Christmas Forum: What The Stars Want for Christmas

(From left) Sam Milby, Marian Rivera, and Dennis Trillo reveal what they want to get this Christmas.


Ang Pasko ang most celebrated season sa buong taon, lalo na sa Pilipinas. Halos lahat ay talagang naglalaan ng panahon at effort to give gifts to their loved ones. Ito rin yata ang okasyon na halos karamihan ay siguradong may isa, dalawa, or higit pang natatanggap na Christmas presents.

Ang mga artista natin ang ilan sa pinaka-generous kapag sumasapit ang Kapaskuhan. Most of them feel that it's the one time of the year na sa pamamagitan ng pagbibigay ng Christmas gifts, kahit paano ay maipapakita nila ang pasasalamat sa mga taong nagmahal, nagmalasakit, at nakaalala sa kanila all-year round.

Pero sa pagkakataong ito, sila naman ang tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang material gifts na gusto nilang matanggap ngayong Pasko.

JOHN LAPUS: "Naku, ang bahay at lupa ko, hopefully, bago matapos ang taong ito, e, makalipat na ako. Kasi, suwerte raw na maglipat before the end of the year."

MARIAN RIVERA: "Ako, ang hirap kasi kapag hindi pa masyadong nabubuo ang plano. Pero meron akong gustong buksang business next year. Pagpapaganda, pampa-relax sa mga girls. Mga ganoon."

SAM MILBY: "I would like to have a motocross bike. That's my favorite sport. Wala namang pumipigil sa akin na bumili. It's just that, umaasa ako na sana, may mag-i-sponsor sa aking bike. Hahaha! So, I can promote their motocross bike."

ALWYN UYTINGCO: "Ang material gift, ako siguro, hindi material. Siguro naisip ko na lang, kung meron man na material, para sa mga kapatid ko na lang, like laptop. Yung mga pangangailangan nila sa pag-aaral nila. Ako, basically naman, wala na."

DENNIS TRILLO: "Kotse siguro..."

ALESSANDRA DE ROSSI: "Material gift na gusto kong ma-receive? Parang hindi ko pa maisip or it's a sign na wala akong hinahanap sa buhay ko kung hindi ang kaligayahan lang. Sadyang happiness lang. Masaya naman ako, sobra! Pero, gusto ko forever na ganyan lang. Ayoko ng hassle, ayoko ng problema, ayoko ng stress. Ayoko ng echoserang frog!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

EJAY FALCON: "Sana po tangkilikin ng mga tao ang unang pelikula namin, ang Father Jejemon. Para kasi sa akin, kapag tinangkilik ito ng mga tao, napakasarap po para sa akin kasi, ito po ang first movie ko."

BARBIE FORTEZA: "Gusto ko ng bagong watch. Kasi, ngayon, iba ang gamit ko. E, medyo malambot na yung dati, baka mapigtal, e, itinago ko na. So, sa tingin ko, kailangan ko ng bago naman."

JOSHUA DIONISIO: "Bagong sasakyan. Yun po sana, kung may magbibigay, e, di okay. Kung wala naman, sana makabili ako. Pero baka hindi pa po ngayong Pasko yun. Pag-iipunan pa po."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN