PNoy and Kris Aquino's sisters grace Dalaw premiere

"Hindi naman natin masasabi kasi ito pa lang ang napanood natin na horror in a while. Pero nakaka-impress ho ang lahat ng kumilos dito, nakikita po talaga yung sinasabi nila na talent. I really enjoyed it," said President Noynoy Aquino after watching the premiere of Dalaw.


Nagmistulang isang family affair ang premiere ng isa sa mga official entries sa Metro Manila Film Festival 2010, ang Dalaw,noong Linggo, Disymbre 19, sa TriNoMa Mall sa Quezon City.

Mga isang oras bago ang premiere screening ay kapansin-pansin na ang presidential security guards (PSG) na nakapaligid sa loob ng mall.

Maya-maya ay magkakasunod nang dumating ang presidential sisters. Sina Maria Elena "Ballsy" Aquino-Cruz, Aurora Corazon "Pinky" Aquino-Abelleda, at Victoria Eliza "Viel" Aquino-Dee ay tumuntong sa red carpet para sa screening ng pelikula ng kanilang bunsong kapatid na si Kristina Bernadette Aquino-Yap—o mas kilala sa kanyang palayaw na Kris.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay sabay na dumating si Kris Aquino, na nakasuot ng green cocktail dress, at ang kanyang kuya na si Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino, na naka-dilaw na long-sleeved polo naman.

Sa kanilang pagpasok sa sinehan, nagbiro si Kris tungkol sa kung sino ang puwedeng manood ng kanyang pelikula.

"You can bring the entire family basta't kasama yung mga magulang, guardians o nakakatatandang kapatid. Or, in his [President Noynoy] case, yung mga tiyuhin n'yo kasama n'yo," sabi ni Kris.

Maya-maya ay tahimik din na pumasok sa loob ng sinehan ang presidential stylist na si Liz Uy na nakaputing cocktail dress. Si Liz ay minsan ding na-link kay PNoy.

Nagsidatingan din ang executives ng ABS-CBN na sina Charo Santos-Cancio at Deo Edrinal.

Naroon din ang iba pang cast members ng Dalaw na sina Diether Ocampo, Gina Pareño, Karylle (kasama ang kanyang ina na si Zsa Zsa Padilla), Ina Feleo, Alessandra de Rossi (kasama ang kanyang kapatid na si Assunta), at si Empress Schuck.

Present din ang dalawang anak ni Kris na sina Josh at Bimby.

Bukod sa kanyang pamilya, namataan din ang ilan sa mga kaibigan ni Kris na nagbigay ng suporta.

Naroon sina Coco Martin, Richard Gomez at asawang si Lucy Torres-Gomez, Vice Ganda, ang mag-inang Dra. Vicky Belo at Cristalle Belo Henares, Iza Calzado, at Bianca Manalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

REACTIONS. Pagkatapos ng screening, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si PNoy habang palabas ng sinehan.

Tinanong ng PEP kung ano ang naging reaksiyon niya sa pinanood na pelikula.

"Their acting is believable. It is a story-driven movie," sagot ni PNoy.

Ito ba ang best horror film na napanood niya?

"Hindi naman natin masasabi, kasi ito pa lang ang napanood natin na horror in a while.

"Pero nakaka-impress ho ang lahat ng kumilos dito, nakikita po talaga yung sinasabi nila na talent. I really enjoyed it," sabi ng Pangulo.

Samantala, masayang-masaya naman si Kris sa naging resulta ng premiere ng Dalaw.

"Well, it was well worth the effort. I feel na parang ano...[Tinatanong nila kung] half pa lang yun, [sabi ko], 'Hindi, tapos na.' [Sabi nila], 'Ang bilis!' So, I'm happy na they found the pacing na mabilis.

"I'm grateful that my entire family came to watch the movie. And lahat ng efforts na ibinigay naman, pag nakita mo naman, mararamdaman mo talaga na worth it yung ginawa ko," sambit ng lead star ng Dalaw.

Ano naman ang naging reaksiyon ng kanyang kapatid na si President Noynoy Aquino habang pinapanood ang pelikula?

"Well, nung early part, sabi niya, 'O, may halik na naman!'

"Parang nakakalimutan niyang magku-kuwarenta na ako sa February! Tapos sinabi ng mga sisters ko, 'Bimby won't like that.'

"Tapos after, siya [PNoy] yung nag-explain kay Pinky na, 'Flashback 'yan , 'yan yung explanation.' I feel naman na na-appreciate niya yung effort.

"My other brother-in-law said na na-surprise siya talaga because he was not expecting it to be that good. Parang pumunta sila dito out of pakikisama sa akin, pero natuwa talaga sila sa resulta," kuwento ni Kris.

Sa tingin ba niya ay natakot si PNoy habang pinapanood ang kanyang horror movie?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi," sagot ni Kris.

"I think kasi ano, ang daming problema while he was watching. He kept on texting because of what happened in Cagayan.

"Naramdaman ko naman talaga na na-appreciate nga niya."

Ang tinutukoy ni Kris ay ang sunog na nangyari sa isang hotel sa Tuguegarao, Cagayan, kung saan namatay ang 15 katao at nasugatan ang 12 na iba pa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN