Derek Ramsay joins Noche Buena Caravan in Isabela, distributes food and construction materials

Derek Ramsay tried planting rice in Isabela during his recent trip there with World Vision. Aside from giving out food, the actor distributed construction materials for families whose houses were destroyed by typhoon Juan.


Sa kabila ng kanyang tagumpay bilang isang in-demand na leading man, hindi nalilimutan ni Derek Ramsay na ibahagi ang kanyang mga biyaya sa mga kababayang nangangailangan ng tulong.

Upang magbigay kasiyahan sa kapwa, sumama si Derek sa World Vision na nagpunta ng Isabela noong December 9-11. Tumulong ang aktor sa mga kababayan nating nasalanta ng typhoon Juan noong October 18.

Ayon kay Derek, pati ang kanyang girlfriend na si Angelica Panganiban ay involved sa pagsuporta ng mga bata mula sa World Vision.

Kuwento ni Derek, "Since 2007, I sponsored some kids from World Vision, kami ni Angel.

"Maraming beses silang nag-i-invite sa akin to go to the place, ang Isabela ang pinaka-naapektuhan ng bagyong Juan and they were also asking if I want to meet the kids that I am sponsoring.

"Di naman siya magtugma sa schedule ko, so itong Christmas, parang regalo ko ito sa sarili ko, I cleared up my sked, pumunta kami ng Isabela."

Ang Isabela ang isa sa tinamaan at nasalanta ng husto ng bagyong Juan kung kaya't bukod sa mga Noche Buena gift packs ay nagbigay rin si Derek ng mga materyales sa mga bahay na nasira ng nasabing bagyo.

"Nanghingi kami ng mga Noche Buena gift packs para sa mga pamilyang tinamaan ng typhoon Juan. Some of the kids there ay di pa pala nakakatikim ng spaghetti.

"I gave gift packs, nagpa-party ako sa mga bata and in the whole process nag-adopt pa ako ng dalawang bata to sponsor.

"Apat na places ang pinuntahan namin, yung ibang lugar talagang wiped out, yung first site na pinuntahan namin, namigay kami ng yero, namigay kami ng mga plywood para makapagtayo sila ng bahay."

The hunk actor even tried to plant rice sa isang muddy field, na ikinagulat ng lahat.

"Nagtanim pa ako ng palay, akala nila nung una di ko gagawin, nagtanggal ako ng sapatos, nagtanim ako ng palay. It was such an experience!" sambit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

The trip was a tiring but meaningful experience para kay Derek dahil mas naramdaman daw niya ang tunay na diwa ng Pasko.

"Para mapuntahan namin yung four barangays, nag-travel kami by land so it was very tiring but very fulfilling.

"Sabi ko nga, this is the best Christmas gift I've ever received. Ang sarap sa pakiramdam na alam mong nakatulong at nakapagpasaya ka ng ibang tao, lalo na ng mga bata," sabi ni Derek.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN