Zsa Zsa Padilla and Dolphy delete objectionable scenes in Father Jejemon; issue public apology

"Ang layunin lang naman namin ay magpasaya ng mga tao. Alam n'yo naman na sa edad niya, wala na siyang gustong saktan pa, lalung-lalo na ang simbahan. So, kung kami man ay nagkamali, sana po ay patawarin na kami ng publiko at ng simbahan," says ZsaZsa Padilla, Father Jejemon producer and Dolphy's partner. Father Jejemon was recently the target of a boycott campaign through text messaging because of two scenes in its trailer.<


Hindi nakarating sa premiere night ng pelikula niyang Father Jejemon ang King of Comedy na si Dolphy.

Naganap ang premiere sa Cinema 10 ng SM Megamall, kagabi, December 22.

Sabi ng producer at partner ni Pidol na si Zsa Zsa Padilla, napuyat daw ang Hari ng Komedya dulot ng pag-iisip sa bantang pag-boycott sa pelikula niya.

Kumalat kamakailan sa text ang panawagan na i-boycott nga ang Father Jejemon.

Ayon sa text message na kumalat, na ipinakita rin ng ABS-CBN showbiz news show na SNN: "Please boycott 'Father Jejemon' where the Holy Eucharist is accidentally dropped in between the cleavage of a female communicant. In another, it is stuck between the dentures of a senior citizen.

"We must denounce this mockery of the highest form of worship. Let's not allow the king of comedy to make a comedy of the King of Kings."

Pahayag naman ni Zsa Zsa, ginawan naman daw agad nila ng aksiyon ang inirereklamong bahagi ng trailer.

"Kasi nung malaman namin nung Sunday [ang panawagan ng boycott], pinatanggal naman agad namin sa trailers. Pero siyempre, medyo matrabaho.

"Sa television, may tatlong versions kasi kami ng trailers, so hindi masyadong mahirap. Pero sa cinemas, it took a lot of work. Because nationwide, we had to pull out all of the trailers and edit."

Sa mismong pelikula nga, kapansin-pansin ang maikling eksena ng "communion scene." Palatandaan na pinutol na talaga ng RVQ Productions (film outfit nina Dolphy at Zsa Zsa) ang mga eksenang inirereklamo.

Noong Lunes nga, nag-public apology pa si Dolphy, ani Zsa Zsa.

"Ang layunin lang naman namin ay magpasaya ng mga tao. Alam n'yo naman na sa edad niya, wala na siyang gustong saktan pa, lalung-lalo na ang simbahan.

"So, kung kami man ay nagkamali, sana po ay patawarin na kami ng publiko at ng simbahan," panawagan pa ng tinaguriang Divine Diva.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabila ng di pagdating ng main star, naroon naman at kasama ni Zsa Zsa ang mga anak nila ni Dolphy na sina Zia at Nicole.

Nauna ring dumating sa kanila ang iba pang mga miyembro ng cast na sina Rodfil ng Moymoy Palaboy, Roy Alvarez, Caloy Alde, Vandolph (kasama ang asawa niyang si Jenny), Epy Quizon, at Cherie Gil.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN