sa mga activities, even in our choice of friends. She saw to it we're going with the right people.

"We had time for studies and to socialize, in parties, pero may limits din. In a way, masasabi ko, nakabuti naman yung pag-discipline niya sa amin [ni Kuya Mennen] as we grew up."

Parehong nakatapos ng pag-aaral hanggang kolehiyo sina Gardo at Elite, although ang younger brother ni Gardo ang nag-pursue ng propesyon nito bilang engineer.

Si Gardo, nagtapos din ng kursong electrical engineering, pero napasok sa showbiz, simula noong late '80s hanggang sa kasalukuyan.

"Si Mommy din ang nag-encourage sa akin [na mag-showbiz]. Yun yata ang frustration niya, e. Sa akin natupad.

"Nagustuhan ko na rin naman, kaya 'eto pa rin ako!" natatawang pag-alala niya.

'SHOWBIZ' FAMILY. PEP saw familiar faces on certain days na pinuntahan namin ang wake ng namayapa.

Isa sa mga unang dumalaw sa burol ni Mommy Baby ay ang manager-friend ni Gardo Versoza na si Ed Instrella at ang aktres na si Jaclyn Jose.

Noong mga sumunod na araw, dumating din ang iba pang taga-showbiz, gaya nina Chanda Romero, Liza Lorena and son Tonton Gutierrez, at si Ces Quesada.

Currently, kasama si Gardo sa magbubukas na teleseryeng Green Rose sa Kapamilya network kaya dumating din ang talent coordinator ng Dos na si Tita Angge (Cornelia Lee).

Si Tita A. ang nagpaabot sa mga taga-ABS-CBN hinggil sa napaulat na pagyao ni Mommy Baby.

Earlier din, nagpunta sa unang gabi ng lamay si Direk Wenn Deramas, direktor ng Ang Tanging Ina N'yo (Last Na 'To).

Malapit sa pamilya nina Gardo at Mommy Baby si Direk Wenn kaya maaga itong dumalaw sa wake na para sa malalapit na kamag-anak muna, sa isang sangay ng Arlington Chapels.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alan Paule and family also came to the wake. Gayundin ang healing psychic na si Alex, na nandoon nung December 1 (birthday ni Mommy Baby) para sa pray-over and healing ng maysakit.

At past midnight, dumating din si Cherry Pie Picache, bagama't natutulog na si Gardo dahil sa sobrang kapaguran at puyat ng mga nagdaang gabi. Si Ivy naman ang humarap at nag-asikaso sa mga dumarating na bisita nang mga sandaling 'yon.

Pagkakita ni Cherry Pie sa nasa casket na labi ng yumao, na nakangiti ito at maaliwalas ang mukha, buong lugod din ang naging reaksiyon ng aktres.

"She's happy. She has lived a full life. I'm happy for her!" sambit ni Cherry Pie.

Nagkakilala't nagka-bonding din daw sina Cherry Pie at Mommy Baby sa isang yugto ng pagkakaibigan nila ni Gardo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN